Chapter 17

1.2K 42 0
                                    

Douglas Ilagan

BINUKSAN ni Douglas ang pinto ng backseat para lumabas ng sasakyan. Napatigil siya nang marinig ang pagsasalita ni Mitchel.

"Douglas, sabi ng Team Leader, 'wag tayong lalabas hangga't walang utos niya."

Douglas gritted his teeth. "Magpapahangin lang ako," sagot niya. Hindi siya sanay na nakaupo lamang sa loob ng sasakyan habang nakikita ang ibang agents sa labas at ginagawa ang mga trabaho nila.

Naglakad siya patungo sa isang parte ng parking area, sinulyapan ang wristwatch na suot. Limang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting ng mga cabinet members sa loob ng Supreme Court. Sa oras din na iyon matatapos ang countdown na ibinigay ng killer na si Ash.

Tiningnan ni Douglas ang napakalaking Supreme Court. Mahigpit ang security doon ngayon kaya imposibleng may makapagpuslit ng bomba. Maliban na lang kung matagal nang naitanim ang bomba sa loob.

Nagpatuloy siya sa paglalakad, may ilang nakasalubong na mga pulis. Hindi kalayuan sa entrance ng Supreme Court ay nakaparada ang sasakyan ng SWAT.

Napangiti si Douglas, biglang pumasok sa alaala ang naging buhay noong nagtatrabaho pa bilang SWAT agent sa US. Ganoon din sila, naghihintay lang na kailanganin ang tulong.

Napatigil siya sa paghakbang nang mapansin ang isang itim na Mercedes Benz na nakaparada sa pinakadulong bahagi ng parking. Medyo malayo ang agwat ng sasakyang iyon sa ibang nakaparada.

There was something wrong with that car. Naalala ni Douglas na napansin din ang sasakyang iyon nang dumating sila dito kanina. Mabilis niyang hinugot ang baril sa holster nang makitang bahagyang gumalaw ang sasakyan. It was as if someone was inside. Or was he imagining things?

Ilang metro din ang layo ng sasakyan, maingat siyang humakbang palapit. Pero hindi na natuloy nang bigla na lang iyon sumabog. Bumagsak sa lupa si Douglas pero agad ding gumapang patungo sa pinakamalapit na sasakyan. Some of the car's debris was still flying, shattered glasses everywhere. Nararamdaman niya rin ang init mula sa apoy na dulot ng pagsabog, naririnig ang malakas na alarm ng mga sasakyan sa paligid.

Napangiwi si Douglas. May ilang basag na salamin ang tumama sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at hindi na ininda iyon. Those were just small cuts for sure.

Tumayo na siya para tingnan ang sasakyang lumalagablab pa rin sa apoy. Nanatili na lang na nakatayo si Douglas nang magsimulang lumapit doon ang mga nasa Bomb Disposal at SWAT.

May ilang lumapit sa kanya para palayuin sa lugar na iyon. Sumunod na lang siya. Pagkarating sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan ay nakitang nasa labas na sina Mitchel at Paul.

"Douglas, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mitchel. "What happened?"

Ini-iling lang ni Douglas ang ulo. Hindi niya rin alam. Paanong nangyari ito? Paanong nakalusot ang isang bomba sa napakahigpit na security? This was... insane.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon