Mitchel Ramos
ILANG sandaling pinagmasdan ni Mitchel ang maliit na bahay na kanilang kinaroroonan – bahay ni Lydia Roxas, ang katulong ng mga Abad. Makikita kaagad sa bahay na simple lang ang pamumuhay ng pamilya nito.
Ibinalik niya niya ang tingin kay Lydia nang ilapag nito sa mesita ang tatlong baso ng juice para kanila. Kasama niya doon ngayon sina Douglas at Theia.
"Alam niyo naman siguro kung ano ang dahilan ng pagpunta namin dito, Mrs. Roxas," panimula ni Mitchel. "Napag-alaman namin na matagal na kayong nagtatrabaho bilang katulong ng mga Abad, kasama ang isa niyo pang anak na si Delilah Roxas."
Tumango-tango si Lydia. "Matagal ko nang pinagsisilbihan sina Sir Carlo. Pihikan sila sa mga nakakasama sa bahay kaya dalawa lang kami ni Delilah na kasambahay para sa kanila."
Pinakatitigan ni Mitchel ang babae. Nakayuko ito, paga pa ang mata. Hindi maitatanggi ang kalungkutan sa mukha ng ginang, pero may nakikita rin siyang takot na pilit nitong itinatago.
"Bakit po wala kayo sa residence ng mga Abad noong nangyari ang pagsabog? Hindi ba kahina-hinala iyon?" tanong naman ni Douglas.
Napahikbi na si Lydia. "H-hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko ngayon. Nalulungkot kami sa pagkawala ng mga Abad, naging malapit na sila sa akin. Pero... pero inaamin ko na nagpapasalamat ako na wala kami doon ni Delilah nang gabing iyon. N-nagpapasalamat ako dahil... dahil buhay pa kami." Napahagulhol na ito ng iyak.
Hindi pa rin nagsasalita si Mitchel. Normal lang naman sa mga tao na mas pahalagahan ang sariling kaligtasan.
"Mukhang tamang-tama ang naging pag-alis niyo," wika ni Theia.
Nakita ni Mitchel ang pangangatal ng mga kamay ni Lydia. Tumingin ito sa kanila, may pagkabalisa na sa mukha. "P-pinaghihinalaan niyo ba kami?" tanong nito. "H-hindi... na-nagkakamali kayo. W-wala kaming ginawang masama ng anak ko. H-hindi namin magagawa iyon sa mga Abad."
"Kung ganoon, nasaan kayo ng gabing iyon?" tanong na ni Mitchel, seryoso.
"Dinala ko sa ospital ang anak kong si Delilah nang hapong iyon," sagot ni Lydia. "Bigla na lang sumakit ang tiyan niya. Sinabi ng mga doktor na may nakain siyang may halong gamot." Ini-iling ng ginang ang ulo. "H-hindi ko maintindihan."
"Nandito ba ang anak niyong si Delilah?" tanong niya.
Tumango si Lydia, sinabing nasa loob ng isang kuwarto. Tinungo nila ang kuwarto at nakita ang isang babaeng may nakakabit pang dextrose.
Sa tingin ni Mitchel ay nasa early twenties palang nito si Delilah Roxas. Tumingin ito sa kanila, nanghihinang pinilit umupo.
"W-wala kaming kasalanan," naiiyak nang wika ni Delilah. "May nagpunta na ditong mga investigators noon at pareho lang ang sasabihin namin. Wala kaming ginawang masama ni Inay. Kasalanan ko ba na bigla akong nagkasakit nang araw na iyon?! Hindi n'yo—"
Napatigil ang dalaga nang lapitan ni Mitchel at hawakan sa balikat. "Calm down." Bahagya namang kumalma ang nanginginig na katawan ni Delilah. Fear was very visible in her eyes. Halatang hindi sanay ang mga ito na humarap sa isang imbestigasyon.
Ilang sandaling hinayaan niyang kumalma ang dalaga. Naupo siya sa silyang malapit sa kinahihigaan ni Delilah.
"It's just too much of a coincidence," ani Mitchel sa mahinahong tinig. "Isinugod ka sa ospital nang araw na pasasabugin ang bahay ng mga Abad. Wala ni isang katulong doon, wala ni isang guwardiya."
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Delilah. "W-wala rin ang... ang mga guwardiya?"
Tumango siya. "Sinabi mong isinugod ka sa ospital that day, may maipapakita ka bang pruweba?"
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...