Kabanata 15

134K 3.1K 2.5K
                                    




Picture

I sighed. "I'm sorry Felix, pero hindi ako makakapunta." Tumawa siya.

Nang napansin niyang hindi ako tumatawa ay sumeryoso ang kaniyang ekspresyon. "Why not?" aniya at mas inilapit ang upuan sa'kin.

"I just don't want to, pinagbigyan ko lang 'tong lunch na 'to pero I don't have some time hanging out with...you," sabi ko at bahagyang ngumiti.

Umawang ang kaniyang labi sa sinabi ko atsaka niya binasa ang ibaba niyang labi. Suminghap siya at tumango. "Playing hard to get huh?" aniya kaya kumunot ang aking noo.

I really hate someone forcing me to do some things that I don't want to do at all. Can he be more considerate rather than provoking me? He's not a man at all.

"I'm not playing hard to get Felix, I just don't want to. What's your deal anyway? Bakit bigla mo akong nilalapitan all of a sudden?" sabi ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Masama bang makipag kaibigan sa'yo? Gano'n ba kasama ang tingin mo sa'kin? Dahil ba I'm a playboy, iniisip mo na target kita? Is that so?" aniya at umigting ang kaniyang panga. Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko alam kung ano 'yung ekspresyon na mayroon siya ngayon. He looks disappointed and somehow he's giving me a mad expression. Bigla tuloy akong na-guilty, Evan was playboy too pero he's nice and gentle.

Ano namang karapatan kong husgahan agad si Felix? Sino ba tayo para manghusga kung tayo rin naman ay may hindi magandang traits?

I sighed. "I'm sorry, Felix kung naisip mong hinuhusgahan kita. Pagiisipan ko. Nagulat lang ako pero it's not my intention to make you feel bad." Muling umigting ang kaniyang panga at tumingin sa'kin.

"No, it's okay kung ayaw mo. Alam kong natatakot ka sa'kin, and I won't force you kung ayaw mo. Thank you for coming here at least, I won't bother you and your friends anymore." Umiwas na siya ng tingin at ininom ang kaniyang diet coke.

Hindi ko nagalaw ang pagkain ko kaya hinintay niya pa ako matapos bago niya ibinalik ang plato para maisabay niya 'yung sa'kin. Hindi ko alam pero I really feel bad for accusing him nang gano'n gano'n na lang.

What if he's just being nice at gusto akong maging kaibigan? Pero may possibilities din na he just want me for pleasure. Tiningnan ko siyang naglalakad papunta sa'kin na kakabalik lang ang plato.

Bahala na. I just can't judge him that easily. Uso naman siguro sa kaniya 'yung character development? He's known for his title, for being a playboy. Parang si Evan lang din dati. So, just like Evan, I'll just try to handle everything properly. Instead of making it worse. 

"Hahatid pa ba kita sa room niyo o 'wag na? Baka magalit sa'kin 'yung mga kaibigan mo atsaka baka ayaw mo rin." Bumigat bigla ang pakiramdam ko sa kaniyang tono dahil parang inaakusahan namin siya na may balak although he's just being nice.

"It's okay, Felix. I'm sorry kung inisip mong hinuhusgahan kita." Umiling siya at ngumiti nang mapait.

"No, it is okay. I'm sorry rin kung naabala pa kita..."

Tumango-tango ako. Kinawayan niya ako atsaka ako tinalikuran. Pinanuod ko siyang umalis sa canteen atsaka ko lang mas naramdaman 'yung bigat sa'king dibdib. Bakit ba ang hirap magdesisyon?

If he's into me, hindi ko na siya ma-eentertain dahil I'm with Evan. If he's just talking to me to be with his friend, wala namang problema ro'n. Pero paano? Anong gagawin ko?

Umiling ako at kinuha na ang bag ko atsaka lumabas sa building nila. Naabutan ko pa sila Roseanne sa canteen ng building namin, they are laughing.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon