Comment your thoughts about the story, thank you! Every comments are highly appreciated.
_Nangyari
Kapagkagising ko ay mahimbing pa ang tulog ni Evan. Nagkwentuhan lang kami kagabi hanggang sa nakatulog na ako sa mga kwento niya.
Nakabalot sa amin ang comforter habang nakayakap siya sa'kin. Kagabi ako pa ang nakaunan sa braso niya ngayon naman siya ang nakasubsob sa'kin. Ang ulo niya ay nasa bandang dibdib ko habang gulo-gulo pa ang buhok.
Napangiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. I am happy na nag-open siya sa'kin kagabi and he didn't even hesitate. Paano ako babangon nito kung nakapulupot ang kaniyang braso sa'kin?
Umirap na lang ako at inamoy ang kaniyang buhok. It smells like menthol at malambot ang kaniyang buhok. Paano kaya siya maligo?
Sinubukan kong tanggalin 'yung pagkakayakap niya sa'kin. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang bigla siyang gumalaw at kaagad akong bumangon. Nilingon ko siya at tulog pa rin siya.
Tumayo na ako pero bago ako lumabas ng kwarto ay nilingon ko muli siya. Mukhang malayo pa rin ang nilalakbay niya. Napailing na lang ako at sinarado na ang pintuan. Ang gwapo niya pa rin kahit tulog.
Pagkababa ko ay chineck ko agad kung anong oras na and it's already 7am. Should I cook breakfast for us o mas maganda kung siya ang magluluto para sa amin?
I check his freezer at nakakita ako ng isang pack ng sausage. Kinuha ko 'yon at thinaw, nilibot ko muli ang aking mga mata sa mga possible kong maidagdag sa almusal. Siguro toasted bread na lang na may butter at itong sausage, and he usually drink coffee.
Nagpakulo ako ng tubig sa water kettle at naghanda ng dalawang tasa. Nagtimpla ako ng chocolate drink para sa'kin at kape naman sa kaniya. Nilagyan ko 'yon ng creamer dahil 'yun 'yung nakikita kong nilalagay niya sa kape niya.
Sa lagi kong panunuod sa kaniya sa pagluluto at pagtitimpla ng kape niya at chocolate drink ko ay nakabisado ko na ang mga ginagawa niya.
Nang kumulo na ang tubig sa water kettle ay sinalin ko 'yon sa tasa namin ni Evan atsaka ko 'yon hinalo gamit ang kutsarita. Hinayaan ko muna 'yon do'n at tiningnan na ang sausage na naka-thaw.
Nainip ako kaya binuhusan ko na rin siya ng mainit na tubig na pinakulo ko kanina atsaka ko muling binasa ng normal na tubig na mula naman sa gripo. Hinawakan ko ang sausage at malambot naman na siya.
Hinanap ko ang apron ni Evan atsaka ko 'yon sinuot. Naghanda na ako ng kawali na pagpi-prituhan atsaka iyon nilagay sa stove. I set the fire on medium at hinayaan munang uminit ang kawali bago ko iyon nilagyan ng mantika.
Kinuha ko ang tongs na nakasabit sa pader. I bunned first my hair at hinayaan na magkaroon ng kaonting takas na buhok. Binuksan ko na ang pakete ng sausage at hiniwa ko muna ito ng tatlo sa magkabilang gilid atsaka ko ito nilagay sa kawali, gano'n lang din ang ginawa ko sa iba.
Ginamit ko ang tongs para igalaw-galaw ang sausage. Napatingin ako sa direksyon ng hagdan nang nakarinig ako ro'n ng steps.
Bumungad sa'kin si Evan. His hair is disheveled habang mapupungay pa ang mga mata, napangiti agad ako nang nakita ko ang kaniyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim atsaka naglakad papunta sa'kin.
Why is he so adorable walking like that? Ang sarap kagatin.
"Hey... good morning!" bati ko sa kaniya kaya ngumiti siya.
"Good morning," aniya at lumapit sa'kin.
Hinalikan niya ang pisngi ko atsaka bahagyang hinaplos ang aking tiyan.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...