Jemimah Remington-Maxwell
NAKATINGIN lamang si Jemimah sa bangkay ni Ricardo de Chavez na nasa ibabaw ng autopsy table ng Examiner's Office ng SCIU. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa biglaang pagkamatay ng Chief ng SCIU.
Base sa mga salaysay ng nakakita, nakita na lang daw sa loob ng opisina nito si Chief de Chavez na nakadapa sa sahig at wala nang buhay. Tiningnan nila si Barbara Santiago na nag-examine sa katawan ni de Chavez.
Malungkot itong napabuntong-hininga bago nagsalita. "He was poisoned. Alam niyo na rin naman siguro 'yon."
Tumango si Jemimah. They already checked the CCTV footage inside the Chief's office. Nakita doon na bandang alas-dos ng hapon ay may dumating na delivery ng pizza para kay Ricardo. Ilang minuto matapos nitong kumain ay bigla na lang tumayo ang lalaki, nagtangkang lumakad palabas, magsalita. Sumuka din ito. Hanggang sa bumagsak na ito sa sahig, nahihirapan sa paggalaw at tuluyang namatay.
Ipinahanap na rin nila ang delivery boy ng pizza na nakuha sa CCTV. Napag-alaman nina Jemimah na miyembro ng VOTP group ang nag-deliver. Malamang ay alam ng mga ito na nagpa-deliver si Ricardo at pinalitan ang rider.
"Hanggang ngayon hindi pa rin gustong magsalita ng lalaking nahuli namin," aniya. "Paulit-ulit lang niyang sinasabi na para sa bayan ang ginagawa nila."
"This was obviously Ash's doing," ani Ethan. "Ginagamit niya ang mga miyembro ng VOTP group para sa paghihiganti."
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid hanggang sa basagin iyon ni Barbara. "I checked the whole stomach and intestinal contents. Even the materials vomitted by the victim. Nakita ko ang ilang food specimen like the pizza he ate, ganoon din ang lason na nakalagay doon – strychnine. Isa iyong alkaloid na nakakapag-paralyze sa biktima hanggang sa tuluyan siyang mamatay due to respiratory failure."
Ilang saglit na napaisip si Jemimah. Strychnine? "Ganoon din ang nakitang lason sa katawan ni Michelle de Chavez." Napatingin siya sa mga kasamahan.
"Malamang na ang pumatay kay Ricardo ay ang pumatay din sa asawa niya," hula ni Paul.
"Si Ash?" tanong naman ni Douglas. "Ibig sabihin ang kauna-unahang naging biktima ni Ash ay si Michelle de Chavez?"
"Hindi pa rin tayo makakasigurado," ani Ethan. "Kailangan nating maghanap ng matibay na ebidensya sa mga gamit ni de Chavez. Hawak na natin ang cell phone niya. We need access to her emails as well."
Tumango si Jemimah. Hanggang kailan pa ba sila paglalaruan ni Ash? Pakiramdam niya ay napapalayo lang sila sa iniimbestigahang kaso. There were too many people involved, including the VOTP group. Marami na ang namamatay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ni anino man lang ng walang pusong serial killer na ito.
Pagkarating nila sa opisina ng team, nagulat pa si Jemimah nang makita kung sino ang naghihintay sa kanila doon. Si Lily Martinez – isang agent ng Internal Affairs na naging parte rin ng team nila noon.
"Lily," bati ni Jemimah sa babae. Masaya siyang makita uli ito.
Ngumiti si Lily at isa-isa silang binati. "I know you're all having a hard time dahil sa nangyari, lalo na sa kasong iniimbestigahan niyo."
"Nandito ka ba dahil kay Chief Ricardo?" tanong niya.
"That and another reason," sagot ni Lily. "The Internal Affairs did an investigation here dahil nga sa nangyaring hacking ng server. Thankfully, the SCIU's server was recovered last night."
Nagpapasalamat din sina Jemimah doon. Kagabi ay nabalitaan nilang may mga IT experts from the States ang nagpunta dito para lamang ma-recover ang server ng SCIU. Sa ngayon ay inaayos pa rin ng mga ito ang security ng system para masigurong hindi na uli maha-hack.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...