Jemimah Remington-Maxwell
KAHARAP ngayon nina Jemimah at Mitchel sa loob ng SCIU interrogation room si Wilson Serrano. Nakayuko lamang ang lalaki.
Inilatag ni Mitchel sa sahig ang mga larawan ni Wilson kasama si Haidi Cruz. "Nakita namin ito sa possession ni Felix Cruz. May relasyon kayo ng asawa niyang si Haidi, tama ba?"
Tumango si Wilson, hindi na dinepensahan ang sarili.
"Last Wednesday, nasaan ka? Nagpunta ka ba sa Shangri-La Hotel sa Makati?" tanong ni Jemimah. "May na-recover kaming text mula sa cell phone ni Felix Cruz. Alam mo ba na aware siya sa relasyon niyo ni Haidi?"
Mahabang sandaling hindi nagsalita si Wilson, walang makikitang pagkagulat sa mukha nito. His head remained lowered.
"Kung hindi ka magsasalita, mapaghihinalaan ka lang, Mr. Serrano. Na ikaw ang pumatay kay Felix at sa pamilya niya," seryosong sabi ni Mitchel. "Since you're still alive despite the fact that Felix hired a killer to kill you."
Nag-angat ng tingin si Wilson, may pagkagulat na sa mga mata. "H-hindi ako ang... ang pumatay sa kanila. M-mahal ko si Haidi, hindi ko siya magagawang saktan."
"Mahal?" sarkastikong ulit ni Mitchel. "Kahit may pamilya ka na?"
Iniyuko muli ni Wilson ang ulo. "M-matagal ko nang mahal si Haidi noong unang beses pa lang na makilala ko siya. Minsan akong bumisita kina... kina Felix noon. Pero... m-mahal na mahal ni Haidi ang asawa niya kaya inilihim ko na lang ang nararamdaman ko. I made my own family. Pero... h-hindi sila magka-anak ni Felix dahil baog si Haidi. Simula nang malaman ni Felix na si Haidi ang may problema, nag-ampon siya at naging malamig na ang pakikitungo kay Haidi. Naawa ako sa kanya. She didn't deserve to be treated like that. Ako ang nag-comfort kay Haidi hanggang sa... hanggang sa pumasok kami sa isang relasyon."
Isinubsob ni Wilson ang mukha sa dalawang kamay. "Alam kong mali pero... pero sobrang saya namin tuwing magkasama kami. Mahal na mahal ko siya." Napaiyak na ang lalaki sa harapan nila.
"Kailan mo nalaman na alam na ni Felix ang tungkol sa relasyon niyo ng asawa niya?" tanong ni Mitchel.
Kumuyom ang mga kamao ni Wilson. "M-magkasama kami ni Haidi noong Miyerkules nang matanggap ko ang text niya. Nag-reply ako pero naghinala na kami na si... si Felix iyon. That's why I never went to Shangri-La Hotel. Alam kong mapapahamak lang ako."
"Kung alam niyo na palang mapapahamak kayo, bakit bumalik pa si Haidi sa bahay nila?"
Ini-iling ni Wilson ang ulo. "S-siguradong ako lang ang planong patayin ni Felix. H-hindi niya papatayin ang asawa niya."
Kung alam lang ni Wilson na dalawa sila ni Haidi na pinlanong patayin ni Felix noon. Pero nanatili na lang na tahimik si Jemimah. Mukhang hindi rin naman planong sabihin ni Mitchel ang tungkol doon.
"B-bago kami... m-maghiwalay ni Haidi noon, n-nangako siya na magpapakalayo na kami sa susunod na linggo," umiiyak na sabi ni Wilson. "P-pero bakit? Bakit niya ako iniwan?"
Napatingin si Jemimah kay Mitchel nang tumayo na ang lalaki. "You should focus on your own family now, Mr. Serrano," anito. "Pero hindi ka pa rin puwedeng umalis ng bansa hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon namin."
Tumayo na rin si Jemimah at lumabas kasunod ni Mitchel. "Are you okay, Mitchel?" tanong niya.
Ngumiti naman ang lalaki. "I'm fine, Jem. Huwag mong isipin na affected pa rin ako ng mga lalaking hinahayaang masira ang pamilya dahil sa ibang babae."
Mabuti naman kung ganoon. Hindi niya gustong makita na naman ang galit ni Mitchel. They needed him in their team. Kaya hindi puwedeng masira ang konsentrasyon nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misterio / SuspensoCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...