Chapter 51

1.3K 55 7
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

KAHARAP ngayon nina Jemimah si Melissa Bennett – ang head ng Forensics na nag-examine sa mga kalansay na nakita nila sa kinatayuan ng Royale Star Casino & Mall.

"Ayos ka na ba talaga, Jemimah?" tanong ni Melissa.

Tumango siya. "I'm fine." Ilang beses niya na bang isinagot iyon sa mga taong nakakausap? Minor injuries lang naman ang natamo niya sa engkuwentro nila kahapon. Hindi gusto ni Jemimah na manatili ng matagal sa ospital at sayangin ang oras.

Sumulyap siya kay Ethan. Wala naman itong sinabi. Kahit noong magpumilit siyang ma-discharge sa ospital ay hindi tumutol ang asawa. Pero alam ni Jemimah na nag-aalala pa rin ito. He never left her side since then.

"Alright, let's begin," ani Melissa. "In-examine namin ang mga remains na ibinigay niya. Mahigit fifteen years na ang mga butong iyon na nakabaon sa lupa. Halos lahat ay hindi pa rin namin ma-identify. Pero..." Sumulyap ang babae kay Ethan. "Noong ibigay niyo ang mga kalansay ay sinabi sa amin ni Ethan na alamin kung isa sa mga kalansay na 'yon ay magma-match sa DNA ni Fernando Espadero."

Fernando Espadero? Hindi ba iyon ang dating may-ari ng lupang kinatatayuan ng Royale Star Casino & Mall? Hindi ba at base sa impormasyon ni Fernando Espadero, nag-migrate na ito sa Australia kasama ang buong pamilya?

"Mukhang tama ang kung anumang hinala mo, Ethan," dugtong ni Melissa. "Nag-match ang isa sa mga remains sa DNA ni Fernando Espadero."

Nagulat si Jemimah. Ibig sabihin ay hindi nag-migrate sa Australia si Espadero? He had been dead for those fifteen years? He and his... family?

Hindi pa rin siya makapagsalita hanggang sa makalabas ng Forensics Office. Tumingin si Jemimah kay Ethan, nagtatanong ang mga mata.

"It's suspicious for me," sagot ni Ethan sa tanong sa kanyang isipan. "Na bigla na lang nag-migrate ang pamilya ni Fernando Espadero sa Australia fifteen years ago matapos maibenta ang 35-hectare land na iyon. And since then, wala pang record na bumalik sila. Something is wrong. At mukhang tama ang hinala ko na namatay ang pamilya ni Espadero dahil sa lupa. Kailangan nating malaman kung ano'ng nangyari noon. At kung paanong napunta sa Build Corporation ang karapatan sa lupang iyon."

Mukhang sinagot naman ang hiling nila nang makatanggap ng tawag si Jemimah sa isang unregistered number. Sinabi ng caller na gusto nitong makipagkita sa team nila.

"Bakit namin gagawin 'yon?" tanong niya, seryoso.

"Dahil sinabi ko noon na gusto kong tumulong, 'di ba?" sagot ng caller, boses ng isang lalaki. "Nabasa ko sa diyaryo na may nakitang isang hidden grave sa San Fernando, Pampanga. Kung gusto niyong malaman ang lihim na itinago doon, makikipagkita kayo sa akin."

"Who the hell are you? At paano mo nalaman ang tungkol doon?"

"I am Veno. Isa ako sa nakaligtas sa bangungot na iyon. Pamangkin ako ni Fernando Espadero."

Nagulat si Jemimah, napatingin sa mga kasamahan. Wala siyang ibang magagawa kundi ang makipagkita dito. "Saan mo gustong makipagkita?"

Sinabi ni Veno ang isang address. "That's my own place. Huwag n'yong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. Hindi niyo gugustuhing maunahan na naman kayo ni Ash, 'di ba?"

Tinapos na ni Jemimah ang tawag. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago sinabi sa mga kasamahan ang tungkol doon. They were getting closer and closer to the truth. Kasabay niyon ay ang paglapit din nila sa panganib.

"How about Cassy Abad?" tanong ni Jemimah kay Douglas. Noong i-raid nila ang hideout ni Cyrille Gabo at ng VOTP group sa Parañaque City, nakita rin sa isang kuwarto doon si Cassy Abad.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon