Kabanata 42

101K 2.3K 810
                                    




Beat

"Reganne, ano ka ba? Chin up girl, huwag kang nahihiya sa mga ganiyan!" ani Rovery

Inirapan ko lang siya dahil kanina niya pa ako pinipilit na kausapin 'yung may lahing lalaki. We are here sa isang coffee shop near kuya's place here in New York at kasama ko sila Rovery, Georgina at Jillian.

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo Rove na ayaw ko ngang magka-boyfriend or lumandi ng ibang lahi, hindi ko sila type... well, they are indeed handsome pero ayaw ko lang talaga," sabi ko at sumimsim ng iced coffee.

"Alam mo, simula no'ng nag-transfer ka sa school andami ng nanliligaw sa'yo. Ang ganda mo kaya at niligawan ka pa ni Trevis! 'Yun lang naman 'yung isa sa mga lalaking gusto ng lahat bago ka pa dumating dito..." ani Rove.

Paano ako magkakagusto sa ibang lalaki kung isa pa rin ang tanging sinisigaw ng puso ko? Parang kahit sino o kahit gaano pa kagwapo 'yung manliligaw sa'kin, hindi ko pa rin kayang itanggi sa sarili ko na kahit ilang taon na ang nakalipas... si Evan pa rin ang tanging sinisigaw ng puso't isipan ko.

It's been 4 years since my Dad died. 'Yun siguro 'yung part ng buhay ko kung saan madilim lahat, 'yung walang liwanag para mas makita ko pa 'yung ganda ng buhay. Na-depress ako, hindi ako pumasok ng ilang araw kaya nagkagulo na ang pag-aaral ko.

Nagulo na ang buhay ko, sirang-sira ako that time. Sobrang lalim ng mga mata ko, hindi ako kumakain ng maayos at madalas ay bigla na lang akong umiiyak. Hindi ko maipaliwanag o ma-describe kung gaano kasakit 'yung nararamdaman ko that time.

Nakatulala lang ako sa burol ni Daddy and we decided na itago 'yung burol dahil ayaw ni Kuya na maraming tao. Gusto niya kami-kami lang at 'yung iba naming mga kamag-anak.

After ng burol ay Christmas break na namin and we decided to unwind here in New york... for a long time.

"Kuya Leto, ikaw na muna bahala sa plantations and tawagan mo lang sila Tito Harris kung may kailangan ka. Huwag mo na lang din sabihin kahit kanino na umalis kami, we want to unwind at i-refresh ang sarili namin sa masalimuot na nangyari sa pamilya namin..." ani Kuya kay Mang Leto.

"Mag-iingat kayo Austin, ako rin ay lubos na malungkot sa pagkawala ni Sir Raphael..." ngumiti siya nang mapait atsaka hinawakan si Kuya sa balikat.

"Sige Kuya Leto, mauuna na kami. Maraming salamat..." ani Kuya.

Muli kong nilingon ang farm namin. Tumayo ang aking balahibo, ito ang unang beses na lilisanin ko ang lugar na ito... ang tahanan na nakasanayan ko pero simula ngayon ay magiging tahanan pa rin ito pero palaging may kulang...

I miss my Dad... I miss his laugh and hugs. Namimiss ko 'yung pagiging protective niya sa akin at 'yung palagi niya akong pinapagalitan kapag ang kulit ko. Napangiti ako nang mapait bago muling inilibot ang aking mga mata sa kabuoan ng aming mansion.

You did well, Daddy... rest well...

Humugot ako ng malalim na hininga at napatingin sa pick up na nakaparada sa gilid ng aming mansion. After our break up, hindi na kailanman ginamit ni Evan ang pick up na 'yan... but I think he used it once again no'ng hinatid niya si Daddy bago ito mawala.

Bumalik lahat sa aking alaala ang mga matatamis na sandali noong masaya pa kami ni Evan... bumigat ang aking dibdib at kinagat ang aking ibabang labi. Here we go again, muli nanamang tumulo ang aking mga luha.

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung sakit na iniwan sa'kin, 'yung alaalang gusto ko mang limutin pero parte pa rin 'yun ng ala-ala ko kay Evan. Suminghap ako at pinunasan ang aking luha.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon