Chapter 50

1.1K 51 3
                                    

Ash

NANGINGINIG sa matinding galit si Ash habang nakamasid sa mga pulis na isa-isang inilalabas ang mga sumukong miyembro ng VOTP, kasabay niyon ay ang mga stretcher na kinalalagyan ng mga namatay sa engkuwentro ng grupo at ng SCIU team kanina.

Naroroon lamang siya, nakatayo kasama ang ibang mga nakikiusyosong tao. Nakita pa ni Ash kung paano inilagay sa stretcher ang bangkay ni Cyrille Gabo – ni Rain, kung tawagin niya – at tinakluban iyon ng puting kumot.

She was dead. Ang babaeng pinakamamahal sa loob ng mahabang panahon ay patay na. He was already too late. Hindi niya nailigtas ang babae. Hindi niya ito natulungan.

Hindi alam ni Ash na mangyayari ang ganito, na malalaman ng SCIU ang hideout ng VOTP group. Sinabi niya kay Cyrille na huwag nang manatili sa lugar na iyon, na delikado. Pero pinili pa rin ng babae na tumayong leader ng grupo. And now what? She left him! She left him all alone!

Mahigpit na ikinuyom ni Ash ang mga kamay nang matanaw ang paglabas ni Senior Inspector Jemimah Maxwell. Marami itong sugat sa katawan at akay-akay ng asawang si Ethan Maxwell.

Sinundan niya lang ang mga ito ng tingin. Hindi pa dito natatapos ang lahat. Kahit mag-isa ay magpapatuloy siya. Ipagpapatuloy ni Ash ang nasimulan nila ni Cyrille. Ipapakita niya sa babae na magtatagumpay sila.

Wala na siyang pakialam sa kahit na ano. Papatayin niya ang kung sinomang sisira sa kanyang plano. Magbabayad ang mga taong gumawa ng ganito kay Cyrille.

Sinulyapan ni Ash ang paligid. The media were arriving. Tumalikod na siya para magtungo sa sariling sasakyan.

Just wait, babe. I'll be with you soon. At isasama ko sila.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon