Kabanata 12

141K 4K 2K
                                    




Feel

Habang na sa Wrangler ako pauwi ay bigla kong naalala na magha-harvest nga pala ng mga apples. Bumalik agad ako sa bahay ni Evan para sabihan siya dahil baka inaasahan din ni Dad na ma-harvest na ang mga mansanas ngayon dahil baka bukas ay i-deliver na 'yon sa mga markets.

Pagkababa ko ng Wrangler ay si Evan ang nakita kong nakatayo sa labas at mukhang nagpapahangin. Nakatingin siya sa direksyon ko kaya agad din nagtama ang mga mata namin.

Nagtiim bagang ako at suminghap. Pagkalapit ko sa kaniya ay sakto namang lumabas si Yeni na may dalang dalawang baso na ay sa tingin ko ay may lamang orange juice.

Umangat ang tingin ko kay Evan at hindi pinagbalingan ng atensyon si Yeni. Bakas ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi na para bang may nakadagan sa kaniyang dila at hindi niya 'yon maigalaw.

"Today isn't your day-off though, magha-harvest ka ng apples 'di ba?" tumango siya at umaliwalas ang kaniyang ekspresyon kaysa kanina na para siyang nasu-suffocate.

"I almost forgot that. Magbibihis lang ako," aniya at tumitig saglit sa'kin bago tumalikod.

Nilagpasan lang ni Evan si Yeni at pumasok na sa loob. Tinaasan ako ng kilay ni Yeni. "Hindi ba niya day-off every Saturday?" umiling ako at bahagyang ngumiti.

"Hindi naman siya estudyante para mawalan ng pasok kapag weekend." She hissed.

Bago pa siya muling makapagsalita ay biglang lumabas si Evan mula sa loob ng bahay. He's wearing a maroon button mock neck, black pants along with his brown leather boots.

Dumiretso siya sa pick up kaya tumalikod na rin ako at sumakay sa wrangler. Hindi siya nagiwan ng kahit anong salita kay Yeni at sumakay na lang siya sa pick up.

"Uwi ka maaga!" kumaway si Yeni sa sasakyan kung nasaan si Evan habang nakangiti.

Hindi ko maintindihan 'tong si Yeni. Ang kwento ni Evan ay umalis siya dahil gusto 'yon ng Papa niya, pero hindi ba naisip ni Yeni na nakakailang sa part ni Evan? Hindi ba siya marunong makiramdam at kung anu-ano na lang ang ginagawa niya. Napaka-insensitive. Kaya kahit saang part kong tingnan... mas mali si Yeni.

Mas maganda 'yung ginagawa ni Evan na hina-handle niya ng mas maayos. Hindi ko man alam kung anong plano niya... pero naniniwala ako sa kaniya. I just can't judge him easily. No one can. We can't judge his position, because we are not there to do so.

Nauna akong dumating kay Evan sa bahay. Pinark ko ang wrangler sa garahe para magkaroon siya ng sapat na espasyo para sa pick up. Pagkalabas ko ng garahe ay kakababa niya lang ng pick up.

Nagtama ang aming mga mata. Nakatitig lang siya sa'kin kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na maglakad papunta sa kaniya.

"Gusto mo tawagin ko sina Kayzer at Baron para tulungan ka sa pag-harvest ng mga apples?" ngumiti siya at bahagyang suminghap.

Sa mga mata niya pa lang ay alam kong may iniisip siya. Hindi ko talaga siya dapat pangunahan... mali na magalit ako sa kaniya agad. I just can't...

"Hindi ba natin paguusapan 'yung kanina?" may bahid ng pag-aalala sa kaniyang boses.

"Ano bang dapat natin pag-usapan sa nangyari kanina?" Sinubukan kong alamin kung anong gusto niyang pag-usapan. Kailangan kong marinig ang nasa loob niya... I want you to be honest with me, Evan.

"Patulog na ako no'n no'ng hindi ka nag-reply kagabi. Pero bigla kong narinig si Yeni sa labas... pagkababa ko ay nadatnan ko siyang umiiyak. May sakit daw 'yung mama niya. Hindi maayos 'yung relasyon niya sa tatay niya... kaya hindi niya alam ang gagawin niya. Nag-alala ako kaya hinayaan ko muna siyang mag-stay. Nagpaalam din siya kung puwede ba siyang manatili ng ilang araw saglit, pumayag ako dahil alam ko kung anong mangyayari kapag nando'n lang siya sa bahay nila kasama ang tatay niya." He's really eager to explain everything.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon