Kabanata 23

125K 2.8K 4K
                                    




Kaaway

Pinapanuod ko si Evan na hinuhugasan ang ginamit niyang pangluto at ang pinagkainan namin. Nakaupo ako sa high chair habang nakapangalumbaba.

Nakatalikod siya sa'kin pero iniimagine ko na agad na nakangisi siya habang naghuhugas dahil alam niyang pinapanuod ko siya.

"Sana may yumakap sa'kin mula sa likuran," aniya kaya umirap at natawa ako.

Tumayo ako at dahan-dahan naglakad papunta sa kaniya pero parang inaasahan naman na niya na yayakapin ko siya.

Niyakap ko siya mula sa likuran at sinandal ang ulo ko sa likod niya. He's so warm...

Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa matapos siyang maghugas. Ihahatid na rin niya ako pauwi pero aalis din kami agad dahil aattend nga kami no'ng binyag ng kapatid ni Sabrina.

Nakasunod sa'kin si Evan papaakyat sa kwarto. Maliligo na rin kasi siya pero ako ay sa bahay na maliligo dahil wala naman akong damit na dala.

"Maliligo lang ako, riyan ka lang sa kama ko..." ngumuso ako at komportableng humiga sa kama.

Suot ko pa rin ang t-shirt ni Evan at tanging underwear lang ang suot ko. Nakita ko ang bra ko sa sahig kaya napatingin ako sa aking dibdib, wala pala akong suot na bra? Hindi ko napansin gosh! Pinulot ko agad 'yon at kaagad na sinuot.

Kaya pala napapatingin si Evan banda sa dibdib ko dahil wala pala akong suot na bra and he didn't even bother to tell me! Bwiset talaga 'yon.

I checked my phone muna and it's already 9am na rin pala. Nakita ko ang text sa'kin ni Sabrina.

Sabrina: Reg! 10am 'yung punta sa simbahan. Hihintayin ka namin nila Rosie sa plaza then sabay sabay na tayo pumunta sa simbahan! See ya~!

Ngumuso ako, bakit parang ang plastic? Suminghap ako at umiling. She's still my friend and I shouldn't be judging her. Nagtipa agad ako ng reply.

Reganne: Sige, naliligo pa si Evan e. See you rin...

Napatingin ako sa notification ng phone ko nang biglang may nag-text na unknown number, sino 'to?

Unknown Number: Hi Reganne, it's Felix. Save mo na lang number ko.

Reganne: Hi Felix, sure save ko na lang.

Sinave ko ang number ni Felix. Napatingin ako bigla sa pintuan ng cr nang lumabas mula ro'n si Evan na nakatapis ng twalya. Kinindatan niya ako bago tumawa kaya inirapan ko siya.

"Siguro naman hindi ka na pipikit ngayon? Kasi nakita mo na?" bigla akong namula sa sinabi niya pero pinilit kong magkaroon ng straight face at matapang siyang tiningnan.

Nakangisi siya habang naglalakad papunta sa closet niya.

"Bwiset ka talaga!" inirapan ko siya at ibinaling ang atensyon ko sa cellphone ko.

Nag-text ulit si Felix kaya napalingon si Evan sa'kin nang narinig niya ang vibration ng phone ko.

"Si Tito ba nag-text na?" aniya at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tinanggal na niya 'yung twalyang nakatapis sa kaniya kaya tinuwid ko ang tingin ko sa aking cellphone.

Hindi ko siya sinagot at binasa ang text ni Felix.

Felix: Pupunta ka ba sa binyag ng kapatid ni Sabrina?

Reganne: Yeah, pupunta ako. Ikaw?

Nagulat ako nang biglang agawin ni Evan ang phone ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakaboxer brief na siya habang seryosong binabasa ang text ni Felix.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon