Chapter 28

1.2K 45 10
                                    

Theia 'Red' Mendoza

BINUKSAN ni Theia ang pinto ng kanyang apartment at nagulat pa nang makita si Mitchel. Ngumiti ang lalaki, itinaas ang isang box ng pizza na dala. "Can I come in?" tanong nito.

Niluwagan ni Theia ang pagkakabukas ng pinto para hayaang makapasok si Mitchel. Bahagya pa siyang nakaramdam ng pagkailang. Dati-rati kasi ay basta na lang pumapasok ang binata. Ano ba talaga ang problema ni Mitchel?

Naupo ang binata sa couch, sumunod lang naman si Theia. Awkward silence filled the whole room. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya gusto kapag umaakto ng ganito si Mitchel.

Tumikhim ang lalaki. "I came here to apologize, Theia. H-hindi ko dapat ginawa iyon noon. I'm sorry."

Nahihimigan ni Theia ang kaseryusohan sa boses nito. Hindi niya naman gustong maging awkward ang lahat sa kanila kaya tinanggap na ang paghingi nito ng tawad.

"Kalimutan na lang natin 'yon, Mitchel. Hindi ko man maintindihan kung bakit umakto ka ng ganoon, kakalimutan ko na lang."

Tumingin na sa kanya si Mitchel. There was nothing but pure seriousness in his handsome face. "Nagseselos ako, Theia. Iyon ang dahilan kaya nagawa at nakapagsalita ako ng ganoon noon. Hindi ko gustong tumitingin ka sa ibang lalaki, nagbibigay ng atensyon sa kanila."

Hindi naitago ni Theia ang pagkagulat. Pumasok sa isipan niya na baka nagseselos si Mitchel pero piniling huwag i-entertain iyon.

Yumuko siya. "Dahil kay Jayden? Gusto ko lang kausap si Jayden. He's very nice and—" Teka, bakit ba siya nagpapaliwanag sa binata?

"Ni minsan hindi ka tumawa ng ganoon tuwing kasama mo ako," malungkot na wika ni Mitchel. "You seem to like him a lot."

Oo, gusto ni Thea si Jayden pero bilang kaibigan lamang. Masayang kausap si Jayden kahit sandali pa lang na nakilala. Hindi ito katulad ni Mitchel na puro hirit at pambobola lamang ang alam. But despite that, hindi maintindihan ni Theia kung bakit namimiss niya si Mitchel tuwing hindi ito nakakasama.

Pero hindi niya iyon sasabihin sa binata. "Wala kang dapat ipagselos, Mitchel. Unang-una, wala naman tayong relasyon."

Sandaling nakatitig lang sa kanya si Mitchel bago ito ngumiti. "Right. Hindi ko rin nga alam kung kaibigan ang turing mo sa akin."

May nahimigang pait si Theia sa tinig ng binata. Tiningnan niya ito nang tumayo na at magpaalam. "M-Mitchel..." pigil niya sa lalaki.

Tumigil lang si Mitchel pero hindi lumingon sa kanya.

"I..." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Y-you're also my... my friend, Mitchel. K-kayo lahat sa... sa team... n-ninyo."

"Natin," pagtatama ng binata. "Kasama ka sa team, Theia. Huwag mong isipin na saling-pusa ka lang dahil hindi opisyal ang pagiging miyembro mo."

Biglaan ang pagbilis ng tibok ng puso ni Theia nang makita ang pagngiti ni Mitchel. No, hindi dapat ganito ang nagiging reaksiyon niya. Hindi ito tama.

Pinilit ni Theia ang ngumiti para hindi makita ni Mitchel ang nagagawa ng ngiti nito sa kanya. "Salamat."

Lumapit na sa kinauupuan niya ang binata, marahang ginulo ang kanyang buhok. "You're so beautiful. Hinding-hindi magbabago ang atraksiyong nararamdaman ko para sa'yo kahit na sabihin mong kaibigan lang ang tingin mo sa akin."

Iniiwas ni Theia ang tingin. Atraksiyon? Hanggang doon lang naman talaga ang maibibigay ng lalaking katulad nito. Kaya tama lang na kaibigan lang ang ituring niya dito.

Tumayo siya para maiwasan ang haplos ni Mitchel. "Mabuti nga pala at nagpunta ka dito ngayon. N-nagawa ko na ang hiling mo noon. I hacked the NAPOLCOM servers to find out some data about the Destroyer case."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon