Jemimah Remington-Maxwell
PUNO ng pag-aalala ang puso ni Jemimah habang nakatingin kay Douglas na nakaupo sa likod ng ambulansya habang ginagamot ng isang medic ang mga sugat na natamo nito sa pagsabog kanina. Hindi dapat sila umalis kanina. They were fooled. Damn it!
"Ayos lang ako, Jemimah," natatawang wika pa ni Douglas. "Marami ka pang kailangang intindihin doon. Sige na."
Tumango na lang si Jemimah at lumakad patungo sa crime scene. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Pagkarating nila dito ni Ethan kanina ay nagkakagulo na ang lahat. Nailikas na rin ang mga tao sa loob ng Supreme Court. The meeting was cancelled, of course.
Pumasok siya sa loob ng yellow police tape na nakapalibot sa sumabog na Mercedes Benz. Kanina pang naroroon si Ethan at nag-iimbestiga.
Dalawa ang bangkay na na-recover sa loob ng sasakyan at katulad ng mga naunang biktima ni Ash, hindi na makilala ang mga bangkay na iyon - pira-piraso ang mga katawan at sunog na sunog.
"Mukhang nakalagay sila sa loob ng trunk ng sasakyan," wika ng captain ng Bomb Disposal Unit ng AFP. "At nasa katawan nila ang bomba."
Itinaas ni Ethan ang kamay na may hawak na sunog na tali. "Their hands were tied." Iginala nito ang paningin sa paligid. "It's impossible na walang nakapansin kung sakaling gumagalaw sila sa loob. Maliban na lang kung unconscious sila o natatakot sa bomba."
Ilang sandaling pinagmasdan lang ni Jemimah ang mga bangkay na may taklob ng puting kumot. Hindi pa rin niya maintindihan kung paano nangyari ang lahat ng ito.
"Paano nakalusot ang bomba?" Hindi na napigilan ni Jemimah ang magtanong. Mahigpit ang seguridad dito, sinigurado nila iyon. Naririto rin ang presensiya ng Bomb Disposal Unit, may mga sniffing dogs din kanina sa pagkakatanda niya.
"Nandito na ang sasakyan na ito kahapon pa lang," si Ethan ang sumagot niyon. "Nakita ko ang CCTV footage sa entrance. Hindi pa gaanong kahigpit ang seguridad kahapon ng umaga. Humigpit lang iyon nang gabing lumabas ang video ni Ash. Sa footage, umaga pa lang ay pumasok na ang Mercedes Benz na ito. And this never left this place since then. It was not Leo Parfan's car."
"Aalamin ko kung kanino naka-rehistro ang sasakyan," ani Jemimah.
Tumango si Ethan. "Kaya kailangan nating makausap ang guard na nakaduty sa entrance kahapon. Baka sakaling nakita niya ang mukha ng nagmamaneho ng sasakyan."
Napahawak na sa ulo si Jemimah.
"At kung bakit piniling dito iparada ang sasakyang ito?" dugtong ni Ethan. "Dahil hindi gumagana ang CCTV sa parteng ito. Too much of a coincidence, right?"
This was all planned all along. "Ibig sabihin kaninang tanghali ay pumasok na dito Leo Parfan, kasama ang killer. If Leo was unconscious, madali lang para sa killer na ilipat siya ng sasakyan."
"Hiningi ko na ang footage ng CCTV ngayong araw para pag-aralan ang mga sasakyang pumasok kanina," imporma ni Ethan. "Kailangan din nating hingin ang guestbook sa guard."
Tumango-tango siya. And they needed to find more evidence now. Kailangan din nilang siguruhin kung bangkay nga ni Leo Parfan ito, at kung kanino ang isa pa.
"LEO PARFAN, 56, Justice Secretary. Rick Parfan, 32, Businessman, ang nag-iisang anak ni Leo Parfan," report ni Douglas. Nasa loob sila ng penthouse nila ni Ethan ngayon. Wala pang tulog matapos ang insidenteng naganap sa Supreme Court kahapon.
"Nasaan ang asawa ni Leo?" tanong ni Paul.
"Matagal na silang hiwalay," sagot ni Douglas. "May isa pang bahay si Leo Parfan sa Batangas. Doon na ngayon nakatira ang dating asawa niyang si Marissa Garcia."
"Is she safe?" Mitchel asked.
Tumango si Douglas. "Pinatawag na namin siya. Mayamaya lang ay nasa SCIU Headquarters na si Marissa Garcia."
"Nakausap ko na ang guard na naka-duty kahapon sa entrance ng gate ng Supreme Court," sabi naman ni Jemimah. "Sinabi niyang napakaraming tao kahapon kaya hindi na napansin ang itsura ng mga taong pumapasok. Hiningi ko ang logbook." Ipinakita niya sa mga ito ang photocopy ng isang page ng logbook. "Around 1:15 P.M., nag-log ang pangalan ni Leo Pafran. Pero nang tingnan namin kahapon ang attendance sa entrance ng Supreme Court, hindi nakapirma doon si Pafran."
"How about the CCTV's?" tanong ni Mitchel.
Tumingin sila kay Theia nang may ilapag itong mga larawan sa mesita. "Tiningnan ko ang footage sa oras na nag-log ang pangalan ni Leo Pafran sa gate ng SC, at ito ang sasakyang pumasok nang oras na 'yon."
Isang white Hyundai ang nasa larawan. Sa isang larawan ay nakuha naman ang mukha ni Leo Pafran sa driver's side ng sasakyan. Ito mismo ang nag-log sa logbook.
"Si Leo Pafran ang nagmamaneho ng sasakyan pero dahil tinted ang salamin, hindi nakita kung may kasama siya," dugtong ni Theia.
"Siguradong kasama niya ang killer," ani Jemimah. "Sinabi ng katulong na may kasama si Pafran nang umalis ito. Isang taong noon lang nakita ng katulong. And Pafran's bodyguards wasn't there. Kasama sa plano 'yon ng killer."
"And around 1:40 P.M., nakita na sa CCTV ang pag-exit ng white Hyundai na 'yan," ani Theia. "Hindi nga lang nakita kung sino na ang nagmamaneho."
"Twenty-five minutes," usal ni Mitchel. "Sapat na para maglipat ng katawan sa Mercedes kung saan naroroon ang bomba."
"May isa pang hindi tama," seryosong wika ni Paul. "There was a sniffing dog yesterday. Bakit nakalusot pa rin ang sasakyan na may bomba?"
"Dahil ang taong humahawak sa sniffing dog ay hindi member ng Bomb Disposal Unit," sagot ni Ethan.
Kakikitaan ng pagkagulat ang mga miyembro ng team. Alam na iyon ni Jemimah. Kasama siya ni Ethan kanina nang kausapin ang Bomb Disposal Unit ng AFP. They learned that someone attacked the person in charge of the sniffing dog. Ikinulong ito sa loob ng isang van hindi kalayuan sa Supreme Court.
Hindi nila nalaman kung sino ang gumawa niyon at kung sino ang humawak sa sniffing dog. Pero siguradong ginamit din iyon ni Ash katulad ng ginawa sa mga nakaraang krimen.
"He was insane," wika ni Douglas, umiling-iling.
"No, he was intelligent," sabi naman ni Mitchel, may makikitang kaseryusohan sa mga mata. "Planado niya na lahat simula pa lang. Wala siyang planong makipaglaro. Gusto niya lang ipakita kung ano ang kaya niyang gawin."
Ilang saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. "At tungkol naman sa Mercedes Benz na sumabog, ipinahanap ko kung kanino naka-rehistro ang sasakyan. Turns out it was carnapped last week." Inabot ni Jemimah ang autopsy report na nasa mesa. "According sa autopsy, may nakitang components ng succinylcholine sa katawan ni Rick Parfan - isang droga na nakakapag-cause ng muscular paralysis. It's also used as a part of anesthesia. Sa katawan naman ni Leo Parfan ay may nakitang components ng sleeping pills."
"At mukhang nagising na si Leo Parfan nang makita ko ang bahagyang paggalaw ng sasakyan kagabi," ani Douglas.
Tiningnan ni Jemimah ang lalaki, may ilang gasgas ito sa mukha. "Siguradong ayos ka lang, Douglas? Bakit kasi lumabas ka pa ng sasakyan?"
Ngumiti si Douglas. "I need some adventures, too. Nakakatamad din na maupo lang sa loob ng sasakyan."
Napabuga na lang ng hininga si Jemimah. Hindi niya gustong mapahamak ang kahit sino sa kanyang team. But this case was getting more and more dangerous. Hindi nila maintindihan kung paano nagagawa ng killer ang lahat ng ito. Hindi rin nila alam kung may katapusan pa ba ito?
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...