Chapter 27

1.3K 42 6
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

NAKATITIG lang si Jemimah sa labas ng bintana ng kanyang Fortuner at hindi na namalayang nakarating na pala sila sa bahay ni Felix Cruz sa Forbes Park.

"Kanina pa malayo ang tingin mo, ah?" tanong ni Mitchel nang makababa sila ng sasakyan. "Nagseselos ka ba dahil si Douglas ang pinili ni Ethan na makasama?" Sinabayan pa nito iyon ng tawa.

Tiningnan niya ng masama si Mitchel pero hindi na pinatulan. Nagtataka lang siya. Hindi naman pinipili noon ni Ethan na makasama ang ibang miyembro ng team, ngayon lang.

"Huwag kang mag-alala, siguro ay may dahilan si Ethan kaya pinili niya si Douglas." Kumindat pa si Mitchel bago pinindot ang doorbell.

Kumunot ang noo ni Jemimah. Mayroon ba siyang hindi nalalaman tungkol sa team? Inalis niya na muna ang isipan doon nang bumukas ang gate at batiin sila ng isang lalaki. Nagpakilala itong butler ng pamilya Cruz.

Kitang-kita sa malaking mansiyon at sa ganda niyon kung gaano kayaman si Felix Cruz. Dinala sila ng butler patungo sa pool area kung saan nakaupo sa isa sa mga table na naroroon si Felix Cruz habang umiinom ng wine.

Tumayo si Felix nang makita sila, nakipagkamay. "Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng bisita ngayong araw. You are?"

"Senior Inspector Jemimah Remington." Ipinakita niya sa lalaki ang police badge. "At ang kasama ko naman ay si Mitchel Ramos, ang profiler for SCIU."

Hindi nila napalampas ang pagkagulat sa mga mata ni Felix pero natakluban iyon ng isang ngiti. Inalok sila nitong maupo. "SCIU," mahinang usal ng lalaki. "Ano'ng kailangan niyo sa akin?"

Tiningnan ni Jemimah si Mitchel para hayaang ito ang kumausap sa lalaki.

"Siguro naman ay nababalitaan niyo ang nangyayaring bombings ngayon sa bansa na kagagawan ng killer na si Ash," pagsisimula ni Mitchel. "Nandito kami para sa kasong iyon."

"Ash..." Tumango-tango si Felix. "He's so famous now. Ano ang kinalaman niyon sa akin?"

"He left a letter mentioning a land," sagot ni Mitchel. "Isang lupa na ibinenta noon ni Leo Parfan. And that land turns out to be owned by your corporation now. Ang mga naging biktima ni Ash ay sina Carlo Abad, Luis Manahan at Leo Parfan kasama ang miyembro ng kanilang pamilya. Hindi ka ba nagtataka na lahat sila ay major shareholders ng Build Corporation?"

Hindi na naitago ni Felix ang pagkagulat. "H-hindi ko alam na naging biktima sila ng Ash na iyon." Sandali itong huminto. "Paano niyo nalaman na major shareholders sila ng kompanya ko? Have you been digging into my corporation's information?"

Si Jemimah na ang sumagot. "Kung makakatulong sa imbestigasyon namin ay kailangang gawin, Mr. Cruz. Now let me ask you a question. May alam ka bang posibleng dahilan kung bakit tinatarget ni Ash ang major shareholders ng Build Corporation?"

Kumuyom ang mga kamay ni Felix. "Wala akong alam," mariing sagot nito. "Is this an interrogation, Senior Inspector? Suspect na ba ako at kailangan nang tumawag ng lawyer?"

"This is not an interrogation, Mr. Cruz," ani Jemimah. "At hindi namin sinabi na pumunta kami rito na iniisip na suspect ka sa kasong 'to. We are here to warn you. Dahil baka isa ka sa mga target ni Ash."

Iniiwas ni Felix ang tingin. "Kaya kong protektahan ang sarili ko kung sakali."

"Sa tingin mo ba walang sariling security ang mga napatay ni Ash?" tanong ni Mitchel. "Don't underestimate him, Mr. Cruz. That killer had fooled the police force and army once."

"Because you're all incompetent," nang-uuyam na wika ni Felix. "I can take care of myself. Puwede na kayong umalis kung wala na kayong tanong. I am a very busy man."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon