Kabanata 49

125K 2.8K 1.3K
                                    




[Warning: R-18]

End

"Ano 'tong balita na dapat daw mag press conference si Mr. Montemayor?" sabi ni Kuya sa akin.

Mahina akong natawa. Matapos kumalat ng mga video sa buong araw ay sira na agad ang pangalan ng mga Montemayor. Maraming nagra-rally sa harap ng mansion nila at wala silang magawa.

They can't leave their mansion dahil puro reporters sa labas ng mansion nila. May mga nagpo-protesta, nais malaman kung totoo nga ba ngunit walang taga suporta dahil wala ng naniniwala sa kanila.

Sa sobrang dami naming pruweba kung gaano kadumi ang mga Montemayor ay sapat na 'yon na dahilan para masira ang kanilang apilyido sa mamamayan na niloko't pinerahan nila.

In just one day, hindi lang sa La Grandeza umabot ang video maging sa Maynila kung saan sikat ang kanilang mga produkto at malls. Napapanuod ko sa balita ang pagkabawas ng sales ng kanilang business and I am just having fun watching it while drinking whiskey.

This is how I play, Mr. Montemayor. Ano pa kaya ang kaya mong gawin para masira mo ako?

Tinanggal na rin namin siya bilang shareholder ng plantation namin dahil sa kaniyang illegal act kaya nagkaroon kami ng dahilan para patalsikin siya bilang shareholder ng aming plantation so solo na ulit namin ang kita ng plantation at naiayos na rin ni kuya ang ibang kailangan para sa farm namin dito.

We are doing good kahit isang araw pa lang ang nakakalipas after I disclosed Montemayor's darkest secret. Baka sa susunod na linggo ay sugudin na siya ng mga pulis dahil kailangan muna nila ng pruweba kung totoo ba 'yung mga video at kung totoo ba ang mga scandals na ito bago sila magkaroon ng warrant of arrest.

As of now, gusto ko munang matuwa dahil ang laki na kaagad ng kabawasan nito sa kanila kahit isang araw pa lang ang nakakalipas. Hindi nila maaring linisin ang kanilang pangalan kung walang makakapag patunay na inosente nga sila.

No one knows who disclosed all of the videos dahil inedit ni Sabrina 'yung clips na nabanggit ang pangalan ko and in any case, kumalat na rin ang issue sa pagkamatay ng daddy ko and naging controversy agad 'yon dahil siya ang dating vice governor ng La Grandeza.

People in La Grandeza love my father because of his kindness and hospitality towards them. Hindi natatapos ang isang taon na hindi siya nakakapag foundation sa mga barangay kaya ikakagalit talaga ng mga mamamayan ang pagkamatay ni Daddy at si Mr. Montemayor ang sisisihin nilang lahat.

"Isang Hawaiian," sabi ko sa cashier.

Andito ako sa Pizza You Can, malapit sa plaza dahil pupunta ako sa Bellevue, sa office ni Evan. Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nag-vibrate at nakita ko ang text ni Evan.

Evan: Where are you? I am starving, it's already 2PM. Akala ko ba mga before 2PM andito ka na?

Umirap ako atsaka nagtipa ng sagot.

Reganne: Andito pa ako sa plaza. Huwag kang excited baka hindi ako pumunta :P.

"Ma'am, pakihintay na lang po. Upo po muna kayo, thank you po!" ani ng cashier sa akin na babae.

Ngumiti lang ako at tumungo sa isang bakanteng upuan. Nakakarinig pa rin ako ng usap-usapin tungkol kay Mr. Montemayor kahit andito ako.

Muli akong napatingin sa aking phone nang biglang nag-text si Evan.

Evan: Do you want me to be mad then? Mukhang may gusto ka nanaman atang maramdaman... huh?

Mahina akong natawa at napa-iling, ewan ko ba rito sa lalaking 'to. Parang kasalanan ko pa na gutom siya, bakit hindi muna siya kumain ng kung ano habang wala pa ako.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon