What
"Sure ka ba talaga sa desisyon mo na 'yon? Bakit parang kinakabahan ako para kay Evan at para na rin sa 'yo . . . ?" sabi ni Roseanne.
Nasa gym kami at sinasamahan niya akong manuod ng practice game ni Felix. Nakatingin lang ako sa court habang iniisip ang sinabi ni Roseanne.
Pagkahatid sa 'kin ni Evan kanina sa school ay dumiretso na siya kina Yeni.
"I'm not sure either pero gusto ko na lang maging okay ang lahat. I'm risking it," sabi ko.
"You can't trust Yeni. 'Di ba ginamit niya si Sabi para masira kayo ni Evan? Now that Sabi is out, she will move alone herself. Consider mo 'yang desisyon mo, Reganne. You're risking too much, baka mamaya kung ano ang gawin ni Yeni . . ." sabi niya kaya nilingon ko na siya.
She has a point. Gusto kong tulungan si Yeni para na rin sa katapusan ng ugnayan nila ni Evan. Para na rin makapag-usap sila ni Evan. Kinakabahan naman talaga ako. Dahil hindi ko naman talaga sigurado kung ano ba 'yung dapat. Pero 'yun ang pinaka sa tingin kong dapat gawin, 'yung makapag-usap sila ni Evan.
"Thank you, Rosie. I got your point . . . pag-iisipan ko dahil hindi na rin ako sure kung babawiin ko ba o hindi." She pursed her lips then smiled.
Pinanuod muna namin si Felix na ilang beses nang tumitingin sa direksyon namin. He's smiling the whole game, I guess I'm helping him somehow. At mukhang malinaw na rin naman sa kaniya na hanggang magkaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.
Ngumiti kami ni Roseanne nang natapos na ang game at pinanuod namin si Felix na naglalakad papunta sa amin. He's covered with sweat while grinning. "How was I?" bungad niya habang nakatingin sa 'kin.
"Okay naman, since hindi naman ako mahilig sa basketball pero mukha namang okay dahil panalo kayo tsaka laging shoot 'yung mga three points mo!" sabi ko at tumawa.
"Eh kasi Felix, hindi ko kasi maintindihan kung bakit ito pang si Reganne ang inaya mong manuod ng basketball. Ang alam lang niyan makipag-shootan—" Hinampas ko si Roseanne sa braso at tumawa.
"Baliw ka! Anong makipag-shoot-an ka riyan?! Ikaw ba anong masasabi mo sa laro ni Felix?" sabi ko at inangatan siya ng kilay.
"Magaling siya, every technique he made was perfect. Hindi nakakalusot ang mga kalaban sa tuwing dumedepensa siya. Sa bawat free throw niya ay laging pasok at mautak siya kapag pinapaligiran siya ng mga kalaban," sabi ni Roseanne at tinaasan ako ng kilay.
Humalakhak si Felix. "It's okay, as long as may nanunuod sa 'kin ay okay na sa 'kin 'yon . . . Thank you sa pagpunta n'yong dalawa. Highly appreciated. Gusto n'yo bang kumain? Libre ko kayo, kahit saan . . ." aniya kaya nagkatinginan kami ni Roseanne.
Oh yes, she's thinking what I am thinking.
"Sure Felix, gusto namin sa buffet para sulit naman 'yang palibre mo," ani Roseanne kaya humalakhak si Felix.
Napakunot ang noo ko nang biglang parang kumislap ang mga mata ni Felix nang tingnan niya si Roseanne. Well . . . bagay naman sila kung sakali.
"My pleasure. Shower lang ako tapos tara na," ani Felix at binasa ang labi.
Nagtama ang mga mata namin at saka siya ngumiti kaya tumango naman ako.
"Sige lang Felix, hintayin ka namin dito . . ." sabi ko kaya tumango siya at muli na namang ngumiti.
I'm glad that I can see his genuine smile now. Tiningnan ko si Roseanne na nakangisi sa 'kin.
"Nakakahiya naman sa kaniya sa buffet pa talaga, pero okay na 'yan. Minsan lang naman siya manlibre, buti nga at umuwi na agad 'yung mga boys at hindi sila nakasama sa 'tin," aniya at tumawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/217408977-288-k838914.jpg)
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...