Time"Wow, ito na ata 'yung isa sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa tala ng buhay ko..." ani Rovery habang nakatingin sa tanawin.
Nasa kapatagan na kami and it took us almost 2 hours to drive here dahil nga medyo malapit na ito sa Casa Aqua, 'yung resort nila Ross.
May dala kaming tatlong picnic mat at kami lang ni Evan ang magkatabi sa isang mat. Habang magkakasama naman sila Rove, Adamson, Mishael at Yeni sa isang mat at sila Massi, Georgina, Jillian at Kurt naman do'n sa isa pang mat.
Nakatingala si Adamson sa kalangitan and he looks tired sa kaniyang itsura. I am just thinking if hindi kaya kami nagkabalikan ni Evan, bibigyan ko kaya ng pag-asa si Adamson?
He's a great guy at hindi malabong may magkagusto sa kaniya. But, sa tuwing iniisip kong magmamahal ako ng panibagong lalaki ay parang hindi ko kaya... masyado ng na-attach 'yung buong ako kay Evan.
Katulad ng laging sinasabi sa akin ni Evan, he will always choose me... so will I. Napatingin ako kay Evan nang bumulong siya sa tainga ko.
"Stop looking at him look at your daddy instead..."
"Ikaw napaka-ano mo!" sabi ko at ngumuso.
Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napapansin niya talaga lahat ng ginagawa ko.
"Let's just enjoy the view, this is my favorite place with you so..." aniya at hinila ako.
Nasa pagitan ako ng kaniyang hita habang nakatalikod ako sa kaniya. Tiningnan ko na lang ang magandang tanawin. Parang kumakalma ang buong katawan ko sa tuwing tumititig ako sa ganda ng langit.
The skies are orange because the sun is finally setting. It gave me a sudden chill nang biglang sumanggi sa isip ako ang isang tanong...
Makakamit na kaya namin ni Evan 'yung kasiyahan na gusto namin maranasan?
'Yung walang hadlang sa amin, 'yung walang tutol... hindi ko naman nais na mawalan ng problema because it will help us to grow and become stronger pero 'yung tanging hiling ko, paano ang mga susunod na araw?
Mananatili pa rin ba kaming ganito ni Evan? Napatungo ako at tiningnan ang mga kamay ni Evan na nasa bandang tiyan ko at nakayakap siya sa akin. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at biglang napakunot ang aking noo nang nakita ko ang singsing na sinuot namin no'ng first monthsary namin.
Hinipo ko 'yon at kinagat ko ang ibaba kong labi. His love is really pure, 'yung wala akong mababahid na pagpapanggap. He waited for me for a long time kahit wala siyang kasiguraduhan kung babalik pa ba ako...
Nangingilid ang luha sa aking mga mata habang tinititigan ang kaniyang daliri. Tinupad niya 'yung pangako niyang kahit anong mangyari sa amin dalawa, he will never take this off...
Tumulo ang luha ko sa kamay niya kaya kaagad ko 'yon pinunasan. Naramdaman ko agad ang kaniyang kamay na humawak sa aking baba at iniangat ang mukha ko.
Kumunot ang noo niya. "Why are you crying?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Umayos ako ng upo para bahagya ko siyang makita at magkita ang mga mata namin. He caressed my face kaya hinawakan ko 'yung kamay niyang nakahawak sa aking pisngi.
"What is it, baby?" bulong niya habang nag-aalalang nakatitig sa mga mata ko.
"I love you so much, Evan... mahal na mahal kita..." kinagat ko ang ibaba kong labi nang tuluyan na akong humikbi.
He smiled with full of gladness on his face. Hindi siya makapagsalita at tumititig lang sa mga mata ko pero I think he is trying to speak.
"I love you even more Reganne... kung mahal mo ako, mas mahal na mahal kita. Ako na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake mo..." he chuckled kaya natawa na rin ako at mahina siyang pinalo sa braso.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...