GustoNatulala ako dahil sa sobrang ganda nilang dalawa, biglang nahiya 'yung slate kong dress. Hindi rin ako makagalaw kagaya ni Evan dahil sobra akong kinakabahan sa mga mangyayari para kay Evan at sa mga maririnig ko.
Ngumiti si Yeni kay Evan pero hindi ko alam kung nakangiti rin ba si Evan dahil nasa likuran ko siya. Para hindi maging awkward ay nilakasan ko na ang loob ko.
"Hi Torry! Happy 18th birthday, your Mom is my Dad's friend and sa amin bumili ang Mom mo ng sunflowers. By the way, we have the same favorite." Ngumiti siya.
Pakiramdam ko hindi na ako babae sa sobrang ganda nilang dalawa. Mabuti na lang ay hindi ako nautal at hindi rin nanginig ang aking labi nang nagsalita ako.
"Ohh Thank you, what is your name? Your dress is damn hot." Napangiti ako dahil she is friendly naman pala just like her Mom.
"My name is Reganne Noviemendo. Thank you! Sobrang ganda mo rin, pakiramdam ko nga ay hindi na ako babae kapag tumitingin ako sa'yo." She laughed. Kahit pagtawa niya ay ang ganda niya pa rin.
"Nice meeting you Reganne! Welcome to my birthday celebration, enjoy your stay." Ngumiti ako at napatingin kay Yeni na nakatingin kay Evan.
Hinila ko si Evan para makaalis kami ro'n dahil hindi rin talaga siya gumagalaw pero nang maglalakad na sana ako ay biglang nagsalita si Yeni. Mas lalo akong kinabahan.
"Wait...Evan, can we talk?" bakas ro'n ang kakaibang tono at parang ayaw kong ipakausap sa kaniya si Evan.
Tiningnan ko si Evan na hindi ko mabasa kung ano ang ekspresyon na binibigay niya. He's just serious at sobrang plain ng mga mata niya na para bang hindi siya masaya na nakita niya si Yeni, or dahil sa'kin kaya mas hindi niya alam ang gagawin niya?
"Is he the guy?" tanong ni Torry at tumingin kay Yeni.
Tumingin sa'kin si Evan at tsaka ko nakita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya at mukhang halo-halo ang nararamdaman niya ngayon.
Lumapit si Yeni sa amin at nagulat ako nang biglang napaatras si Evan kaya napakunot ang noo ni Yeni. Kumalabog ang dibdib ko nang biglang hawakan ni Evan ang kamay ko at napunta ro'n ang mga mata ni Yeni.
"What's wrong babe?" malambong na tanong ni Yeni.
Hindi makatingin si Evan kay Yeni at hindi rin siya makapagsalita pero base sa diin nang hawak niya sa'kin ay pakiramdam ko ay gusto na niyang umalis do'n.
Hahawakan sana ni Yeni si Evan sa balikat pero iniwas ni Evan ang kaniyang balikat kaya tumingin na si Yeni sa'kin.
"Reganne, right? Could you please let go of my boyfriend's hand and we will talk," aniya kaya napalunok ako.
Kung sino man ang walang karapatan dito kay Evan, ako 'yon. Pero hindi rin naman sigurado ni Yeni kung sila pa rin ba ni Evan. I may not know fully kung ano ba talagang nangyayari.
Tiningnan ko ang kamay ni Evan na ayaw bumitaw sa kamay ko, pilit ko 'yun tinatanggal pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa'kin at bahagya na akong nasasaktan sa sobrang diin no'n.
Nakikita kong namumuo ang pawis sa noo ni Evan habang nakaiwas lang ang tingin kay Yeni.
"Hindi siya bumibitaw," tipid na sagot ko sa kaniya kaya tiningnan niya ulit si Evan at bakas mo na sa kaniyang ekpsresyon ang lungkot at may halong pagkairita.
"Evan...bakit hindi mo ako kinakausap?" malambing na tanong ni Yeni.
"Reganne..." umangat ang aking kilay nang biglang nagsalita si Evan.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...