Birthday
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong nakayakap sa 'kin. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Evan.
"Evan?" Inaantok pa ang boses ko.
Umangat ang kaniyang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ko. He was sitting in my bed while hugging me. Mapupungay ang kaniyang mga mata at may kaunting kapulahan din ang kaniyang pisngi.
He smiled. "I'm sorry, nagising pa kita," he said, and his voice is husky. I really like it when his voice is like that.
Ngumiti ako at umiling. "It's okay. Ano palang ginagawa mo rito sa kwarto ko? Tapos na kayo mag-inom ni Kuya?" Pagod siyang tumango at muling ngumiti.
"Are you drunk?" He chuckled. It's so sexy, damn.
"No Reganne, I am not. Sinabi ng kuya mo na puntahan daw kita bago ako umuwi so I did, kagagaling niya lang din dito. Hinalikan ka niya sa noo at saka lumabas to give me time." Tumango ako. I didn't expect that he will gain Kuya's trust just like that.
Sobrang higpit ni Kuya lalo na pagdating sa mga lalaking nagkakagusto sa 'kin. Ni hindi ako pinapahawak ni Kuya sa mga lalaki pero ngayon, he just let Evan into my room and we are alone. Closed door and window. Just the two of us.
Hindi alam ni Kuya na nagkaroon na ako ng boyfriend. Tanging si Mommy lang ang napagsabihan ko since siya lang 'yung hindi aapila sa 'kin. Evan is the first guy na nakilala ng family ko.
"You should sleep na, may pasok ka pa bukas. Uuwi na rin ako, I just checked on you, stared at your face." Inirapan ko siya dahil nakangisi na naman siya.
"You're really cute kapag natutulog ka. You're pouting while you were sleeping and I want to . . ." Tiningnan niya ang labi ko sabay ngumisi. Pinalo ko nga siya ng unan. Kahit pala nakainom siya ay gano'n pa rin ang ugali niya.
"Naubos n'yo 'yung alak?" Kaagad siyang umiling.
"No, nakalahati lang namin. Your father joined too, or should I say Tito?" Umangat ang kaniyang kilay nang sabihin niya 'yon at nakabalandra sa 'kin ang ngisi niya.
E di sila na close. Inirapan ko siya at tumawa.
"Mukhang close na kayo nila Daddy, ah." Inangatan ko siya ng kilay. I sat down dahil nangalay ang aking likod.
"Yeah we are, we even took a photo na naka-topless kami. For keeps daw, ako rin naman daw ang magiging asawa mo . . ." Bahagyang namula ang pisngi ko pero nilabanan ko ang nakakaloko niyang ngisi.
They took a photo at naka-topless pa? Si Daddy na naman ang pasimuno no'n for sure. Bakit ang lalakas ng tama nila? Ganito ba talaga kapag nakainom ng Black Label?
"Paano ka naman nakakasigurado na ikaw ang mapapangasawa ko?"
"Sigurado na ako, Reganne . . . at kapag nangyari na 'yon, pagsisilbihan kita nang pagsisilbihan pero pagdating dito sa kwarto . . ." He moved closer to my face. He stopped when I can almost feel his breath. "Ako naman ang pagsisilbihan mo . . ."
He kissed me but it was quick. Nang halos nagtagpo na ang mga labi namin ay parang tumigil sandali ang pagtibok ng aking puso. Hindi pa rin niya inilalayo ang kaniyang mukha sa 'kin. Nakatitig lang ang mapupungay niyang mga mata sa 'kin. Those deep eyes, I really love it lalo na kapag nakikita ko ro'n ang sincerity.
"I'm so excited to hear you calling me . . . daddy," aniya at tumingin muli sa aking labi.
Para akong nalalasing sa titig niya pati sa kaniyang boses na hindi ko magawang lumayo at ang tanging gusto ko lang ay maramdaman ang kaniyang presensya na malapit sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...