BagoNakatingin lang si Adamson sa'kin habang namumula. Halos lahat sila ay marami na ang nainom, after kong sabihin kay Adamson 'yun ay bigla na lang siya nag-aya na pumasok na kami.
Maybe he noticed that I felt uncomfortable of what he did and kapagkapasok namin ay nag-inom siya agad habang nakasandal sa backrest ng sofa habang seryosong nakatitig sa'kin.
Sila Rove ay katabi ko lang and naglalampungan lang sila lahat. Malayo si Adamson sa'kin na sa tabi siya ni Kurt sa kabilang dulo ng sofa habang ako naman ay na sa dulo rin.
Dahan-dahan ko lang iniinom 'yung brandy para hindi marami mainom ko, plus mukhang ako ang mag-uuwi sa mga kaibigan ko. Mukhang nakainom na rin si Adamson kaya hindi ko na rin alam kung paano makakauwi 'tong mga kaibigan niya.
Madalas talaga ako naguuwi sa mga kaibigan ko kapag nagka-club kami. Inilibot ko na lang ang aking paningin at pinanuod ang mga taong nagsasayawan, 'yung iba ay nagme-make out tapos 'yung iba nagkukwentuhan.
"Evan!" napalingon agad ako sa gilid ko nang nakarinig ako ng sigaw ng babae.
Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni Evan pero nang nakita ko kung sino ang tinawag niya ay ibang Evan pala. Akala ko andito si Evan! Kinabahan naman ako, parang hindi ito 'yung magandang time para magkita ulit kami.
"Reganne, alam mo andaming tumitingin sa'yong lalaki. Kung ayaw mo si Adamson bakit hindi ka na lang mag-entertain ng iba?" She's already drunk.
Napatingin ako kay Mishael na hinalikan siya sa leeg. And she's enjoying it while looking at me. Umiling agad ako. "No, Rove... they can stare but they cannot get me..." ngumisi ako.
"Eh kasi, hindi pa 'yan nakaka-move on do'n sa super gwapo niyang ex na taga Pilipinas... oh aminin!" ani Jillian habang nakasandal naman si Kurt sa balikat niya.
Napatingin ako kay Adamson at matalas pa rin ang tingin niya sa'kin. Umigting ang panga niya ng ilang beses na para bang galit na galit siya sa narinig niya pero mas maganda na na alam niya.
"Sobrang gwapo naman kasi! Atsaka mukhang masarap!" ani Georgina at humalakhak.
"Yeah, mukhang kapag tinitigan ka niya mauubos agad lahat ng lakas mo sa sobrang lalim ng mga mata niya!" sabi ni Rove kaya nakipag-apir pa siya kay Georgina.
Well, that's a fact. He can make me lose myself by simply staring at me lalo na kapag dinilian niya ang labi niya at dahan-dahan siyang ngumisi. It's so fucking sexy...
Tiningnan ako nila Rove at mukhang hinihintay ang sagot ko kaya tumawa lang ako dahil ang hirap naman itanggi pero ayokong i-broadcast so I will keep my mouth shut.
"Oh 'di ba? Hindi makasagot si Reganne kasi ang totoo kahit ilang years na silang nag-break hindi pa rin siya nakaka-move on!" sabi ni Rove at humalakhak.
"Alam mo girl, move on ka na! Sa sobrang gwapo no'ng ex mo baka naka-ilang girlfriend na 'yon sa loob ng apat na taon!" sabi ni Georgina.
They are just drunk, Reganne... don't mind them. Parang pinipiga ang puso ko kapag sumasanggi sa aking isipan kung mayroon ng bagong mahal si Evan. Nasasaktan ako kasi here I am still into him habang siya ay may gusto ng iba?
"It is different if it's love, it is a constant feeling that we often felt when we are in a relationship but it is rare to find the real one..." sabi ko.
Napatingin sa'kin si Massi. "Yes, that's right... I agree with you..." aniya at tinuro pa ako na animo'y sobrang sumasang-ayon siya sa aking sinabi.
"Love ka riyan, it is just in our brain kapag nararamdaman natin 'yon pero once we got over with it ay nawawala rin naman," sabi ni Jillian at umirap pa.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...