Jemimah Remington-Maxwell
"BASE sa report na ibinigay ng bomb squad na tumingin sa crime scene, parehong-pareho ang mga nakitang materials na ginamit sa bombang sumabog sa Abad residence at sa hotel room kung saan pansamantalang tumutuloy si Luis Manahan," pagsisimula ni Jemimah. Naroroon sila ngayon sa penthouse ni Ethan kasama ang mga member ng Cold Eyes team.
Lahat sila ay wala pang maayos na tulog matapos ang nangyaring pagsabog sa Taguig kahapon.
"Si Luis Manahan ay isang Deputy Commissioner sa Bureau of Customs," pagre-report naman ni Douglas. "Matagal na siyang naninilbihan sa ahensyang iyon. Ang dalawang bangkay na natagpuan kasama ng bangkay ni Luis ay kinilalang sina Armie Joy at Arabelle Manahan, ang kambal na anak ni Luis."
"Buong pamilya ba talaga ang pinapatay ng serial killer na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Theia.
"Siguro," sagot ni Jemimah. "Pero ilang taon nang patay ang asawa ni Luis Manahan dahil sa isang aksidente." Tiningnan niya ang mga larawan ng crime scene, ang mga larawan ng biktimang sunog na sunog ang mga katawan at nagkapira-piraso na.
"Ang sobrang naapektuhan ng pagsabog ay ang kambal na anak ni Manahan," wika ni Ethan. "Siguradong sa kanila nakakabit ang bomba. May mga nakita rin kaming ilang ebidensyang tali na makakapagpatunay na nakatali silang dalawa."
"The bomb was enough to blow up a room," dugtong ni Jemimah. "It was only meant for the Manahan. Katulad din ng nangyari sa bahay ng mga Abad. Wala ring ibang nasaktan. Clearly, these are premidated murder. Alam ni Ash ang ginagawa niya at kung hindi natin mahuhuli ang killer na ito, baka madagdagan pa ang listahan ng biktima."
"Pero hindi tayo sigurado kung iisang tao lang ang gumagawa nito," seryosong wika ni Ethan.
Tiningnan ni Jemimah ang asawa. Napag-usapan din nila iyon kagabi. Naghihinala si Ethan na hindi lang isa ang kriminal na hinahanap nila. Yes, there was a possibility that they were dealing with a crime group. Hindi kakayanin ng isang tao ang kalabanin ang mga malalaking tao sa lipunan.
"Ganoon din hinala ko," wika naman ni Douglas. "Maraming mga tao ang galit sa gobyerno, sa mga nasa awtoridad. Maraming mga grupo ang posibleng gumawa ng ganyan para mapansin ng lipunan."
Napatingin si Jemimah kay Theia. Seryoso lang naman ang mukha nito, hindi nagsalita. Alam nilang galit ang dalaga sa gobyerno. "Kasama ka dati sa isang grupo na may galit sa government, 'di ba, Theia? Posible bang gumawa sila ng ganito?"
Hindi pa rin nag-aangat ng tingin si Theia. "Halos lahat ng mga kasamahan ko noon ay nakulong nang ma-raid ang hideout namin. Hindi ko na alam kung nakalaya na ba sila o ano. Pero kung gusto mong malaman ang sagot sa tanong na 'yan..." Ini-angat nito ang ulo para tumingin sa kanila. "Maraming nagawang mali ang grupo namin noon para lang mapansin ng gobyerno but I've never heard that they killed people."
"Kilala mo bang lahat ang mga kasama mo sa grupo noon, Theia?" tanong pa ni Douglas. "Alam mo ba ang lahat ng kilos nila?"
Inilipat ni Jemimah ang tingin kay Douglas. Kanina niya pa siya naninibago sa lalaki. He was not the usual Douglas Ilagan. Tila ba biglang nawala ang pagiging magalang nito sa pagsasalita. O baka naka-adapt na ito sa kanila. Baka na-realize na ng lalaki na magkakapantay lang sila sa team.
"Hindi," sagot ni Theia. Hindi napalampas ni Jemimah ang pagkuyom ng mga kamay ng dalaga. It must be hard for her to talk about the past.
"Base sa researches ko, ang grupo niyo noon ang pinakamalaking anti-government group," pagpapatuloy ni Douglas. "Ang pinakamahirap na nakalaban ng gobyerno dahil na rin sa husay ng hacking skills ng hacker nila. Ikaw ang-"
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystère / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...