Bonus Excerpt (CES 4)

2.7K 82 27
                                    

COLD EYES SAGA 4: THE HUNTER AND THE HUNTED

Prologue

Jemimah Remington-Maxwell

HIGIT na binilisan ni Jemimah ang pagtakbo, hindi inaalis ang tingin sa hinahabol na lalaki. Pumasok ito sa loob ng isang abandonadong building. Mabuti na lang at may mga ilaw pa rin sa lugar na iyon kahit papaano.

Itinapat niya ang radyo sa bibig. Sinabi niya doon ang kinaroroonang lugar. "I need back-up now. Nakita ko na ang hinahanap nating kidnapper-killer."

Umakyat ang lalaking hinahabol sa hagdan bago nagtatakbo sa hallway. Patuloy lamang sa pagsunod si Jemimah. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhuli ang kriminal na ito.

Nakita niya nang tumalon mula sa second floor ang lalaki. He landed well on the first floor.

"Damn it," she cursed. Wala nang oras para bumaba ng hagdan. Nilakasan ni Jemimah ang loob at tinalon din ang second floor. Saktong bumagsak siya sa mga patas-patas na kahon bago gumulong sa sahig.

Napangiwi siya pero agad ding tumayo. Napansin pa ni Jemimah ang bahagyang pagtigil ng lalaki nang lingunin siya. It was her chance to cope up with him. She ran as fast as she could.

Malapit na siya sa lalaki at tinangkang sipain ito. He blocked her kick with his arm. Nakasuot ng maskarang puti ang lalaki kaya hindi makita ang mukha nito. Ganitong-ganito ang maskara na nakita nila sa isang footage noong ma-kidnap ang isang batang babae na anak ng konsehal sa Manila. Sunod-sunod ang suntok na pinakawalan ni Jemimah, hindi natatakot kahit lalaki pa ang kalaban. Matagal na niyang kinalimutan ang takot. She needed adrenaline in her life. Kailangan niya iyon para matigil ang pagmumukmok at pagsayang sa buhay.

Pero wala ni isa sa mga suntok niya ang tumama sa lalaki. He had quick reflexes. Hinaharangan lang nito ang bawat suntok at sipa niya. Hindi rin nagpakawala ng suntok ang lalaki.

Sandaling tumigil si Jemimah bago nagkunwang susuntukin uli ito. But she tricked him. Sa halip na ang kanang kamay ang isuntok ay itinaas niya ang kaliwang binti para sipain ang mukha ng lalaki, dahilan para mapabagsak ito, naituon ang mga kamay sa sahig. Nakita rin ni Jemimah nang matanggal ang maskara nito.

Akmang aabutin ng lalaki ang maskara nang sipain niya iyon palayo kasabay ng pagbunot ng baril sa holster. "Stop moving, you bastard," usal niya. "Stand and put your hands up. Hindi ako mangingiming iputok ito sa ulo mo."

Tumayo naman ang lalaki, patalikod sa kanya. Nakasunod lang ang tutok ng baril dito.

"Put your hands up," muling utos ni Jemimah. "And turn around."

Mahabang sandaling nakatigil lamang ang lalaki. Dahan-dahan nitong itinaas ang mga kamay at pumihit paharap sa kanya.

Hindi inaalis ni Jemimah ang mga mata dito. Show your face now. Pagbabayaran mo ang mga ginawa mong krimen. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baril hanggang sa tuluyang makita ang mukha ng lalaki.

Jemimah's heart stopped beating, her mind stopped functioning, her whole world stopped moving as she stared at the man's... deep blue eyes...

🎉 Tapos mo nang basahin ang [Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood 🎉
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon