Kabanata 33

99.6K 2.2K 1K
                                    

Where

Napabangon ako at mas pinakinggan ang sinasabi ni Yeni. What is she talking about?

"No . . . Yeni, I won't do that with you . . ." 

"Kung hindi niya kayang pumayag na kahit two days then have sex with me, just this once . . ."

"You're not Yeni . . . nagbago ka na talaga. I'm disappointed dahil ito na 'yung babaeng minahal ko dati at ayaw kong maniwala na ganito ka na, umaasa akong babalik ka sa dati dahil 'yun 'yung minahal kong Yeni para naman kahit hindi na tayo, alam kong maayos ka. But now . . . kahit pagiging magkaibigan ay hindi ko na rin kayang ibigay sa 'yo . . ." 

I bit my index finger while waiting for what will happen next. Nate-tense ako pero medyo nag-aalala ako sa kung anong kaya ni Yeni habang nando'n pa si Evan.

Wala na akong narinig na kahit anong boses kaya mas kinabahan ako. Parang napupudpod na 'yung daliri ko kangangatngat ko. What is happening? I'm worried.

"Hello?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ko ang boses ni Evan. "Are you still there . . . ?" Malambing ang boses niya.

"Uh . . . yeah . . ." Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Can I come to your house?" 

I bit my lower lip. "Uh . . . sure, wala naman ng guards dati pa. Kaya nga muntik na akong makatakas dati, pero dahil pinayagan naman ako ni Kuya ay hindi na 'yon pagtakas," sabi ko at mahinang tumawa.

"Okay . . . don't cut the line. I still want to hear your voice until I finally get there," aniya at nakarinig ako ng pagsarado ng pinto ng kotse.

"Okay . . . ingat ka, okay?"

Tumahimik siya nang ilang minuto bago muling nagsalita. Sa tingin ko ay nagmamaneho na siya.

"Did you hear what she said?" 

"Uhm . . . yeah, I heard it. How cheap she can go?"

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong ekspresyon ni Evan ngayon. I don't know if he's mad or sad or what.

"Are you okay?" Nilambingan ko ang boses ko.

"I am, baby . . ."

"Mukha kang malungkot . . . pakibilisan mo na nga makarating dito, I'm worried about you . . ." sabi ko.

I know he still cares about Yeni's sake. So, somehow I think he recalled the disappointment he felt when her attitude turned out like this. Gusto kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako para sa kaniya at hindi ko siya iiwanan.

Bumaba na agad ako habang hindi pa rin pinapatay ang linya. Hinintay ko siya sa tapat ng gate habang naghihintay rin kung may sasabihin siya sa kabilang linya pero nanatili lang siyang tahimik.

Nang nakita ko na ang pickup ay binaba ko na ang tawag. I want to see him already . . .

Huminto ang pickup sa harapan ko at bumaba agad si Evan mula sa kotse. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang nakita ang ekspresyon niya, he looks upset.

Sinalubong ko agad siya ng yakap at niyakap niya rin ako pabalik. Ramdam na ramdam ko sa paghinga niya ang bigat ng nararamdaman niya.

Kumawala ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinawakan niya naman ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. His eyes looks tired and I want him to feel good. Gusto ko siyang pasiyahin pero hindi ko alam kung paano.

"Sleep here, ako na ang bahala na magsabi kay Daddy kapag nalaman niya. Mukhang tulog na sila at ayaw ko nang mang-abala pa," sabi ko.

Tumango lang siya. Binalingan ko ang pickup upang i-check, okay na rin siguro ang pwesto nito dahil parte pa rin naman ng bahay namin kung saan naka-park ang pickup.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon