Theia Mendoza
NAPATIGIL sa paggayat ng mga gulay si Theia nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kanyang apartment. Itinigil niya ang paghahanda ng lulutuing dinner para puntahan ang kung sinomang bisita.
Naiinis siyang napabuga ng hininga nang makita si Mitchel Ramos, may dala-dala pa ang lalaki na isang box ng pizza. Akmang magsasalita pa ito nang talikuran ni Theia. Bumalik siya sa kusina.
"Ooohhh..." narinig niyang tinig ni Mitchel mula sa likod. "Tamang-tama hindi pa ako nagdi-dinner."
"Para sa isa lang 'to," pagtataray ni Theia habang hinihiwa ang mga gulay.
Tumawa si Mitchel. "May dala naman akong pizza, share tayo doon. Then share din tayo diyan. Kung gusto mo magsubuan pa—"
"Bago mo ituloy 'yang sasabihin mo, gusto ko lang ipaalala sa'yo na may hawak akong kutsilyo, Mitchel." Itinaas pa ni Theia ang kutsilyo, may pagbabanta sa mga mata.
Itinikom ni Mitchel ang bibig, sumandal sa kitchen counter. "Grabe ka talaga sa akin, Theia. Pinagbabantaan mo na ako ngayon." Nagkunwa pa itong malungkot. "Sinasabi ko lang naman ang gusto ko. Lahat naman tayo may kanya-kanyang isip, may kanya-kanyang nararamdaman, may kanya-kanyang gustong sabihin."
She rolled her eyes. Napakarami talagang sinasabi ng lalaking ito. "Oo, may kanya-kanya nga tayong gustong sabihin. The only problem is that eveything you're saying is plain stupidity."
"Ouch," napahawak pa sa tapat ng puso si Mitchel. Ilang sandali lang ay ngumiti na ito. "That's the reason why I like you so much."
Napatigil si Theia sa ginagawa, ibinaba na ang hawak na kutsilyo. Ginawa niya ang lahat para maiwasang magpakita ng kahit anong emosyon. "Can you stop flirting with me, Mitchel?" hiling niya. "Wala ka bang ibang babaeng makita?"
"Kung mero'ng ibang nakakuha ng atensyon ko, hindi na sana ako mag-aaksaya ng panahon na magpunta dito."
Malamig niyang tiningnan ang lalaki. "Wala ka bang karelasyon ngayon, Mitchel?" Nakapagtataka lang na ang isang babaerong katulad nito ay walang girlfriend. Theia never really saw Mitchel dating someone since she met him.
"Ang relationship status ko ngayon ay parang kaso ng team namin," sagot ni Mitchel. "Wala kaming kasong hawak ngayon." Tumawa pa ito ng malakas.
Inirapan na lang ni Theia ang binata at muling ipinagpatuloy ang paghahanda ng hapunan. Hindi pa rin siya naniniwala na walang karelasyon ang lalaking ito. Siguradong maraming babae ang nakapaligid dito.
Wala na namang narinig na salita si Theia sa binata hanggang sa matapos siya sa pagluluto. Inilagay niya ang mga niluto sa mesa nang makitang naunang naupo doon si Mitchel, may plato na rin sa harap.
Ipinatong ni Theia ang isang kamay sa mesa. She leaned over the table where he was seated. "Hindi mo ba narinig ang sinabi kong para sa isang tao lang ang niluto ko?"
Napansin ni Theia ang pagbaba ng tingin ni Mitchel sa kanyang dibdib. Noon lang niya naalala na nakasuot lang siya ng light gray sando at nakikita na ng binata ang cleavage niya.
Tumaas ang isang kilay ni Theia. "Are you enjoying the view, pervert?"
Ngumisi si Mitchel. "It would have been better if I can touch—" Napatigil ito nang batukan niya ang lalaki. Napaka-manyak talaga nito kahit kailan!
Naiinis na naupo si Theia sa isang silya, hinayaan na lang sumalo ang binata. "Bakit ka ba nandito? Bored ka na naman?"
"Gusto kitang makita, masama ba 'yon?" tanong ni Mitchel. "Hindi ako nagpunta sa SCIU dahil siguradong abala na naman sila, lalo at may binombang residence ng isang high ranking police official."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Tajemnica / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...