Jemimah Remington-Maxwell
PUMASOK sina Jemimah at Ethan sa loob ng Supreme Court. Sina Paul, Mitchel at Douglas ay pinaghintay nila sa loob ng sasakyan. It would be dangerous tonight. Isang oras na lang ay magsisimula na ang cabinet meeting doon. Matatapos na ang countdown na ibinigay ni Ash.
Sinubukan nilang hilingin na i-cancel ang meeting ngayong araw pero hindi pumayag ang mga ito. At isa pa, wala rin silang ebidensya na sa Supreme Court talaga ang target ni Ash.
Pero mas pinahigpit pa rin ang security ng buong Supreme Court. Nagsama-sama ang lahat ng agents ng SCIU at NBI para mabantayan ang mga kasali sa cabinet meeting na magaganap. Naroroon din ang SWAT at Bomb Disposal Unit of AFP.
Tiningnan ni Jemimah si Ethan. "Sa tingin mo ba nandito talaga ang target niya?" Nag-aalala siya na baka nagkamali sila.
"Hindi rin ako sigurado," sagot ng asawa. "Hindi tayo makakasigurado dahil hindi naman natin alam ang takbo ng isip ng serial killer na ito."
Napahawak sa ulo si Jemimah. Kanina pang umaga ay hindi na natapos ang mga balita tungkol kay Ash. Ito ang headlines ng mga diyaryo, ng mga balita sa TV, maging ang pinagkakaguluhan sa social media. May ilang sumusuporta dito – mga taong may galit din sa gobyerno.
Nang magpunta naman sila sa station ng DP News, magulo pa rin doon pero naayos na naman ang mga servers. And of course, there was no trace of the hacker. Ang tanging nalaman lang ay hinack ang servers para maipalit ang isang video sa dapat na time slot ng DP News. Ibig sabihin ay hindi live ang napanood nilang video ni Ash kagabi.
Inilipat ni Jemimah ang tingin sa unahan nila nang makita ang paglapit ng isang lalaking nakasuot ng army uniform.
"Lieutenant Kevin Pascua," pagpapakilala ng lalaki.
"Senior Inspector Jemimah Remington. Ito naman ang asawa kong si Ethan Maxwell, he's a private investigator."
"Alam ko." Sandali lang sumulyap si Kevin sa kinatatayuan ni Ethan. "Dati siyang nagsisilbi sa militar."
Ilang saglit na katahimikan ang dumaan bago nagpatuloy si Kevin. "Sigurado ba kayo na ang Supreme Court talaga ang target ng serial killer na ito?"
"Hindi kami sigurado pero base sa mga nakalap naming impormasyon, halos nagsisilbi sa gobyerno ang naging biktima ni Ash," sagot ni Jemimah.
Tumingin si Kevin kay Ethan. "Hindi pa rin nawawala ang posibilidad na anti-government group ang gumagawa nito, tama? Alam kong ilan sa mga VOTP members ay nakalaya na. Hindi kaya sila naghihiganti sa pagkahuli sa kanila noon?"
Kumunot ang noo ni Jemimah. Magkasama ba ang mga ito sa raid noon?
"We're still investigating about that," sagot lang ni Ethan.
"Their leader was killed on that raid," pagpapatuloy ni Kevin. "Hindi na nakakagulat kung maghiganti ang ilan sa kanila."
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Hindi niya alam iyon.
"Kayo ang may hawak sa listahan ng mga cabinet members na kasama sa meeting na ito ngayon, 'di ba?" tanong ni Ethan, iniba na ang usapan. "Can we see the list of attendance?"
Sandaling nag-alangan si Kevin pero pumayag din naman. Nauna na itong lumakad patungo sa entrance.
Lumapit si Jemimah kay Ethan, bumulong. "Totoo ba ang sinabi niya? Namatay ang leader ng VOTP sa raid ninyo noon?"
Bumuntong-hininga si Ethan. "Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya, okay?"
Tumango na lang si Jemimah. Pagkarating nila sa entrance at sa tulong ni Lieutenant Kevin ay nakita nila ang attendance ng mga um-attend sa meeting.
Halos lahat ng nakalista doon ay mga malalaking tao sa lipunan. May itinuro si Ethan sa listahan – ang pangalan ni Leo Parfan, ang kasalukuyang Secretary of Justice. Wala pang pirma doon ni Leo, ibig sabihin ay hindi pa dumarating si Parfan.
Nagkatinginan sila ni Ethan. Siguradong iisa lang ang kanilang iniisip. Lahat ng mga nasa listahan ay may pirma na maliban sa pangalan ni Leo Parfan.
Ginamit ni Ash ang Philippine TV kagabi para makilala ito, para pagbantaan ang mga target nito.
"Abad, Manahan, marami pang susunod. At alam kong kilala niyo kung sino kayo. Alalahanin niyo kung ano'ng ginawa niyo." Iyon ang mga sinabi ni Ash kagabi.
Malamang ay alam ni Leo Parfan na siya na ang target ni Ash. Kung may ginawa ito noon kasama ang mga Abad at Manahan, alam nito na ito na ang susunod. Kaya malamang na hindi ito pupunta sa lugar na binanggit ni Ash sa TV. Hindi ito pupunta dito sa meeting ngayon sa Supreme Court!
Tiningnan ni Ethan ang suot na wristwatch. "Twenty minutes until the meeting starts." Tumingin ito kay Kevin at sa guwardiya na nagbabantay sa pinto. "Alam niyo ba ang address ni Leo Parfan?"
Umiling ang guwardiya, ganoon din naman si Lieutenant Kevin.
Ibinalik ni Ethan ang tingin sa kanya. "Call the SCIU headquarters. Kailangan nating malaman ang address ni Leo Parfan ngayon din. Kung hindi siya pupunta dito sa Supreme Court, malamang ay nasa bahay niya siya ngayon. At posibleng iyon ang puntiryahin ni Ash."
Mabilis na sumunod si Jemimah. Ilang saglit lang naman ay natanggap niya na ang message mula sa headquarters. "May dalawang address siya. Ang isa ay sa Batangas, ang isa ay dito lang din sa Ermita, Manila." Tumingin siya sa asawa.
"Let's go," wika ni Ethan bago lumabas ng Supreme Court. "Call for back-up."
Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan, agad nang tumawag ng back-up si Jemimah mula sa SCIU Headquarters. Tinawagan din niya sina Mitchel, Paul at Douglas para sabihin ang nangyari.
"Just stay there," utos ni Jemimah. "Hindi natin alam kung may plano pa rin diyan ang killer."
Pagkatapos ng tawag, sinulyapan ni Jemimah ang suot na wristwatch. Ten more minutes. Tiningnan niya si Ethan na sunod-sunod ang pagbusina sa mga sasakyang nasa unahan. They were using a police car kaya ang ilan sa mga sasakyan ay binibigyan sila ng daan.
"We're almost there," narinig niyang wika ni Ethan. Binilisan nito ang pagpapatakbo sa sasakyan hanggang sa tumigil iyon sa tapat ng malaking gate ng bahay ni Leo Parfan.
Lumabas si Jemimah ng sasakyan, tumakbo patungo sa gate at sunod-sunod ang pagpindot sa doorbell. The clock was ticking. Hindi nila alam kung may bombang itinanim sa lugar na ito si Ash. Posibleng silang madamay. Nakakaramdam na siya ng takot pero pinigilang maipakita iyon.
Bumukas ang gate ng bahay at lumabas doon ang isang katulong. "May kailangan po ba kayo?" tanong nito.
"N-nandito ba si Leo Parfan?" Ipinakita ni Jemimah sa katulong ang police badge. "Puwede ba namin siyang makausap?" Bakit nandito ang katulong ni Parfan? Kung katulad ng mga bombings noon, dapat ay gumawa na ng hakbang si Ash para mapaalis ang mga taong hindi naman kasama sa listahan nito.
Bumahid ang pagtataka sa mukha ng katulong. "Si Sir po? Kanina pa po siyang umalis para magpunta sa meeting nila sa Supreme Court."
Nanlaki ang mga mata niya. Nang lumingon si Jemimah kay Ethan ay nakita na rin ang kaguluhan sa mukha nito.
"Mahigit tatlong oras na po siguro mula nang umalis siya," pagpapatuloy ng katulong. "May sumundo sa kanyang isang lalaki."
"Lalaki? Kilala mo ba 'yon?" tanong niya.
Umiling ang katulong. "Hindi ko po gaanong napansin ang itsura niya dahil nakasuot ng cap, may mask din siya sa bibig. Naisip ko na baka bagong bodyguard ni Sir Leo. Hindi ko kasi nakita ang mga bodyguards niya kagabi pa."
"Ash..." narinig niyang usal ni Ethan.
Napatingin siya sa asawa, nakaramdam na ng kaba. "The Supreme Court," Jemimah mumbled. "No..."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...