Jemimah Remington-Maxwell
ITINAAS ni Jemimah ang hawak na puting envelope para ipakita sa mga kasamahan. "Ipinadala ito sa SCIU kahapon at nakapangalan sa akin. Binasa ko ang sulat na nanggaling sa isang nagpakilalang Veno. Sinabi niyang makakatulong ito sa iniimbestigahan nating serial murder case."
Binasa niya sa harap ng team members ang nakasulat sa isang papel. "Nababalitaan ko ang nangyayari ngayon at nakakatakot. Ang mga naging biktima ng Ash na ito, may itinatago silang sekreto. They deserve to die. Pero hindi ko gustong maging masamang taong katulad nila kaya tutulong ako para mahuli si Ash. This card might be a help. Ilan sa mga miyembro ng club na 'yan ay naging biktima na ni Ash. Hindi ko alam kung isa sa mga miyembro diyan ang may kagagawan ng pambobombang ito. Pero maganda na ang makasigurado. Huwag niyo nang alamin kung sino ako. Magpapakilala rin ako balang-araw. Veno."
"Card?" tanong ni Paul.
Ipinakita ni Jemimah ang isang card na nakapaloob sa envelope kasama ang sulat. "It's a card for a certain club – the Blaze Power Club." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Ipinahanap namin sa SCIU kung ano ang club na ito. It is owned by Albert Gaces. This a club for wealthy and powerful men. They do some gambling there, business transactions. At kung anuman na hindi natin alam."
"Albert Gaces," usal ni Paul. "Ang pinuntahan namin noon na isa sa mga major shareholders ng Build Foundation?"
Tumango si Jemimah. "At sinabi niyong anak niya sa labas si Danny Abellana, right? Ang cameraman ni Jayden."
"Iyon ang sabi ng kinakasama ni Albert ngayon," sagot ni Paul.
"We should also talk to Danny para malaman niya na isa ang kanyang ama sa posibleng maging biktima ni Ash," wika ni Jemimah. "Baka sakaling may alam din siya sa ginagawa o ginawa ni Albert."
"Ano kaya ang itinatago ng mga mayayamang ito?" tanong ni Mitchel, hinahaplos-haplos ang baba.
"Kahit na may bagong lead tayo, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang tungkol sa Build Corporation," sabi naman ni Ethan. "Kailangan nating malaman kung ang mga major shareholders ng Build Corporation ay miyembro rin ng club na 'yan. Hindi natin alam kung mayroon ngang gustong tumulong sa atin ngayon o ang nagpadala ng sulat na 'yan ay ang killer na gusto lang tayong ligawin."
Ethan was right. Dapat silang maging maingat. Hindi lang isang simpleng kriminal si Ash. Matalino ito. Tuso. They should not let that killer fool them again.
SILANG dalawa lang ni Ethan ang nagpunta sa isa pang bahay ni Albert Gaces sa Bulacan. Nang magpunta sila sa bahay nito sa Quezon City ay ang kinakasama lang nitong si Carmi Lastrollo at sinabi sa kanilang nandito sa Bulacan si Albert para bisitahin ang mga anak.
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkamangha nang makapasok sila sa loob ng napakalaking bahay. Luxury was everywhere. Hindi maitatangging napakayaman ng may-ari nito.
Sumunod lang sila sa katulong hanggang sa makatapat sa isang pinto. Sinabi nitong iyon ang home office ni Albert Gaces.
Nagpasalamat si Jemimah bago kumatok at binuksan ang pinto. Nakaupo lang sa swivel chair na nasa likod ng working desk ang isang lalaking marahil ay nasa fifties na nito – si Albert Gaces.
Lumapit sila sa desk at nagpakilala dito. Albert Gaces had the usual businessman look. Hindi rin maitatanggi na anak nito si Danny Abellana dahil sa pagkakahawig ng mga ito.
Ngumiti lang si Albert pero hindi nakipagkamay sa kanila. "Oh, the famous Senior Inspector Jemimah Maxwell in flesh and blood. Ano'ng nagdala sa'yo dito kasama ang iyong asawa?"
"Nandito kami tungkol sa isang imbestigasyon." Si Ethan ang sumagot niyon. "Since it's also famous, siguradong alam mo. Ang bombing incidents na ginawa ng serial killer na si Ash."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misteri / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...