Chapter 38

1.2K 45 6
                                    

Bianca Cuares

MAINGAT na isinara ni Bianca ang pinto ng kanyang apartment at inilapag sa mesita ang mga librong babagong bili. Napatigil siya sa paghakbang na makitang nakasandal sa dingding ang taong kumupkop sa kanya sa loob ng ilang taon – si Marco Pulo, isang dating Senior Inspector para sa National Bureau of Investigation.

"Saan ka nanggaling, Bianca?" tanong ni Marco, may pag-aalala na sa tono. "Hindi ba sinabi kong delikado ang lumabas nang gabi na?"

Naupo si Bianca sa isang couch. "Bumili lang ako ng libro." It had been more than seven years since Marco Pulo adopted her. Nasa high school pa lang siya noon.

Umupo naman sa tapat niya si Marco. "Nagpunta ka na naman ba sa kanya?" tanong nito.

Iniyuko ni Bianca ang ulo. "G-gusto ko lang naman siyang... m-makita. S-siya na lang ang... n-nag-iisang kadugo ko."

Mahabang sandaling hindi niya narinig ang pagsasalita ni Marco. Nang tingnan niya ang lalaki ay may makikitang kalungkutan sa mukha nito.

"Nabalitaan mo ba?" mayamaya ay tanong ni Marco.

Tumango siya. "He's back... the Destroyer... the one who killed my parents..."

Itinigil ni Anna ang pagbabasa ng libro nang makita ang pagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto. Pumasok sa loob ang kanyang Papa Jordan. Nagtaka pa siya sa pag-aalalang nasa mukha ng ama.

"W-wala ka bang... p-pasok ngayon, Anna?" tanong ng ama.

Umayos ng upo si Anna sa kama. She was fourteen and studying in high school. "Holiday ngayon, Papa," natatawang paalala niya. "Bakit po?"

Ngumiti ang ama. "Oo nga pala." May ipinakita sa kanya si Papa Jordan – isang glass bottle na may lamang buhangin at papel sa loob. "Naalala mo pa ba ang isang park na malapit dito?"

Tumango-tango si Anna. "We always go there for picnic." Sinulyapan niya ang bote. "May isang malaking puno din doon kung saan natin ibinabaon sa lupa ang mga boteng ganyan. Nakasulat sa loob niyan ang mga wishes natin, 'di ba, Papa?"

Hinaplos-haplos ng ama ang kanyang buhok. "Masaya akong naaalala mo pa."

Lumabi si Anna. "Bakit naman hindi? It's about our family." Humalukipkip siya. "Kung hindi lang pumasok sa Special Forces si Kuya, palagi sana tayong buo."

Tumawa lang naman si Papa Jordan.

"Nasaan ba si Kuya ngayon?" tanong ni Anna.

"Namimili siya ng regalo para sa Pasko."

"Regalo?" Nagningning ang mga mata niya. "Dapat pala sumama ako sa kanya."

Ilang saglit na nakatitig lang sa kanya ang ama bago nito ipinahawak sa kanya ang bote. "May ipapagawa sana ako sa'yo, anak. Bury this bottle in that park, Anna. Doon sa... talagang hindi makikita."

Tiningnan ni Anna ang glass bottle na hawak. Kalahati niyon ay buhangin, may naka-rolyong papel din sa loob. "Ako lang mag-isa? Bakit? Is this your wish, Papa?"

"It is a very important wish, Anna," seryosong wika ng ama. "Do not lose it." May kinuha si Papa Jordan sa wallet na nasa bulsa – mga lilibuhing pera. "Now after the park, pumunta ka sa mall para mamili ng mga regalo. Ang tira sa perang ito ay itago mo. That's my Christmas present for you, sweetie." Bahagya pa itong pumiyok.

Hindi makapaniwala si Anna na binibigyan siya ng ama ng maraming pera. Tiningnan niya ito. "Aalis ba kayo, Papa?"

Natigilan si Papa Jordan pero agad namang ngumiti. "Hindi." Dinampian nito ng halik ang kanyang noo. "I love you, our little princess."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon