Jemimah Remington Maxwell
MALAWAK ang pagkakangiti ni Jemimah habang tinatanggap ang tanda ng promotion na ikinakabit ng Director General ng Philippine National Police na si Alvin Caguioa sa balikat ng suot niyang police uniform. She was now Senior Inspector Jemimah Remington Maxwell. Hindi niya inaasahan ang promotion na ito pero nagpapasalamat pa rin sa Diyos sa napakaraming biyayang ipinagkaloob sa kanya.
Nagpalakpakan ang mga bisitang naroroon sa loob ng SCIU Headquarters kung saan ibinigay sa kanya ang promotion. Agad na hinanap ni Jemimah ang kinatatayuan ng asawang si Ethan Maxwell. Tumalon ang puso sa loob ng kanyang dibdib nang makita ang pagngiti ng asawa, punong-puno ng pagmamalaki para sa kanya ang asul na mga mata nito.
Nagsilapitan sa kanya ang mga kakilala para magbigay ng pagbati. Sumaludo si Jemimah kay Director Antonio Morales nang lumapit ito.
Hinawakan ng direktor ang magkabila niyang balikat. "I'm very proud of you, hija," nakangiting wika ni Antonio. "Keep up the good work."
"Salamat po, Sir." Mahabang sandaling tumanggap lamang si Jemimah ng pagbati. Nagpalinga-linga siya sa paligid dahil hindi na makita si Ethan doon.
"Senior Inspector," narinig niyang tinig ni Mitchel. Nilingon ni Jemimah ang lalaki na malawak ang pagkakangisi. "Masyado ka nang mahirap abutin. Kailan ka magpapakain, Team Leader?"
Napatawa si Jemimah. "Dinner. Later sa bahay." Tinutukoy niya ang penthouse ni Ethan na ngayon ay bahay na nilang dalawa. "Imbitahan mo rin si Theia, ha?"
"Sige ba." Kumindat pa si Mitchel.
Hinarap naman ni Jemimah si Douglas na nagpaabot din ng pagbati.Inimbitahan niya rin ang lalaki, maging ang girlfriend nitong si Karine Santos na nakilala noon sa isang kasong inimbestigahan nila.
Nang matapos ang lahat ng pagbati, agad nang lumabas si Jemimah ng headquarters para hanapin doon si Ethan. Nakita niya naman ang asawa na nakatayo sa labas ng sasakyan niyang isang dark blue Fortuner.
Lumakad si Jemimah palapit sa asawa. "Bakit nandito ka?" tanong niya, malambing na iniyakap ang mga kamay sa baywang nito. "Hindi mo pa ako binabati."
Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Ethan. "Ano'ng klaseng pagbati ba ang gusto ng asawa ko?" tanong nito, ipinulupot na rin ang mga braso sa katawan niya.
Jemimah moaned when Ethan lightly brushed the front of his pants on her belly. He was getting hard already. Pinigilan ni Jemimah na magpadala sa pag-iinit ng katawan.
Simula nang makasal sila at unang beses na angkinin ni Ethan, tila napakabilis na ring mawala ng kontrol ni Jemimah sa sarili. Pero hindi niya pinagsisisihan iyon. Asawa niya si Ethan, walang masama kahit halos araw-araw, gabi-gabi ay nagpapaangkin dito.
Inilapat ni Jemimah ang mga kamay sa mga dibdib ng asawa, nararamdaman na ang pagpintig ng puso nito. "Mamaya na 'yan sa bahay," aniya. "Pero... gusto ko sanang magluto ng dinner para sa team natin. Inimbitahan ko na rin sila."
Nakita niya ang pagdaan ng inis sa mga mata ni Ethan. Hindi ito sumagot.
Lumabi si Jemimah, nagmamakaawang tumingin sa asawa. "Sige na, hmm? Puwede mo naman akong masolo kapag umalis na sila."
Bumuntong-hininga si Ethan. "Fine," pagsuko nito. "Basta sisiguraduhin mong aalis kaagad sila, Senior Inspector."
Napatawa na si Jemimah at marahang hinampas ang dibdib ng asawa. "Opo." Ipinaikot niya ang mga mata. "Para namang hindi mo ako nasosolo gabi-gabi sa—"
Hindi na naituloy ni Jemimah ang sinasabi nang putulin iyon ng mga labi ni Ethan. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa hindi inaasahang halik. This man just kept on surprising her heart.
Ipinikit ni Jemimah ang mga mata at tinugon ang halik ng asawa. Wala nang pakialam kung may makakita man sa kanila. Tumitigil sa paggana ang kanyang isipan tuwing nakalapat ang mga labi ni Ethan sa kanya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mistério / SuspenseCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...