Kabanata 24

109K 2.7K 2.3K
                                    


Betrayal

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Evan atsaka tiningnan si Sabrina. Nalukot ang mukha ni Sabrina nang may biglang sabihin si Evan. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Evan bago tinalikuran si Sabrina.

"Let's go home," malamig na sabi ni Evan sa'kin.

Hinila niya ako ro'n at sinundan lang kami ng tingin ng mga kaibigan ko pati na rin ang ibang mga kamag-anak ni Sabrina pero Evan is mad kaya hindi ko alam kung anong gagawin niya.

Habang ako ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I just know that I am betrayed by my best friend. Even if it just a simple kiss on Evan's cheek para na rin akong niloko ng sarili kong best friend, how could she do that?

Tsaka lang naka-recover ang isip ko sa mga nangyayari nang biglang nagsalita si Evan kaya nilingon ko siya.

"Are you mad?" aniya habang mapupungay ang mga mata.

Umiling ako. "No, I'm not. Para pa akong hindi makapaniwala sa mga nangyayari," sabi ko kaya suminghap si Evan at kinuha ang aking kamay.

"Let's just go home, ayaw ko nang bumalik do'n. Trust me, it was nothing. Wala kong interes kay Sabrina kahit kaonti ay wala and I can't say na huwag kang magagalit sa kaniya but you have the right to be," aniya.

I have the right to be mad to Sabrina, that's constant. I'm very disappointed to Sabrina and sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang hindi ko kayang makita siya ulit dahil mukhang sasampalin ko agad siya.

How dare she? Paano niya 'to nagawa sa'kin? Fucking bitch!

"Let's go home," malamig kong tugon kay Evan. Kasabay ng kaniyang pagsinghap ay ang muling pag-igting ng kaniyang panga.

Habang nasa biyahe ay hawak-hawak lang niya ang kamay ko at ayaw niya 'yon bitawan. No'ng una ay hindi ko kayang magsalita ng diretsa kay Sabrina because she's my best friend at para ko na siyang kapatid, para na namin siyang kapatid nila Roseanne.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya ito sa'kin, kung bakit kinaya niya akong saksakin patalikod habang ako ay tapat at totoo sa kaniya?

Gano'n ba talaga, kung sino pa ang mga pinagkakatiwalaan mo ay siya ring mangloloko sa'yo?

Kapagkarating namin sa bahay ay narinig ko muli ang kaniyang pagsinghap kaya nilingon ko siya.

"Don't worry about it, okay?" aniya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Okay..."

"Can I hug you? Pakiramdam ko sobrang bigat ng nararamdaman mo ngayon," aniya at kinagat ang ibabang labi.

"Gusto ko nakatayo para mas mayakap kita," sabi ko kaya ngumisi siya.

Pagkababa ko ay sinalubong niya agad ako ng yakap. I really feel comfort when I'm with him, pakiramdam ko wala ng mangyayaring masama dahil palaging pinapaalala sa'kin ni Evan na andiyan lang siya kahit anong mangyari.

"You should unfriend Sabrina," aniya kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.

"We will talk first," sabi ko kaya ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Okay, I'll be here okay? Huwag mong bitbitin mag-isa 'yang nararamdaman mo. You can talk to me, cry to me and I will cook for you, or gagawin ko lahat para mapasaya ka," sabi niya kaya ngumisi ako atsaka umirap.

Ngumiti lang siya at marahang pinisil ang aking magkabilang pisngi. Kahit mabigat ang aking dibdib ay napapagaan pa rin ni Evan ang nararamdaman ko kahit papaano, pero hindi pa rin maiaalis sa aking isipan ang ginawa ni Sabrina.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon