Chapter 37

1.3K 49 15
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

BINUKSAN ni Jemimah ang pinto ng penthouse nila at nagulat pa nang makita ang isang hindi inaasahang bisita – si Lieutenant Kevin Pascua.

"Pasensiya na sa maagang pagbisita, naabala ko ba kayo?" tanong ng lalaki.

"Hindi naman. Hinihintay lang namin ang ibang kasama sa team. Si Ethan ba ang kailangan mo?"

Umiling si Kevin. "Nandito ako para sa iniimbestigahan n'yong kaso."

Nagulat si Jemimah.

"Interesado na ba ang Army ngayon sa serial killer na si Ash?" narinig nilang tanong ni Ethan mula sa likod.

Pinapasok ni Jemimah si Kevin sa loob. Nang makaupo sila sa couch ay nagsimula na ang lalaki.

"It's about Felix Cruz. Mayroon akong kasamahan sa Army na umaming binayaran siya ni Felix para maglabas ng iba't ibang components sa paggawa ng bomba. Ipinadeliver iyon sa bahay ni Cruz noong araw na namatay siya."

Bakit kakailanganin ni Felix Cruz ang mga components sa paggawa ng bomba?

"Bakit umamin ang kasamahan mong 'yon ngayon? Hindi ba siya natatakot na matanggal sa serbisyo at makasuhan?" tanong naman ni Ethan.

"Because of conscience, Maxwell," sagot ni Kevin. "Nasilaw lang siya sa malaking halaga na in-offer ni Cruz. Kailangan ng pamilya niya ang pera. Hindi niya rin inakala na iyon ang magiging dahilan ng pagkamatay ng pamilya ni Felix. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, makakatulog ka ba gabi-gabi?"

May punto naman si Kevin. "Pero imposibleng ang mga components na 'yon ang dahilan ng pagsabog ng bahay ni Felix Cruz. Why would he do that?" tanong ni Jemimah.

Bumuntong-hininga si Ethan, ilang saglit na nag-isip ito. "What if Ash was threatening him? Nahuli natin si Adrian Baltazar, ang bumibili ng components ng mga bomba para sa kanya. There was no other way for Ash to buy those things without being traced. At mukhang ayaw niya nang magbayad ng mga tao bilang pag-iingat. So he decided to use Felix Cruz. May mga contacts siya sa Army, tama ba?"

Tumango si Kevin. "Mayaman at makapangyarihan si Felix. Madali lang para sa kanya ang humiling ng kahit ano at magbayad ng napakalaking halaga."

"Nararamdaman ni Ash na unti-unti na nating nate-trace ang mga hakbang niya," sabi pa ni Ethan. "At natatakot na siya. Kahit hindi niya aminin."

"Gaano karami ang components na naibigay kay Felix Cruz noon?" tanong ni Jemimah kay Kevin.

"Enough to make two bombs."

Two bombs? Dalawa pa ang pangalan na nakalista sa major shareholders ng Build Corporation. Pero patay na si Michelle de Chavez. Ibig sabihin ay ang pamilya ni de Chavez ang nasa panganib.

"Tama lang na binigyan natin ng police security ang dalawang pamilyang nasa target ni Ash kahit pa tumanggi sila," ani Jemimah sa asawa.

Tumingin si Ethan kay Kevin. "Salamat sa impormasyon."

Bahagya lang namang tumango si Kevin. Then, Jemimah's phone rang. Sinagot niya ang tawag mula kay Mitchel.

"Nakita niyo ba ang headlines ng diyaryo ngayon?" bungad na tanong ni Mitchel.

"Hindi pa," nagtatakang sagot ni Jemimah. "Bakit?" Please don't tell me na may bago na namang biktima si Ash.

"Turn on the T.V. It's all over the news, Jem," may pagmamadali na sa boses ni Mitchel.

Sinunod niya ang binata. Bumungad sa kanila ang isang breaking news.

"Isang lalaki ang tumawag sa NBI na nagsabing nakakita siya ng putol-putol na parte ng tao na nakasilid sa isang black garbage bag sa isang junkyard garden sa Caloocan. Base sa indentification cards na nakita sa loob din ng garbage bag, isang babaeng nagngangalang Kristina Lopez ang biktima..."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon