Chapter 25

1.3K 45 1
                                    

Theia 'Red' Mendoza

PASIMPLENG sumulyap si Theia kay Paul Morales na nakaupo sa driver's side ng sasakyan nito – isang dark blue Ford Expedition. Simula pa nang makaalis sila sa penthouse nina Ethan at Jemimah, wala pa sa kanila ang bumabasag sa nakabibinging katahimikan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napag-isa si Theia kasama si Paul. Ang totoo, ngayon niya lang na-realize na hindi niya gaanong nakakausap ang lalaki kahit matagal nang magkakilala.

Paul Morales just seemed unapproachable because of his serious aura. He was a prosecutor, after all. At anak din ito ng Director ng SCIU na si Antonio Morales.

Hindi gusto ni Theia na makisalamuha sa mga taong nagtatrabaho sa gobyerno pero simula nang makilala ang team ni Jemimah, tila nagbago na iyon.

"Nandito na tayo," narinig niyang wika ni Paul, ipinarada ang sasakyan sa gilid ng daan katapat ng malaking bahay ni Albert Gaces.

Bahagya pang nagitla si Theia dahil sa hindi inaasahang pagsasalita ni Paul. Sumunod lang naman siya sa binata hanggang sa makalabas ng sasakyan.

Pinindot ni Paul ang doorbell ng ilang beses. Bumukas ang gate at sumalubong sa kanila ang isang katulong.

"Good afternoon, nandito po ba si Mr. Albert Gaces?" tanong ni Paul.

"Si Sir? Ah, wala siya dito ngayon," sagot ng katulong.

"Sino pong nandiyan ngayon?" patuloy ni Paul.

"Si Ma'am Carmi lang po."

"Puwede ba namin siyang makausap?"

Tumango naman ang katulong at inanyayahan sila papasok sa loob. Pinaghintay sila nito sa maluwang at napakagandang lounging area.

Ilang sandali lang naman ay bumaba na mula sa staircase ang isang babaeng marahil ay nasa late thirties pa lang nito. Nagpakilala itong si Carmi Lastrollo – ang babaeng kinakasama ni Albert Gaces. Nakasuot lang ng sleeping robe si Carmi, mukhang kagigising lamang.

"What do you want?" bungad na tanong ni Carmi, naupo sa couch at nagde-kuwatro pa.

Naupo rin sila ni Paul sa couch. Hinayaan lang ni Theia na ang lalaki ang magsalita. He was experienced on this. Sumasama lang naman siya dito para matuto kahit papaano.

Inabot ni Paul ang isang business card sa babae. "Nandito kami para sana makausap si Albert Gaces tungkol sa isang kasong iniimbestigahan namin. Pero sinabi ng katulong na wala siya ngayon dito."

Sinulyapan ni Carmi ang business card. "Prosecutor," usal nito, ibinalik ang tingin kay Paul. "Nasa business conference si Albert sa Davao. May ginawa ba si Albert na masama?"

Ngumiti si Paul. "Iyon sana ang gusto naming malaman. Gaano mo kakilala si Albert Gaces? Alam mo ba kung may ginawa siyang masama noon? Some of his friends... or acquaintances were killed. Hindi namin alam kung baka siya na ang sunod na target."

May bumahid nang pagkagulat sa mukha ni Carmi. Ilang saglit itong napaisip. "I don't really know anything about Albert. Nakilala ko siya eight years ago. Ibinahay niya lang ako nang ipagbuntis ko si Angielyn." She rolled her eyes. "Babaero si Albert, alam ko 'yon. Pero wala naman akong pakialam. Sapat na sa akin ang masustentuhan niya kami ng anak ko."

"Wala bang naikukuwento si Albert tungkol sa negosyo niya? Sa Royale Star Mall & Casino?"

Umiling si Carmi. "Katulad ng sinabi ko, wala akong pakialam sa mga ginagawa niya. At saka mukha namang wala siyang problema nitong nakaraang mga linggo. Hindi ko rin narinig na may mga kakilala siyang namatay. Wala rin kaming pinupuntahang funeral."

Sumulyap si Paul kay Theia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya itinanong ang unang pumasok sa isipan.

"Nandito ba ang anak niyong si Angielyn?" tanong niya.

Carmi moaned. Para bang bored na bored na ito sa usapan. "Wala. Sa Bulacan nakatira si Angielyn, doon din siya nag-aaral."

"Bulacan?" tanong ni Paul. "Bahay din ni Albert?"

"More like bahay nila ng dating asawa niyang si Dona," tugon ni Carmi. "Paminsan-minsan lang bumibisita doon si Albert dahil nandito ang main branch ng company niya sa Quezon City. Pero doon nakatira si Angielyn kasama ang nanny niya. Kasama niya rin doon si Dan."

"Dan?" May curiosity na sa mukha ni Paul. Ganoon din kay Theia.

"Anak sa labas ni Albert. Danny Abellana."

Nagulat si Theia. Hindi ba si Danny Abellana ay ang cameraman ni Jayden Sullivan na nakilala nila minsan? Hindi nila alam na anak pala ito ng isang Albert Gaces. At wala rin iyon sa information na ni-report ni Douglas.

"Sinabi ko nga sa inyo na babaero si Albert, iyon ang dahilan kaya naghiwalay sila ng asawa niyang si Dona." Umiling-iling si Carmi. "Pero hindi ko gagawin 'yon. Hindi naman mahalaga kung faithful siya. Importante pa rin ang pera."

Theia tried hard not to roll her eyes. This woman was very low. Hindi siya makapaniwalang may magtitiis sa isang babaero dahil lamang marami itong pera.

May ilan pang itinanong si Paul bago sila nagpaalam. Pagkapasok sa loob ng sasakyan, akala ni Theia ay maghahari na naman ang katahimikan kaya nagulat pa nang magsalita ang lalaki.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na galing sa mayamang pamilya si Danny," naiiling na wika ni Paul.

Lumabi si Theia. "Well, anak siya sa labas. Hindi niya rin ginagamit ang apelyido ni Albert Gaces, baka hindi maayos ang samahan nila? At saka bakit magtitiis na maging cameraman si Danny kung puwede siyang magtrabaho para sa ama niya?"

"Mukhang kailangan pa nating maghintay na bumalik si Albert mula Davao para masagot ang mga tanong na 'yan," ani Paul, ngumiti.

Bahagya namang nabawasan ang pagkailang ni Theia sa lalaki nang ngumiti ito. Tumango siya. "Kausapin din natin si Danny. Baka may alam siya tungkol sa mga business ng kanyang ama. Siguro naman ay makiki-cooperate siya."

"Sana," ani Paul. "Pero kailangan din nating iwasan na mapag-usapan iyon ng media. Hindi pa rin legal ang ginawa mong pang-hack sa server ng Build Corporation."

Iniyuko ni Theia ang ulo, hindi alam ang sasabihin.

"Hindi legal para sa SCIU," pagtatama ni Paul. "But you did well. Masaya akong parte ka ng team. Alam kong hindi magkakamali si Jemimah sa pagpili sa'yo."

Lihim na sinulyapan ni Theia ang binata. Seryoso itong nagmamaneho. Hindi kaila sa kanya na gusto ni Paul si Jemimah nang higit pa sa kaibigan. Pero wala iyong katugon. Hanggang ngayon ba ay umaasa pa rin ang lalaki? That was insane. She knew Jemimah would never waver on Ethan. Imposibleng mangyari iyon.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon