[Warning: R-18]Know
"Candidate number 1!" nagpalakpakan kami nang ianunsyo kung sino ang nanalo sa pageant. Pinanuod namin 'yung babaeng tisay at mukhang may lahi na koronahan as the Binibining La Grandeza for this year.
Nag-speech siya at nakinig naman kami. Kapagkatapos ay nagpalakpakan ulit kami, nagkaroon din agad ng picture taking pero hindi na kami nag-abala na makisali sa picture.
Habang nagsisitayuan ang iba ay nananatili lang kaming nakaupo kaya bigla kong naalala 'yung ginawa ni Evan kanina. He's playing with me! He's trying to lure me with his words and to his touches.
Simula no'ng may nangyari sa amin ni Evan noon, palagi ko na lang hinahanap ang touches niya at 4 years ko siyang hindi nakita, nakausap o nahawakan man lang. Siya lang 'yung lalaking gusto kong humawak sa'kin at kapag iniisip kong hahawakan ako ng ibang lalaki ay parang ayaw ko at wala akong gana.
I want his kisses only, his hugs, his smile... I want him pero bakit ako natatakot? Bakit ako natakot umamin sa kaniya? Dahil siguro ramdam ko ang kung anong galit sa kaniyang mga mata, why's he mad?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina mabuti na lang ay hinayaan niya akong maitulak siya. I can feel my body heating up. I am anticipating him a while ago, lalo na nang halikan niya ang leeg ko.
Ilang taon kong hindi 'yon naranasan, ilang taon kong hindi nalapitan si Evan ng gano'n kalapit kaya para akong nalalasing agad kahit wala pa siyang ginagawa.
Nang natapos ang picture taking ay nagsitayuan na kami para makauwi na, it's almost 10 in the evening kaya naman hindi na rin nagtatagal ang ibang bisita. Mahirap kasi umuwi dito sa lugar namin pero kaya naman, mahihirapan lang mostly 'yung mga nagco-commute.
Suminghap ako kapagkatayo ko at biglang napadpad ang mga mata ko kay Evan na nakahawak sa baywang ni Yeni habang tinititigan ang mukha ni Yeni, biglang ngumisi si Yeni at bahagyang tumawa si Evan.
Napalunok ako at umiwas ng tingin. See, he's just playing with me or something... mukhang he's taking revenge dahil sa pag-iwan ko sa kaniya. Well, I didn't leave La Grandeza because I want to but I have to.
Lumapit na sila Mommy sa amin. Tiningnan ko si Kuya na humikab na kaya nakaramdam na rin ako ng pagod at antok.
"Hindi ko gusto 'yung nanalo!" komento ni Rove.
"Oo nga, hindi masyado maganda 'yung sagot niya atsaka hindi maganda rampa niya..." ani naman Georgina.
"Bukas guys I will stroll you guys here in La Grandeza pero mostly ay ang alam ko lang 'yung mga napuntahan ko na... hindi kasi ako pinapayagan kapag may pupuntahan," sabi ko kila Rovery.
"That's nice, para naman makita namin 'yung ganda nito kung saan lumaki ang isang katulad mong maganda!" ani Rove kaya umirap ako ng pabiro sabay tumawa.
"Tara na nga! Kung anu-ano pang sinasabi mo," sabi ko.
Hinawi ko ang buhok kong tinatakpan ang aking mukha papunta sa gilid ng aking tainga atsaka muling napatingin sa direskyon nila Evan. Tumayo ang aking balahibo nang nakita kong nakatitig siya sa akin.
Pero inirapan ko lang siya, how can he say those things a while ago? Kung sila naman na ni Yeni ulit? Sinusubukan niya lang siguro kung maiilang ako sa kaniya and I am not! I will not let him dominate me, fucking asshole.
Anong karapatan niyang gantohin ako while he's with Yeni? Napailing na lang ako at sabay-sabay na kami lumabas nila Mommy.
Kapagkalabas namin ng venue ay biglang sumulpot si Evan sa gilid namin at binate si Mommy.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...