Mitchel Ramos
NAKATITIG lang sina Mitchel sa envelope na nasa gitna ng mesa ng opisina nila sa SCIU. Iyon ay ang resignation letter ni Jemimah na ibinigay kay Director Morales.
"Sinubukan kong pigilan siya," basag ni Paul sa katahimikan. "Pero gusto niyang pabayaan na lang natin siya. I... want to help her. I don't to want to see her like this. Bakit?" Galit na galit na pinukpok ng lalaki ang mesa. "Bakit ginawa ng lalaking ito kay Jemimah ang ganito?! I gave her up because he's the one who makes her happy. Bakit sinasaktan niya ng ganito si Jemimah?!"
Yumuko si Mitchel bago tumayo. "Ibigay natin ang gusto ni Jemimah," aniya. "Hindi niya pa rin matanggap ang lahat. Napakahirap niyon para sa kanya. Kailangan natin siyang intindihin. Mas lalo lang siyang masasaktan kung makikita tayo, ang lugar na ito."
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Mitchel didn't like this. Hindi ganito ang opisina ng team nila noon.
"What will happen to the team now?" tanong ni Douglas mayamaya.
Humugot ng malalim na hininga si Mitchel bago sumagot. "One of our member's blood had spilled. This team will never be the same again. Let's end it here... now." Kinamayan niya sina Douglas at Paul. "I'll see you when I see you."
Pagkalabas ni Mitchel ng SCIU Headquarters ay agad na siyang nagtungo sa apartment ni Theia. Maging ito ay hindi pa rin matanggap ang nangyari. She kept on crying every day.
Hindi naman nagtagal ay nakatapat na siya sa apartment ni Theia, kumatok. Pinagbuksan siya ng nobya, namamaga pa rin ang mga mata.
Pumasok sa loob si Mitchel at niyakap ito ng mahigpit. Napahikbi na naman si Theia habang ikinukuwento niya ang kinahinatnan ng team. "I hate him," usal nito. "I hate Ethan. H-hindi niya dapat iniwanan si Jemimah mag-isa. H-he loved her, Mitchel. T-they loved each other. H-hindi niya dapat ginawa ito. Ano na ngayong mangyayari kay Jemimah?" Isinubsob ni Theia ang mukha sa kanyang dibdib. "A-ang team... s-simula nang makilala ko si Ethan, napalitan na ang mga masasamang gawain ko. Simula nang isali niyo ako sa team, n-nagkaroon na uli ng direksyon ang buhay ko. Pero bakit ganoon? Bakit sisirain lang ni Ethan ng ganoon? I hate him so much! Hindi niya dapat tayo i-iniwan ng ganito!"
Ipinikit niya ang mga mata. This was not what he wanted to happen. Pero wala na silang magagawa pa. They needed to keep on moving forward. Marami pa ang kailangang mabigyan ng katarungan. May dahilan ang lahat ng pangyayari sa mundo. Kailangan lang nilang magtiwala na maaayos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...