Jemimah Remington-Maxwell
PATULOY lamang ang pagdarasal ni Jemimah sa loob ng mga minutong dumaraan. Gusto niya nang pumasok sa bahay at alamin kung ano'ng nangyayari. What was taking Ethan so long? Bago siya lumabas ay wala nang treinta minuto ang nasa bomba.
Iginala niya ang paningin sa paligid. There were SWAT cars that kept on moving. Hindi alam ni Jemimah kung saan pupunta ang mga ito. Aalis na ba? Iiwan na lang ng ganito ang lahat?
Tiningnan niya si Mitchel na nasa tabi. "I should go inside. H-hindi ako mapapakali dito. K-kailangan nating tulungan si Ethan." Nasa boses na ni Jemimah ang desperasyon. "W-we can use force."
"No, Jemimah," mariing sabi ni Mitchel. "Alam mong hindi 'yon puwede. May hostage sa loob, kapag pumasok tayo ay mas lalo lang magagalit si Ash... si Danny. Mas maraming buhay ang mapapahamak."
Nakaramdam na ng galit si Jemimah. "At ano'ng gusto mong mangyari, Mitchel? Itaya ang buhay ng isa?! What is Ethan to you? A sacrifice?! Hindi ako papayag na—"
Isang malakas na pagsabog ang nakapagpatigil kay Jemimah. The explosion swept them off to the ground. Kitang-kita niya ang malaking apoy na lumalamon sa bahay ni Albert Gaces.
"N-n-no..." garalgal na wika ni Jemimah. "N-no... E-Ethan, no... No!"
Mabilis na tumayo si Jemimah at nagtatakbo papunta sa bahay. May mga pulis ang pumigil sa kanya pero hindi siya tumigil. She was good with taek won do and she used those skills to get them off her.
Pero nang sabay-sabay na ang mahigit limang mga lalaki na pumigil ay hindi na naigalaw ni Jemimah ang katawan. "No! No! Pakawalan niyo ako!" pagwawala niya, hilam na sa luha ang buong mukha. "S-si Ethan! Si Ethan nasa loob! K-kailangan natin siyang iligtas! K-kailangan kong pumasok sa loob," nagmamakaawa na siya. "P-parang awa niyo na... p-pakawalan niyo ako! Ethan!"
Nakadapa na si Jemimah sa lupa, hawak-hawak ng mga lalaki. Patuloy lang siya sa pagpupumiglas. Pakiramdam niya ay napakaraming mga kutsilyo ang sumasaksak sa puso ng mga sandaling iyon.
Hindi puwede! Hindi ito puwedeng mangyari! Kailangan niyang puntahan si Ethan. Kailangan niya itong ialis sa lugar na iyon, sa apoy! Hindi siya iiwanan ng asawa!
"E-Ethan!" Halos wala na siyang makita dahil sa luha at putik na nasa mukha. She could see firemen around. Maraming mga tao na rin ang nagkakagulo. "N-no...p-please... Oh, God, please..."
Jemimah's body shook. Her whole mind couldn't process anything. Ethan was still inside the house. Kailangan nitong lumabas.
Ethan... come out now... I'm waiting... Ethan, please... d-don't this to me... come out now... p-please... please... please...
No... no... y-you can't do this to me... you can't...
"Ethan!" patuloy lamang si Jemimah sa pag-iyak, pagsigaw sa pangalan ng asawa. Pero tanging ang apoy at usok lang ang kanyang nakikita. Nanghihina na ang kanyang katawan, hindi rin bitawan ng mga taong pumipigil.
Hindi siya iiwanan ni Ethan. Hindi iyon gagawin sa kanya ng asawa. Ethan... please, l-lumabas ka na... Lumabas ka na... Lord, please... s-save him... s-save my husband... please...
"JEMIMAH..."
Iminulat ni Jemimah ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ni Ethan. Ngumiti siya at ipinulupot ang mga braso sa leeg ng asawa. "Where have you been?"
Pinakatitigan ni Ethan ang kanyang mga mata. His blue eyes smoldered. "I'm going somewhere, baby... I love you..."
Kumunot ang noo ni Jemimah. May sinasabi pa ang asawa pero hindi niya maintindihan. Gusto niyang magtanong pero hindi na maibuka ang sariling bibig...
Nagising si Jemimah at agad na sumalubong sa paningin ang puting kisame. Pabalikwas siyang napabangon, iginala ang paningin sa paligid. Nakatayo sa gilid ng kamang kanyang kinahihigaan sina Paul, Mitchel at Douglas.
Noon lang na-realize ni Jemimah na nasa loob siya ng SCIU Infirmary. Marahas niyang kinalas ang nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay sa kabila ng pagpigil ni Paul.
Tumayo siya, napahawak pa sa ulo nang makaramdam ng pagkahilo. Pero pinilit ni Jemimah na magpakatatag. It was not time to be weak. "N-nasaan si Ethan?" tanong niya sa mga kasamahan. "S-saan siya dinala? S-saang ospital?"
Nakatingin lamang sa kanya ang mga ito, hindi sumasagot.
Sinulyapan ni Jemimah ang orasan na nasa bedside table. Nagulat pa nang makitang iba na ang date na naroroon. Mahigit isang araw siyang walang malay?!
Ibinalik niya ang tingin sa mga kasamahan. Nilapitan ni Jemimah si Mitchel, kinuwelyuhan ito. "Sagutin n'yo ako! Nasaan ang asawa ko?!"
Iniiwas ni Mitchel ang tingin sa kanya. There was pain and sorrow in his eyes. "I... I'm sorry, Jemimah..." Bahagya pang pumiyok ang lalaki.
Umiling siya, tiningnan sina Paul at Douglas na parehong nakayuko ang ulo. "S-stop t-this..." garalgal na wika niya. "A-ano bang ginagawa n'yo? T-tigilan n'yo na ang pagbibiro! Hindi nakakatawa!"
"T-there were t-three bodies, Jemimah," malungkot na wika ni Douglas. "At... at kinumpirma na ng autopsy ang... ang katawan ni Ethan."
"No!" Galit na galit niyang sinampal si Douglas. Pilitin man ay hindi napigilan ni Jemimah ang mga luha sa pagpatak. Pinukpok niya ang kaliwang dibdib para alisin ang pamimigat niyon. "W-what the hell are you saying? H-hindi patay si Ethan. K-kinausap niya ako! Narinig ko ang boses niya kanina!"
Akmang hahawakan siya ni Mitchel nang iiwas ni Jemimah ang katawan, punong-puno ng talim ang mga mata. Lumabas siya ng infirmary at naglakad patungo sa kinaroroonan ng Examiner's Office.
Hindi siya naniniwala sa mga kasamahan. Hindi siya iiwan ni Ethan. Nangako ito na babalik. Pabalibag na binuksan ni Jemimah ang pinto ng Examiner's Office.
Dumeretso siya sa pinakaloob kung saan isinasagawa ang autopsies. Nagulat si Barbara Santiago nang makita siya. Pinaalis nito ang mga kasamahan.
Iniiwas ni Jemimah ang tingin sa tatlong table kung saan nakapatong ang tatlong sunog na katawan ng mga tao. "B-barbara... s-sabihin mo sa akin na... na hindi totoo ang sinabi nila..." Nagmamakaawa na siyang tumingin sa babae. "P-please... h-hindi si Ethan ang... ang isa sa mga 'yan, 'di ba?"
Iniyuko ni Barbara ang ulo, pumatak na ang mga luha sa mukha. "J-Jemimah... h-hiniling ko rin na... na hindi sa kanya ang isa sa mga katawang ito. Nakumpirma namin ang mga katawan nina Albert Gaces at Danny Abellana. A-and t-the middle one is Ethan's." Pumiyok ang babae. "It... it matches his profile... his DNA. I... I'm sorry, Jemimah."
Patuloy pa rin siya sa pag-iling. Bakit ba nagsisinungaling ang mga taong ito sa kanya? Was this some kind of a prank? That body was not Ethan's! It was not her husband!
Lumakad si Barbara patungo sa isang tray na nakapatong sa mesa. "Ito ang mga... n-nakuha kasama ng mga bangkay."
Tiningnan ni Jemimah ang laman ng tray. Natuon ang paningin niya sa isang bagay na napapaguho sa natitirang lakas ng katawan. Bumagsak siya ng upo sa sahig, nakatulala habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha na parang dam.
It was Ethan's wedding ring. Kilala niya ang singsing na iyon. Kilala ng puso at isipan niya. No... no...
Jemimah couldn't say anything. She couldn't feel anything at all. Her heart rots away. Hindi niya maipaliwanag ang matinding sakit na bumabalot sa puso. She felt like everything was taken away from her, even her life.
How could Ethan do this to her? How could he hurt her like this? Hindi matingnan ni Jemimah ang sinasabing katawan ng asawa na nasa autopsy table. Hindi niya iyon matitingnan habang-buhay. Hindi niya matatanggap ang lahat ng ito. Mamamatay siya kapag ginawa iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misteri / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...