PagkasiraIt's already Sunday and hindi ko pa rin nagagawa 'yung mga dapat kong asikasuhin para sa school. May mga dapat pa akong ipasang notes para sa plus sa recitation namin and kailangan ko 'yun i-compile sa parang portfolio at sa dulo ay isusulat ko kung paano ito nagiging konektado sa paglago ng business.
Nakayakap lang ako sa bunny ko habang balot na balot ako ng kumot ko. Nakatulala lang ako habang mabigat pa rin ang dibdib ko, umiyak lang ako buong gabi and here I am... sirang-sira.
It's done, Reganne... you saved your Father. I sacrificed my happiness and love for Evan para sa daddy ko, it's devastating seeing him begging... and wala akong magawa kung hindi gawin ang dapat kong gawin.
Tinawagan ako ni Roseanne at sinabi niya na pupunta raw siya rito sa bahay kasama si Ross. Hindi raw makakasama 'yung iba naming kaibigan kasi may gagawin daw and besides hindi pa naman nila alam na wala na kami ni Evan atsaka I don't really need company for now... gusto ko lang mapag-isa.
Tinitigan ko 'yung bunny ko, I remember no'ng nadatnan ko si Evan na yakap-yakap 'to... napangiti ako nang mapait. Those memories I've shared with Evan will always stay in my heart kahit gaano pa katagal ang lumipas na panahon, palagi kong tatandaan at itatatak sa aking puso't isipan na nagmahal ako ng isang lalaking nagngangalang Craig Evan Alexander Del Monfrio.
'Yung lalaking gusto ko sanang makasama hanggang sa dulo... pero baka kaya kami pinaglayo ng tadhana dahil siguro pinaranas lang sa'kin kung ano 'yung pakiramdam ng nagsasakripisyo para siguro maintindihan ko 'yung mga bagay na ginagawa nila Daddy para sa akin.
Kaya siguro nasasaktan tayo para may panahon tayong umupo at mag-isip. To assess ourselves, kumusta na ba tayo? Tama pa ba 'yung ginagawa natin o dapat na nating baguhin ang iilan sa mga gawain natin?
Huminga ako nang malalim at bumangon. Walang buhay akong tumayo papaalis sa kama atsaka dumiretso sa banyo. Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin, ang dugyot ko na pala hindi pa pala ako naliligo...
Sinarado ko ang pinto at hinubad ang damit ko. I stared myself in the mirror, tinitigan ko mabuti 'yung sarili ko.
"You're brave, Reganne... you can do this."
Namuo ang luha sa aking mga mata pero umiling ako atsaka ngumiti sa aking repleksyon sa salamin. Kung hindi ko gugustuhin bumangon, patuloy lang akong lulubog.
"You're good, Reganne. You have to keep on moving, may gusto kang tuparin sa buhay mo... kailangan mong maging malakas kahit nawala 'yung lalaking mahal na mahal mo, kahit sirang-sira ka na... you're still the Reganne who doesn't give up."
I stared at my pale face. I look drained and tired, I tried to smile again at naging mahinang pagtawa.
Wala ng mas hahalaga pa sa lahat bukod sa page-encourage sa sarili. I can do this, I can still live... hindi ko muna iisipin si Evan, susubukan kong hindi siya isipin.
Humugot ako ng malalim na hininga atsaka pumikit. Ngumiti ako sa aking repleksyon at nagsimula ng maligo.
Tinagalan ko talaga maligo dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na at ang dumi ko na rin dahil hindi pala ako nakaligo kahapon. Nakahiga lang kasi ako sa kama at umiiyak pero I have to take care of myself, I have to love myself.
I still have more reasons to live, hindi naman titigil ang buhay dahil nasaktan. I admit that I still need to be mended pero kasabay ng oras ay ang siyang pagtulong ko sa sarili kong gumaling.
Time won't heal us, it is on us if we will let ourselves to be healed.
Kapagkatapos kong maligo ay nag-ayos ako ng sarili ko. Umupo ako sa may dresser at nakatapis pa rin ako ng twalya habang may isa pang twalyang nakabalot sa aking ulo.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...