Kabanata 26

108K 2.7K 2.1K
                                    

Hi! If you have any message or thoughts for the story, please do comment it down! It would really help me and you can contact me on my twitter account, @JosevfTheGreat is also my username! Thank you!

_

Stop

"You want to visit our house?" napatigil ako sa pagkain nang biglang sabihin 'yon ni Evan.

Halong kaba at pagka-excited ang naramdaman ko. Kinabahan ako kasi makikita ko 'yung mga kapatid niya atsaka baka ungkatin nanaman nila si Yeni.

"Uh... sure," tipid kong sagot at ngumiti naman siya.

Marami kaming napag-usapan sa agahan na ito. We shared different thoughts about life and how can the road be rough at some times. It will be up to us if we will let ourselves be carried away by the waves or we will be much tougher...

Kapagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Evan kay Aling Minerva.

"Una na po kami Aling Minerva!" ngumiti naman si Aling Minerva at kumaway.

"Mag-iingat kayo Craig! Salamat sa muli mong pagbisita, nawa'y mapadpad ka muli rito," aniya habang nakangiti.

"Walang anuman po, palagi ko pong babalikan ang karinderya niyo..."

Kapagkatapos ng batian nila ay sumakay na kami sa kotse. Tama nga si Evan, hindi nga kalayuan ang bahay nila sa karinderya na 'yon. Wala pang limang minuto ay nando'n na kami sa bahay nila.

Mas lalong sumiklab sa'kin ang kaba pero masaya rin ako. I got to know him more and he is open to show himself to me.

Pinark ni Evan sa gilid ng kanilang bahay ang kotse. May mga katabi silang bahay pero may malawak din na kapatagan sa likuran ng mga bawat bahay. Hindi kalakihan ang bahay nila Evan, pero masasabi kong maayos naman kahit papaano.

Gawa sa kahoy ang kabuoan ng bahay at ang mga bawat bintana ay sinauna ang bihis kaya naman parang naisip ko na fanatic ang magulang niya ng historical o baka naman sinauna na ang bahay na 'to?

"Pasensya ka na, hindi kasing ganda ng bahay ko malapit sainyo 'yung bahay namin dito," aniya at ngumiti.

"Parang sira 'to, walang problema 'yon sa'kin..."

May mga halaman sila sa gilid ng gate nila pati kapagpasok ay makakakita pa rin ng mga halaman at mga bulaklak. Mukhang alaga pa rin ang bahay na ito kahit wala na ang mga magulang ni Evan.

"Kuya?!" napatingin ako sa isang babaeng mestiza na kasing tangkad ko lang. Her hair is straight. Katulad ng mga mata ni Evan ay maganda rin ang kaniyang mga mata at isa pa ang kaniyang matangos na ilong.

She's wearing a spaghetti strap and dolphin shorts habang nagsasampay. Nilapag niya sa isang balde ang damit na sana ay isasampay niya at bigla niyang tinakbo si Evan at niyakap.

Napangiti tuloy ako. I'm just like her kapag umuuwi si Kuya.

"Kuya! Bakit ngayon ka lang bumisita huh?!" aniya habang nakayakap pa rin kay Evan pero ngayon ay naka-angat na ang tingin niya.

Tumawa naman si Evan. "Busy ako e, si Kuya?" 

"Sus! Lagi ka namang busy. Mukhang puro babae nanaman ang inaatupag niyo, nako parehas talaga kayo ni Kuya Wilon. Nasa Maynila si Kuya at mukhang next week pa ang uwi." Tumawa si Evan at tiningnan ako.

Sa'kin lang siya busy beh, hindi sa kung sinu-sinong babae.

Napatingin sa'kin 'yung kapatid niya habang nakakunot ang noo. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya bigla akong nahiya. Nginitian ko siya pero nanliit lang ang kaniyang mga mata.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon