Hi, this is the final kabanata of Oblivion Sea... maraming salamat dahil naka-abot ka rito!
__
Life
Tulala lang ako kay Evan habang hinihintay ko siyang gumising. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina, parang kahit sampalin ako o buhusan ng malamig na tubig ay hindi kakalma o magigising ang sistema ko.
Seeing him bleeding and groaning because of the shot... and all I can do is to hold his hand tight, wait for the ambulance to arrive. Paanong nagawa pa ni Mr. Montemayor na i-hack ang phone ko at siya ang nakasagot sa number ng hospital?
"Evan please stay with me, okay? Dadating na ang ambulansiya..." nanginginig ang boses ko habang madiin na nakahawak sa kamay ni Evan.
He's not responding but he's still breathing... madiin lang din ang hawak niya sa aking kamay.
"Re...ganne, I don't think I can make it..." aniya habang hinihingal.
Umiling agad ako habang umiiyak. "No, you will make it... putangina bakit ba kasi ang tagal ng ambulansiya!"
Hanggang sa nawalan na ng malay si Evan at hindi pa rin tumitigil sa pagkalabog ang aking dibdib sa sobrang kaba. Naisip ko na lahat ng pwedeng mangyari, once na nagising na si Evan... lagot sa akin si Mr. Montemayor.
Ilang minuto pa after mawalan ng malay ni Evan ay tsaka lang dumating 'yung ambulansiya. Kinakabahan ako habang na sa ambulansiya kami dahil malayo pa ang hospital mula rito, na sa kabihasnan itong kapatagan habang nasa bandang plaza pa ang hospital.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi nakaabot si Evan sa tamang oras sa hospital. He lost too much blood no'ng ando'n pa lang kami sa kapatagan and mabuti na lang ay nakaabot kami.
Dumating sila Kuya rito kapagkatawag ko sa kanila na nabaril si Evan, umalis ulit nga lang si Kuya dahil huhulihin niya raw kung sino 'yung bumaril kay Evan. Pupunta siya sa kapatagan at magsasama siya ng mga pulis.
Habang si Mommy ay umuwi para kumuha ng gamit ko. Ang sabi kasi ni Doc ay baka bukas pa magising si Evan pero may posibilidad din daw na magising na siya ng mga madaling araw.
Hihintayin ko 'yung pag gising ni Evan... Naka-upo lang ako sa gilid ng kama niya habang tinititigan siya. Tiningnan ko 'yung singsing na nakasuot sa ring finger ko, I will still marry him... kaya hindi pwedeng mawala siya sa akin.
Napalingon ako sa pinto ng room nang bigla 'yon bumukas at bumungad si Roseanne. She looks really worried.
Sinalubong niya ko ng mahigpit na yakap. Muli nanaman akong naiyak habang nakayakap sa akin si Roseanne.
"I will stay here, until he wakes up para may kasama ka..." bulong niya.
Tumango ako habang hinahagod niya ang aking likuran. Tiningnan niya ang aking mukha at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.
"Don't be afraid, gigising 'yan si Evan... he will wake up for you, he will not leave you... okay?" aniya kaya tumango ako.
Umupo kami sa pahabang sofa na nakapwesto sa paanan ng kama at nakatingin kami kay Evan na mahimbing ang tulog.
"He proposed to me and may tumawag sa kaniya from the office..." sabi ko.
"Then someone shot him? Did you saw who did it?" aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Naaninag ko na naka all black siya, he was small... hindi ko na nakita masyado dahil medyo madilim na... he ran but I didn't bother myself na habulin siya dahil mas mahalaga na makatawag ako ng ambulansya..." sabi ko at tiningnan ang aking mga kamay.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...