Theia 'Red' Mendoza
"SON OF A GUN!" narinig ni Theia na sigaw ni Mitchel. Pareho silang nakatingin sa isang parte ng hotel sa Taguig na sumabog bigla. Nakatapat lamang sila sa hotel na iyon.
Mabilis siyang hinila ng binata palayo, isinandal sa isang SUV na malapit. May mga debris na pumapatak mula sa sumabog na floor ng hotel.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka," narinig niyang wika ni Mitchel. "I'll protect you, Theia." Tiningnan siya ng binata.
Magpapasalamat sana si Theia pero napatigil nang mapansin ang kamay ni Mitchel na nasa kaliwa niyang dibdib. "Your hand," mahina pero may diing sabi niya.
"Oh." Ibinaba ni Mitchel ang tingin sa kamay na nasa kaliwang dibdib niya. "Sorry. Hindi ko napansin."
Napasinghap si Theia nang maramdaman ang bahagyang pagpisil ng binata sa dibdib bago alisin ang kamay. "Damn you," mura niya, pinipigilan ang sariling saktan ang manyakis na ito.
Inalis niya na lang iyon sa isipan at ibinalik ang atensyon sa commotion na nagaganap dahil sa pagsabog. Tumingala si Theia sa hotel na nasa harap. Nagliliyab pa rin ang parte ng building na sumabog. Naririnig niya na ang sirena ng firetrucks at ambulansya.
Hindi niya alam na makakasaksi ng ganito ngayong araw. May dinalaw si Theia na kakilala sa isang ospital dito sa Taguig. Kasama niya si Mitchel dahil bigla na lang itong sumulpot sa apartment niya kaninang umaga. Kahit ilang beses na ipinagtabuyan ay nakabuntot pa rin ang lalaki.
Inilipat ni Theia ang tingin kay Mitchel na may kausap na sa cell phone. Mayamaya ay lumapit na uli ito sa kanya.
"Papunta na rito sina Jemimah," anito. "Hindi tayo makakapasok sa hotel hangga't wala siya. Siya lang ang may maipapakitang badge."
Tumango siya. Nabibingi na si Theia sa ingay ng paligid. Maraming mga tao na rin ang naroroon, nakikiusyoso. Maging ang mga guests ng hotel ay nagsimula nang maglabasan.
"I think it's a bomb," narinig niyang wika ni Mitchel, mahina lang.
"Another bombing," malungkot na wika ni Theia. "Sa tingin mo ba iisa lang ang gumawa nito at ng sa Abad residence?"
"Obviously it's not a terrorist work. Maliit na portion lang ng building ang pinasabog." Umiling si Mitchel. "Pero sana mali ang hinala natin. Sana walang nasaktan."
Hindi naman nagtagal ay naapula na ang apoy. Lahat ng mga tao sa hotel ay na-evacuate na. Dumating na rin sina Jemimah, kasama ang asawa nitong si Ethan.
Sumunod lang naman si Theia kay Mitchel nang pumasok ang mga ito sa loob ng building. Pero agad silang hinarangan ng mga bombero.
"Sinong in charge?" tanong ng isa sa mga bombero.
Lumapit si Jemimah sa lalaki at ipinakita ang police badge nito. "May mga naging biktima ba?"
Tumango ang bombero. "We found three bodies. Pero hindi muna kami magpapapasok ng kahit sino hangga't hindi dumarating ang bomb squad."
"Tinawagan na namin sila," ani Jemimah.
"Kailangan muna nating masigurado na safe na ang buong building," sabi pa ng bombero. "Hindi natin alam kung may kasunod pa ang pagsabog."
"I don't think so," singit ni Mitchel. "Kung ang nagpasabog ngayon ay ang killer na hinahanap namin, siguradong tapos na ang misyon niya dito."
"We need to inspect the crime scene as possible," ani Ethan. "Hangga't hindi pa nawawala ang mga posibleng ebidensya na makikita."
Marahas na napabuntong-hininga ang bomberong kaharap nila. "Fine." Isa-isa sila nitong tiningnan. "Pero mag-iingat kayo. The floor up there is still fragile."
Lumakad na sina Jemimah at Ethan palayo. Akmang susunod din si Theia nang pigilan siya ni Mitchel sa kamay.
Tiningnan niya ang binata na umiling. "It's still dangerous up there, Theia. Hindi para sa'yo ang gawaing ito."
Hindi na naman nagpumilit si Theia. "Aakyat ka ba?"
Muling umiling si Mitchel. "Kaya na nina Jemimah at Ethan iyon. I can look at the pictures of the crime scene later." Iginala nito ang paningin sa paligid. "Samahan mo na lang akong hanapin ang manager ng hotel na ito."
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Manghihingi ng list of guests ng hotel, pati na ang logbook sa entrance. Magbabaka-sakaling may mahanap tayong lead sa pamamagitan niyon."
Sumunod na lang naman si Theia sa binata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ang nakitang pagsabog. There were three bodies again. Katulad din nang namatay sa Abad residence bombing. Things were getting scary.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misterio / SuspensoCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...