Kabanata 25

118K 3K 1.2K
                                    




Pangarap

Nagising ako sa isang halik ni Evan sa aking pisngi. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa aking harap ang maamong mukha ni Evan at nakatitig lang siya sa'kin.

"Are you already awake?" aniya at mukhang tinitingnan kung gising na ako.

Bahagyang nakamulat ang mga mata ko pero wala pa akong ganang magsalita. Tinalikuran ko siya at humarap sa kabilang gilid ng kama.

"Matutulog ka pa? Hmmm?" naramdaman ko ang kaniyang mainit na palad sa aking braso. Marahan niya 'yong pinaulanan ng halik.

"Bakit mo ba ako ginigising?" my voice is still husky.

"Hindi ko balak gisingin ka pero mukhang nagising ata kita, I was just staring at you and I just kissed your cheek. Hindi ko akalain na magigising ka ro'n..."

Naramdaman kong humiga siya sa aking likuran at niyakap ako. Ramdam ko ang kiliti sa aking batok nang naramdaman ko ang kaniyang mukha na malapit do'n.

Kinukuskos niya ang kaniyang matangos na ilong sa aking batok at bahagya iyong hinahalikan. He really wants to cuddle, kahit kagabi ay hindi niya ako binitawan. Nakayakap lang siya sa'kin kaya pinabayaan ko na lang.

I am imagining waking up in the morning, at tatambad sa akin ang ganitong kagwapong lalaki. Bukod sa pagiging gwapo ay maalagain, gentle na parang babasagin ako na hindi dapat mabasag o magasgasan...

Ilang minuto siyang tumahimik kaya naisip kong humarap sa kaniya. Napatingin siya agad sa'kin atsaka ngumiti. Sumiksik ako sa leeg niya atsaka siya niyakap.

"What do you want to eat this morning, babe?" aniya sa malambing na boses.

"Hmmmm, what will you cook ba?"

"Balak kitang dalhin  sa palagi kong pinag-aalmusalan dati no'ng high school pa ako or I think elementary pa ata..." ngumuso ako habang nakasiksik pa rin sa kaniyang leeg.

Ramdam ko sa aking hita ang kung anong umbok sa kaniya kaya pilit kong iniiwas ang aking hita pero palagi niyang binababa ulit ang aking hita ro'n.

"Why do you on keep moving my legs to your crotch, Evan?!" tiningala ko siya at nakangisi lang siya.

"I want you to stay on that position and be comfortable with me, so don't be bother kung napadikit 'yon sa'yo..." hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya napisil ang aking nguso.

"I am comfortable with you Evan, suot ko nga lang itong shirt mo at naka-underwear lang ako. Minsan lang ay nahihiya ako kapag nadidikit sa'kin 'yon okay!" humalakhak siya at pinisil naman ang aking ilong.

"Ikaw talaga, ang cute mo... it's fine Reganne," he said and kissed me at the tip of my nose.

"Anyway, saan ba 'yong sinasabi mo? Bigla na kasi akong nagutom..."

"Maligo muna tayo, tapos dadalhin kita ro'n." Ngumiti siya kaya ngumuso ako atsaka tumango.

"Ako muna maliligo, Evan." Tumayo na ako atsaka rin siya bumangon pero nanatiling nakaupo sa kama.

"Ayaw mong magsabay tayo?" aniya sa mapaglarong tono. Nang-aasar na naman. Ang aga-aga.

I make face then rolled my eyes. "Tse! Kahit mag-asawa na tayo hindi pa rin 'yon mangyayari!" sabi ko kaya tumawa siya.

"So gusto mo pala ako maging asawa?" nakangisi pa rin siya kaya binato ko siya ng unan.

"Bakit hindi, gwapo ka naman, mabait, magaling magluto at mukha kang ideal father..." ngumuso ako habang nakapamewang.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon