Kabanata 30

117K 2.6K 1.4K
                                    


I will

Nakatulala lang ako sa cellphone ko habang hinihintay ang text ni Evan. Library period namin pero nakatingin ako sa phone ko. Allowed naman kami gumamit ng gadgets basta bawal maglaro.

Katabi ko si Roseanne habang 'yung mga boys ay kalat-kalat dahil may kaniya-kaniya kaming grupo. Magkaiba kami ng grupo ni Roseanne pero katabi lang namin ang grupo nila kaya hindi na rin masama.

Napatingin ako kay Loki nang bigla siyang nagsalita, isa sa mga kagrupo ko.

"Reganne, hindi ba pwedeng ilagay na lang sa word 'yung mga sagot?" aniya.

"Hindi e, ang sabi kasi dapat daw nakasulat sa bond paper and ramdam ko ang katamaran mo dahil ang haba naman kasi ng isusulat pero kaya mo 'yan..." sabi ko at mahinang tumawa.

Ngumiti siya at parang nawalan na ng pag-asa matakasan ang gawain. Pinanuod ko siyang nagsimulang magsulat sa isang short bond paper. Habang ako ay abala lang sa paghihintay ng text ni Evan, ngayon na ata kasi sila uuwi pero ewan ko ba kay Daddy, palaging ineextend.

Gumagawa kasi kami ng study about sa Business Mindset pero hindi naman mahirap dahil binigyan naman kami ng isang linggo para rito atsaka mas maganda na rin 'to para maraming source ng grade.

Tiningnan ko si Xofia na abala naman sa pagbabasa ng iba't ibang klase ng libro tungkol sa mga sikat na mga businessmen and businesswomen. Na-divide ko naman na ang mga gagawin naming tatlo kaya hindi na nila ako pinapakialaman kung wala akong ginagawa.

Atsaka wala namang prof na nagbabantay sa'min dahil may meeting sila ng dean kaya binigyan niya na lang kami ng oras para gawin 'yung study na 'to. Napatingin ako sa phone ko nang biglang nag-text si Evan.

Lumilinga-linga muna ako sa paligid ko atsaka muling tiningnan ang phone ko.

Evan: We are here pero inuutusan na agad ako ng daddy mo puntahan muna 'yung plantation para i-check 'yon. Ako na rin daw ang magsundo sa'yo and I can't wait until your dismissal... Gusto na kita makita.

Napangiti ako. Agad akong nagtipa ng sagot.

Reganne: Sige ingat ka, tsaka huwag kang masyadong excited baka hindi matuloy. :P

"Imbis na gumagawa ng dapat gawin, nakikipagharutan nanaman siya." Napatingin ako kay Roseanne habang umiiling.

Kinunotan ko siya ng noo atsaka inirapan. "Wala ka kasing jowa," sabi ko at tumawa.

"Aba, bakit ka namemersonal?" aniya atsaka umirap.

"Nothing personal, just stating the fact..." sabi ko at inangat ang aking kilay.

Napatingin muli ako sa phone ko nang biglang nag-text ulit si Evan.

Evan: Anong hindi matutuloy? Hindi kayo maguuwian? Edi itatakas kita riyan... magtanan na tayo...

Mahina akong natawa at umirap sa kawalan. Ang lakas nanaman ng sapak nitong lalaking 'to pero gusto ko na marinig 'yung boses niya ulit. May parte sa'kin na excited na akong mag-uwian pero may parte rin sa'kin na dapat kalma lang.

Reganne: Hindi ako sasama sa'yo! Baka mamaya kung saan mo ako dalhin, alam kong may masama kang balak sa'kin! :P

Tinitigan ko ang conversation namin at hinihintay ko lang ang reply niya pero hindi na siya nag-reply. Hanggang sa natapos na ang library period namin ay hindi na siya nag-reply... baka may ginawa na.

Hindi ko na check ang phone ko sa bawat klase namin dahil naging abala na rin ako sa mga gawain dahil tinatambakan nila kami ng maraming activities, maraming babasahin then seatwork tapos may mga group task na ngayon din ang deadline ng pinapapasa nila kaya tinatapos agad namin kapag nagkaroon ng free time. Since gusto ko rin mas maging mataas ang grades ko para kay Daddy atsaka para na rin sa'kin.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon