Kabanata 14

133K 2.9K 1.6K
                                    




Felix

"Okay Daddy," sabi ko at tumango kay Dad.

Kanina niya pa ako pinapaalalahanan ng mga gagawin sa school, na dapat makinig daw ako, na dapat ganito, na dapat ganiyan. Nakikinig na lamang ako sa kaniya dahil concern lang naman siya kaya naiintindihan ko.

"Ipapahatid kita kay Evan at siya rin ang susundo sa'yo, huwag ka nalang munang mag gala kasama ang mga kaibigan mo." Tumango ako.

Mom is here. Nakikinig lang din siya kay Daddy habang sinusulyapan ako, she knows that I'm already irritated pero para bang sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ni Mama ay sinasabi ng mga mata niya na pagpasensyahan ko na lang.

I understand my Father well, pero minsan hindi. Napuno lang ang buong agahan namin ng paalala ni Daddy sa'kin. He never trust me kapag dating sa pagdedesisyon dahil he thinks that I'm bad on it, well yes somehow I am pero can't I decide for myself kahit sa simpleng bagay lang?

"Stop murmuring, Reganne. Nagsasalita pa ako, I've been very much open to your opinions and suggestions no'ng bakasyon kaya makinig ka ngayon sa mga sinasabi ko. This is for you," ani Dad at nagtiim ng kaniyang bagang.

Suminghap ako at tiningnan si Daddy. "Yes daddy, I know kung anong gagawin ko sa school. You don't have to say everything to me, I have a lot to learn but I am 20 already I can manage myself for some simple things like school. Hindi na ako bata Dad, para sabihan mo na makinig mabuti sa mga professor ko. I know my responsibilities as a student kaya hindi niyo na 'yon kailangan ipaalala sa'kin."

Natahimik si Daddy sa sinabi ko. Muli akong napasinghap at muling binalingan ang aking kinakain. I felt guilty after kong sabihin 'yon. Alam ko namang nag-aalala lang siya pero kahit naiinis ako I felt bad for saying those words to him but I hope he understand. I know naman he will.

"Okay Reganne, I'm sorry..." tumingin ako kay Daddy at kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung saan nanggaling ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

I was touched with the tone of his voice. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.

"No dad, you don't have to be sorry for it. Gusto kong marinig lahat ng mga paalala mo pero not on this one, I know you love me and you really care for me. But please, trust me kahit sa maliit lang na bagay." Ngumiti ako kay Dad at tumango naman siya.

Tinitigan ko si Dad habang seryosong kumakain, I really felt bad for it. Nang matapos kami kumain ay niyakap ko siya, I hugged him so tight. Maraming mga bata or even in my age na walang tatay, kaya I really appreciate how my Dad cares for me.

"I'm sorry Dad, you don't have to feel bad dahil lang may pake ka sa'kin." Tumulo na ang luha ko at niyakap din ako ni Dad at hinipo ang aking ulo.

"I'm sorry Reganne for being too protective, ayoko lang na ma-failed ko ang pagiging tatay ko sa'yo." Tiningala ko siya and then he wiped my tears using his thumb.

"It's okay Daddy, be protective." Ngumiti siya at niyakap ako ulit.

After I and Dad talked on some things ay naligo na ako dahil kanina pa raw naghihintay si Evan diyan at hindi man lang kumatok. I look myself at the mirror, I look pretty sexy on this uniform. Medyo masikip siya bandang baywang kaya naman mas nahulma ang curves ng aking katawan.

Pagbaba ko ay nadatnan kong naguusap si Daddy at Evan. Napatingin silang dalawa sa direksyon ko at ngumiti naman si Daddy nang nakita ako.

"You look good Reganne, right Evan?" tumingin ako kay Evan na nakatitig sa'kin.

"Yes, sir, she looks beautiful." Paraakong nalulusaw sa malambot niyang paninitig sa akin habang nakangiti.

Pinilit kong hindi mapangiti dahil naramdaman ko agad ang mga paruparo sa aking tiyan. But I failed, ngiting-ngiti ako habang nakatingin si Evan sa'kin.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon