ChoiceNaka-upo kami ni Kuya sa may garden habang kumakain ng pandesal at may kasamang chocolate drink. Nasa isip ko pa rin 'yung threats and it still hunts me every time and then.
Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang isip ko pero hindi ko magawang alisin sa isip ko ang mga kasalukuyang nangyayari sa'kin. My family is facing someone who's probably bigger than us dahil wala namang kakalaban kay Daddy kung alam niyang matatalo siya, whoever it is... I want to ask that person a lot of questions.
Nagsimula sa tawag hanggang sa naging text message at hindi ko na lang alam kung kailan ba ito titigil. Abala si Evan ngayon kasama si Tito Benjamin sa Maynila at ang dami ata nila ro'n aasikasuhin para makakuha raw si Tito Benjamin ng investors sa business nila at para na rin daw sa plantation.
Nakakuha lang ako ng isang text kay Evan kani-kanina. Sinabi niya na pumuslit lang siya ng paggamit ng phone dahil nag-cr siya at katulad nga ng sinabi niya bago sila pumunta ng Maynila ay marami nga silang ginagawa.
Nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari. I really want to spend a lot of time with Evan pero hindi ko alam kung bakit palagi na lang siya ang kasama ni Tito Benjamin, e mukhang marami naman ang pwede niyang isama...
"I received a text from Yeni..." napatingin ako kay Daddy nang bigla siyang sumulpot sa aming gilid.
"Anong sabi?" sabi ni Kuya.
"It's her birthday today and iniimbitahan niya raw tayong Noviemendo... mamaya raw mga 3PM sa mansion nila." Ngumuso ako at tiningnan si Kuya.
Should I take this chance para maka-usap ko si Yeni about sa threats na 'to? Susubukan ko na mahuli siya dahil bahagyang buo sa aking kalooban na parte siya nito at isa rin ito sa mga plano niya.
At 'yung pagiging mabait niya sa'kin sa tent ay malamang ay parte lang din ng kaniyang plano. I shouldn't be trusting her because in the first place, siya ang gustong sumira sa akin or what if kasama niya pa rin si Sabrina?
Napailing na lang ako para maalis ito sa isip ko at saka suminghap. I just really don't know kung ano ba ang pinaka plano ni Yeni pero one thing for sure ay ang kaniyang target ay makuha si Evan sa'kin at para sirain ako.
"Sure daddy," sabi ko.
Birthday niya and saktong wala si Evan? Is this still part of her plan? Talaga bang napapaikot niya kami sa mga kamay niya? Bumuntong hininga ako at tiningnan si Kuya na mapupungay ang mga mata habang nakatingin sa'kin.
He looks sad. Kumunot ang noo ko kaya umiling lang siya at ngumiti, ano kayang problema? Bakit naman kaya siya malungkot?
Ang daming mga tanong sa utak ko na gusto ko na masagot dahil pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang dami kong iniisip. Ni-hindi na rin ako sigurado kung kaya ko pa bang makapag-focus kapag nasa school.
This is really too much for me. It's hard to wake up in the morning facing a lot of death threats to your family at ang mas mahirap pa ro'n ay andami kong 'what if' sa utak ko. Paano kung mawala sa akin si Evan? Kakayanin ko kaya?
Paano kung may masaktan sa isa sa mga pamilya ko? O hindi kaya sa mga kaibigan ko? Makakaya ko kayang makita silang nasasaktan dahil lang sa pagmamahal ko sa isang lalaki? Kaya ko kayang isakripisyo ang sarili ko kapalit ng kaligtasan ng aking pamilya?
Sobrang bigat sa dibdib kung iisipin lahat ng mga tanong at ang mga posibleng mangyari. Para akong nasa isang minefield, na bawat desisyon o hakbang na gagawin ko ay may hindi kasiguraduhan. Paano kung nagkamali ako ng desisyon na ginawa? Paano ko kakayanin pang mabuhay kung wala na akong lakas na magpatuloy?
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...