Chapter 40

1.2K 43 2
                                    

Theia 'Red' Mendoza

BINUKSAN ni Theia ang pinto ng kanyang apartment. Nasa labas niyon sina Ethan, Jemimah at Mitchel. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ang mga ito.

Ilang minuto rin ang lumipas na walang nagsasalita sa kanila. Tumikhim si Mitchel. "Nakita mo ba ang balita?" seryosong tanong nito.

Iniiwas ni Theia ang ulo, hindi nagsalita. Of course, nakita niya ang balita. At inaasahan niya na ang pagpunta ng mga ito dito.

"I-ikaw ba ang... ang gumawa niyon, Theia?" tanong ni Jemimah, bahagya pang pumiyok.

Kumuyom ang mga kamay niya. "I... am Red," mahinang wika ni Theia. "A-ako lang ang gumagamit ng... ng codename na 'yon. A-ako lang—"

"Hindi kami naniniwala na ikaw ang gumawa niyon," putol sa kanya ni Jemimah. "We will investigate this, Theia. Pero... kailangan mo pa ring manatili dito. You can't leave the city or the country."

"This is for your safety as well, Theia," sabi naman ni Ethan. "Hindi pa alam ng SCIU na ikaw si Red. You need to hide because they are surely looking for you. Hindi ganito ang gusto namin pero kailangan muna naming humingi ng tulong sa'yo."

Iniyuko ni Theia ang ulo. Naiintindihan niya. She was a suspect now. Hindi magandang tumulong pa siya sa pag-iimbestiga ng mga ito. She was not a part of the Cold Eyes Team now. Masakit pero kailangan niyang tanggapin.

"We'll visit you soon, Theia," malungkot na wika ni Jemimah bago nagpaalam.

Nanatiling nakatayo si Theia hanggang sa marinig ang mga yabag palapit. Ini-angat niya ang ulo, nasalubong ang mga mata ni Mitchel. There was sympathy in his dark eyes.

Hindi niya kailangan ang pagkaawa mula sa kahit kanino, lalo na sa lalaking ito. Mabilis na iniiwas ni Theia ang tingin. "Leave, Mitchel," mariing utos niya. "Marami pa kayong kailangang gawin."

"Hindi ko gustong magtrabaho ngayon," wika ni Mitchel, naupo pa sa couch at itinaas ang paa sa mesita.

Nagmamartsang lumapit si Theia sa harapan nito. "Itigil mo nga 'yang katamaran mo!" pagpapagalit niya. "Marami pa kayong kailangang gawin. Kailangan ka ng team niyo."

Naghikab si Mitchel. "Hindi ako tamad, Theia. Minsan namimili lang ako ng trabaho kung saan ako magpa-participate."

Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. "Just... get out, Mitchel. Wala akong pakialam sa kung ano'ng gusto mong gawin. Just leave me... alone." Ginawa ni Theia ang lahat para patatagin ang boses, gawing malamig ang mga mata.

Tumitig sa kanya si Mitchel bago tumayo. "Okay," seryosong wika ng binata. "Pero may gusto lang akong itanong sa'yo, Theia."

Hinintay ni Theia na magpatuloy ang lalaki pero hindi pa rin tumitingin sa mga mata nito. Hindi niya gustong mabasa ni Mitchel ang tunay na nararamdaman.

Nagpatuloy ang binata. "Kapag ba umalis ako ngayon at hindi bumalik. Kapag ba kinalimutan ko ang nangyari ng araw na ito at huwag makialam, ayos lang sa'yo? Ilang hakbang lang ay makakalabas na ako sa apartment na ito. Decide now, Theia. Gusto mo ba talagang mapag-isa?"

Kinagat ni Theia ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng mga luha. Ilang segundo siyang hindi nagsalita hanggang sa marinig ang mga hakbang ni Mitchel palayo.

Tinignan niya ang lalaki na malapit na sa pinto. Hindi. Hindi niya gustong mapag-isa. She needed someone to talk to... someone to believe in her.

Humakbang si Theia para habulin si Mitchel at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Tumigil ang binata pero hindi lumilingon sa kanya.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon