Ethan Maxwell
BINUKSAN ni Ethan ang pinto ng penthouse nila ni Jemimah. A strong smell greeted him. Mabilis niyang tinakluban ang ilong. "Jemimah!" sigaw niya, nagmamadaling pumasok sa loob.
Ganoon na lang ang takot na bumalot sa kanyang puso nang makita sa sahig si Jemimah. Nilapitan niya ang asawa, nakita pa ang isang basket ng bulaklak na hindi kalayuan dito. Doon marahil nanggaling ang malakas na amoy na bumati sa kanya.
Binuhat ni Ethan si Jemimah, pigil ang hininga para hindi malanghap ang kung anumang gamot ang nasa bulaklak na iyon. Nagmamadali siyang lumabas ng penthouse, patungo sa elevator.
Inilapag niya sa sahig ng elevator si Jemimah. "B-baby..." marahang niyugyog ni Ethan ang asawa. Naninikip na ang kanyang dibdib dahil sa matinding takot. "J-Jemimah... w-wake up... please..."
Hinawakan niya ang leeg nito. There was still a pulse, thank God. Niyakap ni Ethan ng mahigpit si Jemimah, pinipigilan ang sarili na mapaiyak. He was so scared. Sino... ang gumawa ng ganito sa asawa? Sino?!
Nang bumukas ang elevator sa ground floor ay agad na niyang binuhat muli si Jemimah para magtungo sa kinapaparadahan ng sariling sasakyan. Pinaharurot niya iyon. Kailangan nilang makarating kaagad sa ospital.
Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ng mga kamao ni Ethan sa manibela. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang gumawa ng ganito sa asawa. Hindi siya titigil hangga't hindi nakikilala kung sino iyon.
Pagkarating sa Emergency, nakasunod lang si Ethan sa stretcher na nagdala kay Jemimah papasok sa loob. Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay habang naghihintay sa waiting area. It had been a long time since he prayed to God. Pero ginagawa niya ngayon.
Ipinagdarasal ni Ethan na walang mangyaring masama kay Jemimah. Hindi siya papayag na mawala ng ganito ang asawa. Mahal na mahal niya ito. Gusto niyang maintindihan kung bakit nangyayari ito. Sino ang gumawa nito? Was it Ash? Idinadamay na rin ba ng hayup na iyon ang iba?!
Mahigit isang oras siguro siyang naghintay doon nang lumabas na ang doctor na tumingin sa asawa. Mabilis na tumayo si Ethan. "How is she?"
"She just lost consciousness," sagot ng doktor. "But she will be fine. Hindi mo na kailangang mag-alala. Mayamaya ay siguradong magigising na rin siya."
Bahagya namang nakahinga ng maluwag si Ethan. "Ano'ng... nangyari sa asawa ko?"
Bumuntong-hininga ang doktor. "She's been drugged. She inhaled something that made her lose cosciousness. I found some traces of ketamine in her system. It can make someone lose cosciousness in an instant. Posible rin na maging malabo ang alaala niya sa kung paano nangyari sa kanya ito."
Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ng kamao ni Ethan. Nagpasalamat siya sa doktor. Pinuntahan niya ang asawa na hindi pa rin nagkakamalay.
Inabot ni Ethan ang kamay ni Jemimah at hinalikan iyon. "Thank you..." bulong niya. "I promise... h-hindi ko na uli hahayaang masaktan ka. Magbabayad ang gumawa sa'yo nito, Jemimah."
Mahabang sandaling pinagmasdan niya ang mukha ng asawa. Ipinangako ni Ethan na poprotektahan niya si Jemimah pero ano itong nangyayari? Ilang beses na itong nasaktan dahil sa kasong ito. They shouldn't have taken this case. No, dapat ay hiniling niya na lang na tumigil na ang asawa sa trabaho.
Pero ano pa bang magagawa niya? Kailangan nilang tapusin ang kasong ito. Kailangan niyang masigurado ang kaligtasan ni Jemimah sa kahit na anong paraan.
NAGPASALAMAT si Ethan sa mga pulis na tinawagan niya kanina para tingnan ang penthouse nila ni Jemimah.
"Dadalhin namin ang mga nakuhang bulaklak sa forensics para malaman kung may makukuha pang ebidensya," sabi ng isang pulis.
Tiningnan niya ang isang sampling bag na hawak ng pulis, may laman iyong puting envelope. "Kasama ba 'yan ng bulaklak?" tanong niya.
Tumango ang pulis. "Sulat. Pero hindi pa namin nabubuksan. Mukhang hindi pa rin nabubuksan ng asawa mo."
"Can I see it first?"
Nagkibit-balikat lang naman ang pulis at ibinigay sa kanya ang envelope. Pumasok si Ethan sa loob ng penthouse at doon binuksan ang envelope. May laman iyong isang sulat.
Hindi ba napakasakit na makitang nasasaktan ang taong mahalaga sa'yo? Na makitang nahihirapan siya? But don't worry, Maxwell. This is just a warning.
No one can defeat me. No one can scare me. Alam ko na may iniwan ang ama mo. At gusto kong malaman mo na matutulad sa kanya ang mga taong masyadong obssessed sa akin.
I should've killed you back then too. Pero hindi na naman mahalaga iyon. Everyone who tries to find me will end up dead. Including the people around them.
Take good care of your wife, Ethan Maxwell. Siya na lang ang natitira sa'yo, 'di ba?
DESTROYER.
Galit na galit na nilamukos ni Ethan ang sulat. His whole body was shaking. Ang taong gumawa ng ganito sa kanyang asawa ay hindi si Ash kundi si Destroyer!
Malakas na napasigaw si Ethan sa galit. Pinagbabasag niya ang mga gamit na naroroon, sinuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kamay. How dare he?! How dare that monster hurt Jemimah?!
Pinilit ni Ethan na tumayo ng maayos at lumakad patungo sa secret room na dating kinalalagyan ng mga imbestigasyon niya sa Destroyer. Lahat ng nakakabit sa dingding na iyon ay natanggal na, naitago sa locked metal cabinet sa sulok.
Humakbang siya palapit sa cabinet, hinaplos ang padlock niyon. He stopped investigating. Gusto niyang maging masaya sila ni Jemimah kaya itinigil niya ang pag-iimbestiga sa walang pusong serial killer na ito.
Kinuha ni Ethan ang cell phone na nasa bulsa ng pantalon, may tinawagan. Pagkatapos makipag-usap ay puno ng kalamigang nakatitig lang siya sa cabinet. Destroyer... Hindi siya tatantanan ng nakaraan, tama? Kahit ano'ng gawin ay babalik at babalik pa rin iyon.
Mahabang sandaling nakatitig lamang siya doon hanggang sa marinig ang tunog ng doorbell. Lumabas si Ethan at pinagbuksan ang bisita – si Marco Pulo.
"May nakasalubong akong mga pulis kanina pagpasok ko sa lobby. May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Marco. "Nasaan ang asawa mo?"
"Nasa ospital," malamig na tugon ni Ethan. Ipinakita niya sa lalaki ang hawak na sulat.
Shock registered in Marco's face. "Napakasama niya talaga," galit na sabi nito. "Kumusta si Jemimah? Hindi ba malala ang nangyari sa kanya?"
"She'll be fine, iyon ang sabi ng doktor." Muli na namang nanumbalik ang galit sa puso ni Ethan, ang sakit. Ganitong-ganito rin ang naramdaman niya noon nang mawala ang pamilya sa kamay ni Destroyer. "Mahal na mahal ko si Jemimah. Mahal na mahal ko siya. She's the only one I have, Marco. Pero bakit? Why did that monster hurt my woman?!" He cursed and cursed. "No... no way... not her... n-not her..."
Hinawakan ni Marco ang kanyang mga balikat. "Ethan... calm down, hijo. Calm down..."
Hindi pa rin kumalma si Ethan, nanginginig ang buong katawan. "That fucking monster... I don't want to hear anything from him again. At isa lang ang paraan para mangyari iyon, para hindi niya na muling masaktan si Jemimah." Puno ng kalamigan, ng poot ang mga mata at boses niya. The anger in his heart was overflowing. There was no way to control it. "Ibabalik ko sa hayup na 'yon ang lahat ng sakit na ito. Gusto kong makita niya na hinding-hindi ako magpapatalo. I will never leave him alone. I will... kill him."
Humigpit na ang mga kamay ni Marco sa kanyang balikat, makikita ang pagkaawa sa mga mata nito. "Susuportahan kita, Ethan. Alam mong gagawin ko 'yon alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Jordan."
He would find the Destroyer no matter what it takes. Gagawin niya ang lahat para mailayo si Jemimah sa panganib. Kahit na isakripisyo niya pa ang sariling kasiyahan.
Grace and happiness was given to him. And it was everything to someone like him who deserves nothing. Jemimah was his everything. And he would trade his life for hers. Hinding-hindi magbabago iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystère / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...