Danny Abellana
INILIPAT ni Danny ang tingin sa amang si Albert Gaces, kitang-kita ang takot sa mga mata nito. Kanina pa niya gustong matawa nang makipagkita dito. Albert trusted him so much. Kaya wala itong kahina-hinala at pinapasok siya sa bahay na ito.
When he showed Albert the bomb, nawalan ng kulay ang mukha nito. Dahil sa takot ay sinunod lang siya ng sinunod ng ama nang utusan niyang paalisin ang lahat ng tao sa bahay na ito. It was too easy. Ang gagawin niya na lang ngayon ay tapusin ang lahat.
Wala nang pakialam si Danny kung mamatay man siya. Wala nang silbi ang buhay niya dito sa mundo, lalo at wala na si Cyrille. Tiningnan niya si Ethan na wala pa ring kaemo-emosyon ang mukha. Was this man not scared of him?
Ngumisi si Danny. "Gusto mo bang marinig kung ano'ng dahilan ng lahat ng ito, Maxwell? Siguradong maiintindihan mo ako... I am just giving justice to those who deserve it... I am saving more lives by killing these monsters..."
Masayang lumabas si Danny sa kotse ng kanyang Papa Albert. Naroroon na naman sila ngayon sa isang lugar sa San Fernando, Pampanga para bisitahin ang mga kakilala ng kanyang ama. Madalas na nagpupunta dito ang kanyang ama nitong nakaraang mga buwan. Hindi niya alam ang dahilan niyon pero masaya siya dahil isinasama dito. Palagi naman siyang isinasama ng ama sa mga lugar na pinupuntahan nito. Sinasabi ni Papa Albert na kailangan bata pa lang ay matuto na siya sa gawain ng isang businessman.
Pumasok si Danny sa loob ng isang bahay at agad siyang niyakap ng kaibigang si Adrielle Espadero. Tatlong taon ang bata nito sa kanya sa edad niyang fourteen years old.
Gustong-gusto ni Danny tuwing bumibisita sila dito dahil masaya ang pamilya ng mga Espadero. Ang ama ni Adrielle na si Fernando Espadero ay isang farmer. Sinabi nito na ito ang nagmamay-ari ng napakalaking lupa na ito. Ang ina naman ni Adrielle ay nandito lang sa bahay, nag-aalaga sa apat na mga anak.
Pakiramdam ni Danny ay parte siya ng pamilya ni Adrielle. Mababait ang mga ito. Pero tuwing babanggitin niya ang pangalan ng ama kay Fernando ay nakikita ang tila inis sa mukha nito. Bakit kaya? Hindi ba ang mga ito magkaibigan? Kung ganoon, bakit palaging bumibisita rito ang kanyang ama, maging ang mga kaibigan nito?
Ngayong gabi ay marami silang dalang pagkain para sa pamilya ni Adrielle, maging sa mga kamag-anak nitong nakatira lang hindi kalayuan. There was a feast and Danny was so happy playing with his friend.
Natigil lang siya sa paglalaro nang tawagin ni Papa Albert. Inutusan siya nitong pumunta na sa sasakyan.
"Pero... Papa... g-gusto ko pang makipaglaro kina Adrielle," tutol pa ni Danny.
"It's your sleeping time, Danny," ma-awtoridad na sabi ni Albert. "Pasado alas-nueve na ng gabi. Pumasok ka na sa sasakyan at matulog."
Lumaglag ang kanyang mga balikat pero wala namang magagawa kundi ang sumunod sa ama. Pumasok si Danny sa loob ng sasakyan, namaluktot sa backseat. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.
Pero hindi naman siya dalawin ng antok kaya naisipang maglaro na lamang sa hawak na PSP. Hindi alam ni Danny kung gaano katagal na siyang naglalaro nang makarinig ng malalakas na putok mula sa bahay nina Adrielle.
Sumilip siya sa bintana ng sasakyan. Nakaramdam si Danny ng takot nang marinig ang pagsisigawan sa loob. Lumabas siya ng sasakyan at maingat na lumakad patungo sa bahay.
Mabilis na nagtago si Danny nang makita ang paglabas ng isang lalaki na may hawak na baril. Kilala niya ito – si Carlo Abad na isa sa mga kaibigan ng kanyang ama.
Gumapang siya patungo sa kinaroroonan ng isang bintana para silipin kung ano'ng nangyayari sa loob. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Danny nang makita ang ilang katawan ng mga kamag-anak ni Adrielle na nasa sahig at naliligo na sa sariling dugo.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Gizem / GerilimCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...