SorpresaToday is Saturday, may mga program sila Tito Benjamin sa mga bawat barangay. Ganito naman palagi kapag may eleksyon, palaging naglilibot 'yung mga kandidato para makilala sila ng ibang tao na tatakbo sila at syempre kasama na ro'n ang mga pakain no'ng kandidato.
Nagtayo ng mga tent ang mga tauhan ni Tito Benjamin at marami silang inihandang upuan pati na rin mga lamesa. Sinipat ko ng tingin ang maraming boxes na may laman na pagkain na nasa styrofoam na lalagyanan.
Nagsisidatingan na ang mga tao kaya naman 'yung ibang tauhan ni Tito Benjamin ay iginigiya sila papunta sa mga upuan.
"Reganne, hindi pa ba dadating 'yung pinaasikaso ni Sir Benjamin na inihaw na liempo?" sabi ni Ate Eliza, isa sa mga tauhan ni Tito Benjamin.
"Ay... hindi ko po alam e. Si Kuya Jaf po ata ang inutusan na mag-order no'n..." sabi ko at tumango siya.
Marami kasing inihanda si Tito Benjamin para sa mga tao at tumulong na rin si Daddy na mag-share sa mga bilihin pero mostly ay gastos ni Tito Benjamin. Mayaman naman sila kaya parang hindi ito malaking kabawasan sa kanila.
"Gusto niyo po ba ay puntahan ko?" napatingin ako kay Evan na bahagyang pawis ang noo.
"Ay mabuti pa nga Evan, dahil nagsisidatingan na ang mga tao at sayang naman kung hindi 'yon dadating sa tamang oras..." ani Ate Eliza.
Tiningnan ako ni Evan. "Gusto mo sumama?" sabi niya.
"Sige..."
Papa-alis pa lang kami nang bigla akong tinawag ni Aling Terela, isa sa mga kapartido nila Daddy. Napahinto kami ni Evan atsaka ko nilingon si Aling Terela.
"Bakit po?"
"Paki tulungan naman kami na i-distribute 'yung mga pagkain..." sabi niya kaya tiningnan ko si Evan.
"Sige tulungan mo na lang sila," ani Evan.
"I can come with you!" napatingin kami kay Yeni na naka-upo pala sa loob ng tent.
Tiningnan ko lang si Evan atsaka umalis do'n. Tumulong na akong kumuha ng mga pagkain sa mga boxes para ibigay sa mga dumalo sa program ni Tito Benjamin. Tinawag niya lang 'tong program pero ang totoo ay mukhang nanghihingi lang siya ng mga boto.
Whatever, that's how dirty politics is.
Bago ako pumunta sa mga tao para bigyan sila ng pagkain ay nilingon ko si Evan at si Yeni na naglalakad patungo sa pick up. Umiwas na ako ng tingin at nagsimula ng mamigay ng mga pagkain.
"Hello po... please vote for my Father, Raphael Noviemendo for Vice Governor!" sabi ko habang binibigyan ang isang pamilya na naka-upo sa isang table.
"Ang ganda mo naman!" napatingin ako sa isang matandang babae at hinipo niya pa ang braso ko.
Ngumiti ako. "Salamat po Lola, kain na po kayo. Bibigyan din po nila kayo ng maiinom..." sabi ko.
"Maraming salamat hija." Ngumiti siya atsaka ako binitawan.
"Walang anuman po..." ngumiti na lang din ako pabalik bago kumuha pa ng mga pagkain.
Naging abala lang ako sa pagbibigay ng mga pagkain habang ang ibang tauhan ni Tito Benjamin ay abala naman sa pagpapa-upo ng mga dumadating na tao at 'yung iba naman ay nagaayos ng mga upuan at lamesa.
Habang nagbibigay ako ng mga pagkain ay napatingin ako kay Tito Benjamin nang bigla siyang magsalita sa mic.
"Magandang umaga po sainyo! Ako po si Benjamin Montemayor, tatakbo bilang isang gobernador ng La Grandeza. Maligayang pagdating po sa aking programa kung saan nagbibigay po kami ng sampung kilong bigas at worth five thousand pesos grocery. Hindi lang 'yon, may libreng pakain pa po at may mga palaro rin mamaya na maari niyong salihan..." aniya kaya napanguso ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/217408977-288-k838914.jpg)
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomansaTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...