Paul Morales
PINAGLANDAS ni Paul ang isang kamay sa sariling buhok bago lumakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pilit pa ring lumalapit kay Jemimah kahit alam na wala rin namang mangyayari. She would always choose to be with her husband.
Gusto niya itong maging masaya pero napakasakit pa rin para kay Paul na pagmasdan ito kasama si Ethan. Kung ipinagtapat niya kaya ng mas maaga kay Jemimah ang nararamdaman, siya kaya ang pipiliin nito? No, simula pa lang ay na kay Maxwell na ang atensyon ni Jemimah. Dapat niya nang itatak sa isipan na kahit magkaroon ng pagkakataong maibalik ang nakaraan, si Ethan pa rin ang pipiliin nito.
He should just focus on working. Sa ganoong paraan ay nakakalimutan ni Paul ang sakit na nararamdaman. Mas importanteng mahuli nila ang killer na si Ash bago pa madagdagan ang biktima nito. Or worse, madamay sila.
Kinuha ni Paul ang cell phone sa bulsa ng pantalon para padalhan ng message si Mitchel at sabihing kailangan na nilang umalis. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang lalaki nang makalabas sila ng SCIU Headquarters.
Napatigil siya sa paglalakad nang makabangga ng isang bulto ng katawan. Mabilis na tumulong si Paul sa pagpulot ng mga librong bumagsak sa semento na dala ng isang babaeng nabangga.
"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin. "Hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko."
Tumayo siya at iniabot sa babae ang mga libro. Nakayuko lang naman itong nagpasalamat.
Kumunot ang noo ni Paul. "Ayos ka lang ba, Miss? Nasaktan ka ba?"
Umiling ang babae, sandaling sumulyap sa kanya. "A-ayos lang p-po ako."
Paul had a glimpse of the woman's face. Bata pa ito, marahil ay nasa twenties pa lamang. Pero mukhang mahiyain dahil nanatiling nakayuko ang ulo.
Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae. Nakasuot ito ng puting blouse, skinny jeans and black sneakers. Maganda ang hubog ng katawan nito, makinis ang maputing kutis. Her hair was dark brown and a little bit curly.
Napansin pa ni Paul nang pasimpleng iginala ng babae ang paningin sa paligid na tila may pinagtataguan. Then he caught her eyes. It was black. No, siguradong contact lenses lamang iyon.
Mabilis na iniiwas ng babae ang tingin. Akmang hahakbang na ito palayo nang marinig nila ang boses ni Mitchel mula sa likod.
"Bianca?" banggit ni Mitchel.
Bumahid na ang pagkagulat sa mukha ng babaeng nasa harapan. Napatingin ito kay Mitchel, humigpit ang pagkakayakap sa mga librong hawak.
Lumapit na sa kanila si Mitchel, malawak ang ngiti. "Ano'ng ginagawa mo rito sa SCIU? May kailangan ka ba?"
Mabilis na umiling ang babaeng nagngangalang Bianca. "N-napadaan lang ako," anito bago nagmamadali nang lumakad palayo.
Sinundan lang ito ng tingin ni Paul bago ibinalik ang tingin kay Mitchel. Nakasunod lang din ang tingin ng lalaki kay Bianca, puno na ng kaseryusohan ang mukha.
Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ay hindi na napigilan ni Paul ang magtanong. "Kilala mo ang babaeng 'yon?"
Tumango si Mitchel. "Siya si Bianca Cuares, kaibigan ng girlfriend ni Douglas na si Karine Santos."
Kilala ni Paul ang girlfriend ni Douglas na si Karine. Minsan na itong naipakilala sa kanila ni Douglas noon. "Sadya bang ganoon ang Bianca na 'yon? Parang... takot siya sa tao."
Nagkibit-balikat lang si Mitchel. "Hindi siya gaanong nagsalita noong unang beses kong makilala. Bata pa naman siya kaya siguro ganoon. She might twenty-one now. Kung tama ang calculation ko."
Hindi maintindihan ni Paul ang sinasabi nito pero hindi na pinag-ukulan ng pansin. May mga mas importanteng bagay pa silang dapat asikasuhin at doon lang dapat ituon ang lahat ng atensyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystère / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...