Chapter 7

1.6K 52 0
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

MAINGAT na bumaba si Jemimah sa kama at lumapit sa working desk kung saan doon nakaupo ang asawang si Ethan. Nakatalikod ito sa kanya at abala sa paglilinis ng isang baril.

Napangiti siya at niyakap ito mula sa likod. Nakasuot lamang si Jemimah ng puting long-sleeved polo na damit pa ni Ethan. "Talagang alagang-alaga mo ang mga 'yan, ah?" malambing na wika niya.

Mahinang tumawa si Ethan. "Hinihintay lang talaga kitang magising," aniya. "Tinanghali ka na."

Lumabi si Jemimah. "Pinagod mo ako kagabi," bulong niya, namumula ang mukha.

"But you like it," nakangising wika ni Ethan.

Bumilis na naman ang kabog ng puso ni Jemimah. Ipinihit niya ang swivel chair na kinauupuan ng asawa paharap sa kanya, pagkatapos ay naupo sa kandungan nito.

"I love it," she murmured. Inihilig ni Jemimah ang ulo sa balikat ng asawa. "Iniimbitahan nga pala tayo ni Mama na mag-dinner sa bahay nila."

Tumango si Ethan. "Gusto ko ring makumusta si Marky."

"Mukhang mas close pa sa'yo ang kapatid ko kaysa sa akin," naiiling na puna ni Jemimah.

Hinaplos-haplos ng asawa ang kanyang buhok. "He loves you. Hindi lang niya masabi at maparamdam. Palagi ka niyang kinukumusta sa akin. Minsan nga hiniling pa ni Marky na sabihan kitang tumigil na sa pagpupulis."

Napatawa siya. "Para siyang si papa." Humugot ng malalim na hininga si Jemimah bago tiningnan ang asawa. "Hihilingin mo rin ba na tumigil ako sa pagpupulis?"

Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Ethan. Umiling ito. "Hindi ko 'yon hihilingin. Kung gusto mo ang trabaho mo, hindi ko tututulan 'yon. I'll just ask that you take good care of yourself. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nasaktan ka."

Nangilid na ang mga luha ni Jemimah. She loved her job. Matagal niya nang pangarap na makatulong sa pagbibigay ng katarungan sa mga taong nangangailangan niyon. Pero kung kinakailangan niyang isakripisyo ang propesyon para kay Ethan at sa bubuuin nilang pamilya, gagawin niya. Ganoon kamahal ni Jemimah ang asawa.

Naputol ang pagtititigan nila ni Ethan nang tumunog ang cell phone ni Jemimah. Tumayo siya at kinuha ang aparato sa mesa. Ang direktor ng SCIU na si Director Antonio Morales ang tumatawag.

"Sir?" sagot ni Jemimah.

"Maxwell," bungad ng direktor. "Alam kong naka-off duty ka ngayon pero may importanteng kaso ibinigay sa team niyo. Gusto kong magpunta ka ngayon dito sa headquarters."

"Sige po, Sir," aniya saka tinapos na ang tawag. "Kailangan kong pumunta sa headquarters, may bagong kaso daw na hahawakan ang team."

"Ihahatid na kita," ani Ethan, tumayo. "Sabay na rin tayong mag-shower."

Nag-init ang mukha ni Jemimah pero hindi naman tumutol nang hilahin siya ng asawa patungo sa loob ng banyo.

INABOT ni Director Morales kay Jemimah ang isang folder na naglalaman ng impormasyon sa kasong hahawakan ng team nila. Nasa loob sila ng opisina ng direktor sa SCIU, katabi niya ang asawang si Ethan.

"Mukhang alagang-alaga mo talaga itong asawa mo, Ethan," nakangiting wika ni Director Morales. "Ngayon lang kita nakitang nagpunta rito sa opisina ko para tumanggap ng isang kaso."

"Wala rin naman akong ginagawa, hiniling ni Jemimah na hintayin ko na siya," sagot ni Ethan.

Tumango-tango si Antonio, ibinalik ang tingin kay Jemimah. "This case is very important for SCIU, Senior Inspector."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon