Chapter 3

2K 72 4
                                    

Jemimah Remington Maxwell

"SANA magka-baby na kayo ni Ethan, Jemimah," narinig niyang wika ni Theia pagkalabas nila ng penthouse. Katatapos lang ng dinner na pinagsaluhan nila ng buong Cold Eyes team.

Pinamulahan ng mukha si Jemimah. Iyon din naman ang hinihiling niya. Mahigit tatlong buwan na rin silang kasal ni Ethan. Halos araw-araw ay inaangkin siya ng asawa. Gustong-gusto niya nang mabigyan ng anak si Ethan at makabuo sila ng masayang pamilya.

Pero hindi pinapairal ni Jemimah ang lungkot. Makukuha rin nila ang hiling na iyon. God always had His perfect timing.

Tumikhim siya. "Sigurado bang hindi mo na hihintayin matapos makipag-usap si Mitchel kay Ethan?"

Theia rolled her eyes. "Bakit ko naman hihintayin ang lalaking 'yon?"

Tumawa si Jemimah at hinayaan na lamang ang dalaga nang tuluyang magpaalam. Pagkapasok muli sa loob ng penthouse, tapos nang mag-usap sina Mitchel at Ethan.

Lumapit sa kanya si Mitchel. "Umalis na si Theia?" tanong nito.

Tumango siya.

Napailing ang binata. "Kailan ko ba mapapaamo ang babaeng 'yon?"

"Kaunting tiyaga lang, Mitchel," natatawang wika ni Jemimah. "Pero pinapaalala ko lang uli na isa ako sa makakalaban mo kapag pinagluran mo si Theia."

Ngumiti si Mitchel. "Yes, Senior Inspector." Sumaludo pa ito.

Tiningnan niya ng masama ang lalaki pero hindi na pinalawak ang usapin. Humugot ng malalim na hininga si Jemimah. "Wala ka pa rin bang naririnig tungkol kay Paul?"

Simula nang ikasal sila ni Ethan, hindi na rin muling nagpakita sa kanila si Paul. Sinabi lang ng ama nitong si Director Antonio Morales na pansamantalang nagbakasyon ang anak sa ibang bansa dahil na rin sa mga offers na trabaho doon. Ni minsan hindi man lang tumawag o nangumusta ang lalaki.

Alam ni Jemimah na nasaktan niya si Paul kahit hindi sinasadya. Kaibigan na ang turing niya sa lalaki at importanteng tao na rin sa buhay. Hindi niya gustong tuluyang hindi magpakita ang lalaki at masira ang team nila. But she also knew that he needed to heal. At kailangan niyang tanggapin ang kung anumang desisyon ni Paul.

"Siguradong nagpapaka-busy lang 'yon sa trabaho," nakangiting sagot ni Mitchel. "Huwag kang mag-alala, Jem. Time can heal all wounds, sabi nga ng iba. Let's give Paul some time to understand that you chose Ethan. Si Ethan naman talaga simula pa lang, 'di ba?" Kumindat pa ang lalaki.

Iniyuko ni Jemimah ang ulo para maitago ang pamumula ng mukha. Tama si Mitchel. Simula pa nang mabuo ang team nila, si Ethan na ang nakakuha ng atensyon at puso niya. Ang asawa lamang ang lalaking nanaising makasama habang-buhay. Wala nang iba.

"Sige na, aalis na rin ako," paalam ni Mitchel.

Tumango na lang si Jemimah, nagpasalamat sa lalaki. Nang mai-lock ang pinto ng penthouse, hinanap niya na ang kinaroroonan ni Ethan.

Nakatayo lang naman ang asawa sa bukana ng kitchen area, nakasandal sa dingding. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ni Mitchel, ah?" tanong ni Jemimah nang makalapit.

Nagkibit-balikat si Ethan. "Tinanong niya kung nag-iimbestiga pa ako tungkol sa Destroyer."

Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Bago sila maikasal ni Ethan, naikuwento na nito sa kanya ang napakasakit na pagkawala ng pamilya nito sa kamay ng serial killer na si Destroyer. Sinabi rin sa kanya ng asawa na ititigil na nito ang pag-iimbestiga sa kasong iyon para sa kanilang kaligtasan.

Iniyakap niya ang mga kamay sa baywang ni Ethan. "Sigurado ka ba na hindi ka na mag-iimbestiga?" tanong ni Jemimah.

"Ilang beses ko na bang nasagot ang tanong na 'yan?" natatawang tanong ng asawa. "Mas importante na ngayon para sa akin ang kapakanan mo. I don't want you to be in danger. Gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya ko pero hindi ko gustong ang maging kabayaran noon ay kaligtasan mo."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon