Ash
NIYAKAP ni Ash ang girlfriend na si Rain nang makapasok sa loob ng apartment na tinutuluyan nito. "I did it, babe," masayang balita niya. "I fooled them. Lahat sila."
"Alam ko." Ginantihan ni Rain ang yakap niya. "It's all over the news."
Hinila niya ang nobya paupo sa couch. "Malaki rin ang naging tulong mo. Kumusta ang lalaking binayaran mo para pumalit sa humahawak sa sniffing dog? Sigurado bang hindi siya magsasalita o mahuhuli katulad ng Jimbo Cuello na 'yon?"
"I'm sorry about Cuello," wika ni Rain. "Hindi siya naging maingat. Pero huwag kang mag-alala, pinalayo ko na ang lalaking binayaran ko para maiiwas ang sniffing dog sa sasakyan ni Parfan na may bomba. The money was enough to send him far."
"Salamat," bulong ni Ash, hinaplos ang buhok ng nobya. "Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa mga plano ko kung wala ang tulong mo."
"Alam mong ito ang gusto ko. At gusto ring makatulong ng grupo ko sa kahit na anong paraan." Ngumiti si Rain. "We will fight with you, Ash. Para sa ikagaganda ng mundong ito."
Naupo si Rain sa kandungan niya, pinaglaro ang mga kamay sa kanyang dibdib. "So how did you do it this time?" tanong nito.
Ngumisi si Ash. Gustong-gusto ni Rain tuwing nagkukuwento siya ng patungkol sa mga pinapatay. "It's not that hard, babe, lalo na kapag pinagplanuhang mabuti..."
Pumasok si Ash sa loob ng isang kilalang bar sa Quezon City. He was wearing a dark blue long-sleeved polo and trousers, wala nang necktie. Napansin niya pa ang ilang mga babaeng nakasunod ang tingin sa kanya. Some of them even asked to dance pero tinanggihan niya. Nagpunta siya rito hindi para magsaya.
Lumapit si Ash sa table ni Rick Parfan – ang nag-iisang anak ni Leo Parfan. May kahalikan itong isang babae. Tumikhim siya para ipaalam ang presensiya.
Naghiwalay ang dalawa, naiinis pang tumingin sa kanya si Rick. Pero agad din itong tumayo nang makilala siya. "Pare," bati nito. "Ano'ng ginagawa mo dito? Long time no see, ah?"
"Yeah," maikling sagot ni Ash. "Napadaan lang ako dito at nakita kita." Ang totoo, ilang araw niya na itong sinusundan.
"Wanna drink?" tanong pa ni Rick. "Ang tagal ko na ring hindi nakakabisita sa bahay n'yo." Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. "Nagtatrabaho ka na ba ngayon sa—"
"Kumusta nga pala ang real estate business n'yo?" putol ni Ash dito. "Mabuti at nakita kita dito, may ilan akong kakilala na naghahanap ng lupa. Baka gusto mo silang makilala."
Kumislap ang mga mata ni Rick. "Why not?" Napakamot ito sa ulo. "Medyo mahina rin ang business ngayon."
Ngumiti si Ash. "Why don't we go outside and talk? Medyo maingay din kasi dito."
Tumawa si Rick. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Still then good boy, huh?" Tiningnan nito ang kahalikang babae kanina at sinabing babalik.
Nakasunod lang naman kay Ash ang lalaki hanggang sa makalabas sila ng bar.
"Oh, nasa sasakyan ko nga pala ang listahan ng mga gustong magpahanap ng lupa," aniya. "Doon na rin tayo mag-usap."
Hindi naman tumutol si Rick. Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ay nagkunwang may hinahanap si Ash sa briefcase na naroroon.
"Puwede mo bang kunin sa backseat ang isa pang briefcase?" tanong ni Ash.
Tumango si Rick na nakaupo sa passenger's side. Inabot nito sa backseat ang briefcase na tinutukoy niya. Habang ginagawa iyon ng lalaki ay inilabas naman ni Ash ang syringe sa briefcase na hawak at isinasaksak sa likod ng lalaki.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misteri / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...